Chapter 73

11.3K 193 0
                                    

Ilang buwan ko ba ‘to tinago?! Diba dapat kinakaya ko na ‘to?! Ba’t ngayon lang ako nagkakaganito?! Para na ‘kong nasisiraan ng bait sa nararamdaman ko. Imbis na inumin ko ang mga beer mas pinili ko pa silang itapon. Ba’t ba nangyayari ‘to?! Gusto ko ng sabihin sa kanya ang lahat, na mahal na mahal ko pa rin siya. Pero kailangan ko siyang protektahan. Gustong kong piliin ang sarili ko, magpaka-selfish para mawala na ‘tong sobrang sakit kong nararamdaman. Pero ayoko siyang mawala, ayoko siyang mapahamak, mas ikakamatay ko ‘yun.

Kinuha ko ang mga basag na bote at hinawagan ko ng mahigpit. Kailangan kong makaramdam ng mas masakit. Pero wala, wala lang ang umaagos na dugo at sakit ng kamay ko sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Kaya tinapon ko ulit. Susuntukin ko na sana ang sahig na puno ng bubog ng biglang may humawak sa kamay ko.

“Anong ginagawa mo rito?! Pa’no mo nalamang nandito ako?!” Tanong ko sabay bawi sa kamay ko.

“Sa’n ka ba laging pumupunta? Nakita rin kasi kitang umalis kaya sinundan kita. Minsan kinakabahan na ‘ko kapag ikaw lang mag-isa umaalis, baka kung ano ang gawin mo sa sarili mo. At tama nga ‘ko. Ano ba’ng ginawa mo sa kamay mo?”

“Hindi ko na kaya.” Ang tangi kong nasabi imbis na sagutin siya. Nilagay ko sa noo ko ang nagdurugo kong kamay. “Hindi ko na kaya. Ayoko na.” At dito na ‘ko nag-simulang umiyak. Eto na siguro ang sobra na hindi na kasya. Ang pagsugat ko sa sarili ko na rin siguro ang pagkasira ko. At mula sa isang tulo ng luha, tuluyan na ‘kong humagulgol.

“Ayoko na, ayoko na talaga. Ubos na ang lakas ko!”

“Ba’t ‘di mo na lang kasi sabihin sa kanya?”

“Hindi…. hindi pwede. Mapapahamak siya!”

“Kapag sasabihin mo sa kanya, kapag malalaman na ‘to ng lahat, marami ng poprotekta sa kanya. Hindi ‘yung ganito lang, na ikaw lang. ‘Wag mo ‘tong isarili!”

“Walang nakakakilala sa kuya ni Anamarie, kahit nga ang pamilya niya! Kaya hindi ko alam kung ano ang kakayahan ng taong ‘yun. Ayokong madamay ang iba dahil lang dito! Dahil lang sa ‘kin!”

“Haaaay jusko! Ikaw na nga nag-sabi na hindi mo na kaya eh!”

“Nakaya ko dati, makakaya ko ‘to ulit.” Oo, gano’n na nga. Makakaya ko pa ‘to.

“Pwede bang maayos pa ang sumabog na?”

***

(Charles’ POV)

Ini-abot ko kay Renz ang beer na binili ko ngayon lang, pero ‘di niya tinanggap. Nanatili lang siya sa pagtitig sa kawalan habang mugto na ‘yung mata sa kakaiyak. Nilapag ko na lang ito sa sahig. Umupo ako sa tabi niya at ininum ang beer ko.

“Wala ka na bang ibang gagawin kundi ang umupo at tumunganga?” Tanong ko sa kanya.

“Kahit anong sabihin mo… hindi ko sasabihin sa kanila ang totoo... lalo na kay Althiya.” Halos nawala na ang boses niya sa kaka-iyak.

“Tingnan mo kaya ang sarili mo sa salamin ngayon.”

“Tumahimik ka na lang. Dahil wala akong gagawin”

“Jusko! Ang tigas rin ng ulo mo noh? Sabihin –“ Napahinto ako sa pagsasalita ng bigla siyang tumayo at naglakad paalis “Hoy! Sa’n ka pupunta?!”

“Ayoko muna ng kahit anong disturbo kaya ‘wag mo akong sundan!”

“Pero Renz –“ Tumayo na ‘ko at naglakad papunta sa kanya, pero napatigil ako nung huminto siya at humarap sa ’kin.

“Please.” Sabi niya sabay talikod at tuluyan ng umalis.

He's My Fiancé?! --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon