Chapter 58

11.1K 213 2
                                    

Bigla akong hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. Para bang biglang nagyelo ang buo kong katawan. Imposibleng siya si Anamarie! Patay na si Anamarie eh. Napaka-imposible sa lahat ng imposible.

“Wait, Anamarie. P-pa’no nangyari ‘to? Na nabuhay ka? Di-diba—“ Tanong ni Renz na naputuol dahil sa biglang pagsagot ni Anamarie. Mukhang nagulat rin siya at ngayon lang nakapagtanong.

“It’s a long story to tell, Renz. Basta ang importante magkasama na tayo ngayon.” Bigla akong nanginig sa sinabi niya, dahil may bigla akong na-realize. Kung siya nga si Anamarie, may posibilidad na iwan ako ni Renz para balikan siya. Kahit hindi kaming pwede mag-hiwalay dahil arrange na kami, pa’no kung ipaglaban niya si Anamarie sa pamilya niya? Kayang gawin ‘yun ni Renz, alam kong gagawin niya lahat ma-sunod lang gusto niya. Kinagat ko ‘yung labi ko para mapigilan ang luha ko sa pagtulo. Iniisip ko pa lang na mangyayari ‘yun, ang sakit-sakit na.

“Pero Anamarie—“ Naputol ulit sa pagasasalita si Renz dahil biglang dumating si Marco at Alex.

“Hoy, ano ba guys! Pwede bumaba na kayo, uuwi na po kaya tayo, hello!” Sumbat ni Alex.

“Baka nakakalimutan niyo, may flight pa tayong dapat habulin.” Ganun rin si Marco.

“Uuwi na kayo?” (Anamarie)

“Anong kayo? Tayo! ‘Wag ka ngang pa-echos jan, Althiya” (Alex)

“I am not Althiya.” (Anamarie)

“Ano? May sayad ka na ba –“

“Nandito ako.” Pinutol ko agad ang salita ni Alex. Lumingon naman silang dalawa ni Marco sa ‘kin. Ta’s kay Anamarie, ta’s sa ‘kin na naman, then kay Anamarie ulit.

“Anamarie?” Mukhang na-gets ni Marco.

“Yes. It’s me Marco.” Sagot sa kanya ni Anamarie ng nakangiti.

“WAAAH! MULTO!” Sigaw ni Marco habang nakaturo kay Anamarie. Si Alex naman, parang ako, na-froze sa kinatatayuan.

“Hindi ako multo! Ikaw talaga, hindi ka pa rin nagbabago.”

“SANDALI NGA LANG!” Sigaw na ni Renz. Then humarap siya kay Anamarie. “Hindi ka na rin naman siguro dito naka-tira hindi ba?”

“Hindi, nagbabakasyon lang kami rito kagaya niyo. Pero, ‘wag muna kayong umuwi please.” Sagot niya naman.

“No, hindi pwede. Narinig mo naman si Marco diba, may flight pa kaming dapat habulin. Kaya kailangan na naming umuwi.” Sagot sa kanya ni Renz. May coldness ba sa pagkasabi sa kanya nun ni Renz? O ako lang ‘to na naga-assume na hindi pa hihiwalayan ni Renz pagkatapos nito?

“Pero Renz –“

“Dun ka pa rin ba nakatira sa dati niyong bahay?”

“Oo, please –“

“Mag-usap na lang tayo pagbalik mo sa ‘tin, pupuntahan kita sa inyo.” Then tumalikod na si Renz at, shockingly, lumapit sa ‘kin. “Tayo na.” Sabi niya sabay hawak sa kamay ko at hila pababa papunta sa yacht. Naramdaman ko namang sumunod silang lahat maliban kay Anamarie.

Nung nasa yacht na kami, halos silang lahat sinalubong kami ng sermon at tanong.

“At last, dumating na rin kayo!” (Spencer)

“Ano ba’ng nangyari? Ba’t ang tagal niyo?” (Andi)

“Hindi niyo ba alam na 5 hours pa ang biyahe natin?” (Ahriya)

“At ba’t ganyan mga mukha niyo? Para kayong nakakita ng multo or something.” (Andrea)

Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Renz sa kamay ko. Then humarap siya sa ‘kin.

“Mag-usap tayo.” Sabi niya sabay hila sa ‘kin sa lower deck ng yacht at pumasok sa isang kwarto. Pina-upo niya ‘ko sa edge ng kama habang naka-luhod naman siya sa harap ko.

“Alam ko ‘yang iniisip mo ngayon.” Halata sa boses niya ang pag-aalala, pati sa mukha niya. “Iniisip mo na baka hiwalayan kita dahil biglang nabuhay… or kung ano man si Anamarie, tama?”

“Bakit, hihiwalayan mo na ba ako ngayon?” Tanong ko sa kanya at halata sa boses ko na iiyak na ako.

“Hindi. At kahit gustuhin ko man eh hindi rin naman pwede, diba?”

“So gusto mo talaga akong hiwalayan?” At ‘di na nagpapigil ang luha ko sa pagtulo. Hinanda ko na ang sarili ko na hubarin ang singsing na ibinigay niya sa ‘kin at itatapon ko sa mukha niya sabay sabing “NABUHAY LANG SIYA, MAWAWALA NA AGAD ‘YANG PAGMAMAHAL MO SA ‘KIN?! ANONG SILBI NUNG PROMISE-PROMISE MO HA?!”

“Hindi nga eh. Mabuhay man lahat ng patay sa mundo, hindi kita hihiwalayan. Kasi mahal kita. Period. Si Anamarie, parte na lang siya ng past ko. Ikaw, parte ka ng present at future ko. At diba, ang promise? May mga itatanong lang ako sa kanya pag-uwi niya at ka-klaruhin ko na rin sa kanya na wala ng kami para hindi ka na mag-alala kaya..” Pinunasan niya ang mga luha ko at hinawakan ang mukha ko “..’wag ka ng umiyak.”

“Alam mo ba’ng may sasabihin na sana ako sa’yo kung hiniwalayan mo ‘ko?” Napangiti si Renz.

“Nag-sayang ka lang ng oras sa pag-iisip ng speech mo. ‘Di mo rin naman ‘yan magagamit.”

He's My Fiancé?! --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon