Chapter 59

12.3K 214 0
                                    

3 days since nung araw na nakita naming buhay si Anamarie.

Sabi ni Renz naka-uwi na daw sila, kaya pupuntahan niya ‘to mamaya sa bahay nila para kausapin. Pero ngayon, kakausapin niya raw muna ‘yung manager ng banda nila. Na-alala niyo ‘yung pumunta sila ng America bago ‘yung annual bidding? Para pala ‘yun kausapin ‘yung manager nila dahil pinatawag sila nito at para sabihing gusto nito i-renew ang contract ng banda nila. Pumayag daw silang lahat at pumirma na ng contract ‘yung apat maliban sa kanya. Gusto niya sanang pagka-graduate na namin ng highschool pirmahan ‘yun, kaso pinipilit na siya at pupuntahan pa siya mismo rito. Kaya um-oo na lang siya. Nandito na nga rin ang buong SPrince sa bahay nila para salubungin ‘yun eh, dito na raw kasi sa bahay nila Renz magkikita at magpipirmahan. Nake-echos na rin kami ng A’s.

Echosera pala ang manager ng limang ‘to, mga Hollywood stars ang hina-handle. Hindi na nga lang sila nag-bigay ng example kung sino kahit ilang beses pa naming tanungin, ewan ko ba! Parang top secret kung sino ‘yung hinahandle ng manager nila bukod sa kanila.

“Anong oras raw darating si Manager?” Tanong ni Tristan. Sa susunod na araw pa ‘yung flight niya kaya nandito pa siya.

“Alas dos. Pinasundo ko na siya sa driver namin. Sinama niya nga pala raw si Sophie.” Sagot sa kanya ni Renz.

“Sophie?” Kami naman ng Miss A. Sino siya?

“Rookie talent ni Manager.” Sagot ni Spencer. Then biglang tumunog ‘yung cellphone ni Renz, sinagot niya ‘to agad.

“Hello?... talaga… sige.” Ta’s binaba niya na ito agad. “Nandito na raw sila.”

Naghintay pa kami ng mga ilang minuto hanggang sa ina-announce ni Butler Camora na may bisita. Ta’s lilinya na sana ‘yung mga maids ng biglang pinatigil sila ni Renz.

“’Di naman masyadong importante ‘yun. Kaya ‘wag na kayong mag-sayang ng oras.” Sumunod naman sila agad at bumalik na sa mga trabaho nila. Maliban kay Butler Camora na nanatili lang sa pinto para salubungin ‘yung bisita.

Binuksan nung butler ang pintuan at may pumasok na isang lalake – well, bakla siya actually, matandang bakla na “medyo” lalake pa rin manamit – at isang tangkad at blonde na babae na amerikana.

“Hello Renzi!” Bati nung manager nila kay Renz sabay yakap sa kanya.

“Renz.” Pagco-correct ni Renz habang yumayakap rin sa manager nila. “9 months pinag-isapan ng nanay at tatay ko ang pangalan ko kaya ‘wag mong lagyan ng ‘zi’. Pang-ilang milyong beses ko na ba’ng sinasabi ‘to sa’yo?” Then humiwalay si Renz sa kanya.

“At pang-ilang milyong beses ko na rin ba’ng sinabi sa iyo na tatawagin kita kung ano man ang gusto kong itawag sa’yo, Renzi. Oh, nandito rin pala kayong apat.” Sabi niya habang iniikot ang paningin. “And… who’s these girls?” Tanong niya habang winawagayway ang kamay sa ‘min. Isa-isa kaming pinakilala ni Marco sa kanya.

“Si Andrea, girlfriend ko.” Hindi naman nag-reklamo si Andrea pero tiningnan siya nito ng ano-ba-‘yang-sinasabi-mo look. “Si Alex kay Tristan and you know.. ang Althiya ni Renz.” Althiya ni Renz?!

“Yes, Renz’ fiancée.” Sabi niya sabay yakap sa ‘kin.

“Hi po.” Bati ko sa kanya pagkahiwalay namin.

“’Wag mo ‘kong i-po. Ayokong nafe-feel na matanda ako.” Sabi niya with a smile. “Did you introduce Sophie to them already?”

“Yup.” Sagot ni Spencer.

“Well then, let’s sign the contract. Dun tayo sa office ng ate mo.” Then nag-simula ng mag-lakad ‘yung manager nila papunta sa hagdan, sumunod ‘yung Sophie. Teka, ano nga pala ang pangalan ng manager nila?

“Dito na lang. Magsa-sign lang rin naman ako eh.” Pagrereklamo ni Renz.

“Akala ko ba may sasabihin si Tristan?” Sabi ni manager habang patuloy pa rin sa paglalakad.

“Maiksi lang naman ‘yung sasabihin niya.”

“Alam mong pinapahaba ko ang maiikling topics. Kaya halika ka na.”

“Aissh! Eto ang dahilan kung bakit nagdadalawang-isip akong pumayag na dito sa bahay mag-sign ng contract eh! Feeling mo pagmamay-ari mo na ang bahay.”

“Oh Renzi, you know na familia na rin ang turing sa ‘kin ng parents mo.”

 Tama nga ‘yung sinabi ni manager, pinahaba niya nga ang dapat sana’y maikli lang. Pagkatapos kasi ng pag-sign ng contract ni Renz at maikling (kung maikli nga ba ‘yun) conversation, sinabi na sa kanya ni Tristan na mag-aaral siya sa States. Tapos sabi ni manager ay good daw. Akala namin ‘yung lang sasabihin niya – at sa tingin ko, ‘yun lang naman talaga ang dapat ang sasabihin mo kung um-oo ka sa isang bagay – pero dinagdagan niya pa. Kesho pa’no daw ang mga gigs na pine-prepare para sa kanila at chu chu eklavush eklavush at kung anek-anek pa.

Pagkatapos nun, nag-meryenda muna kaming lahat. ‘Yung boys, kinaka-usap ‘yung manager nila. Kami naman, si Sophie ang kinaka-usap para hindi ma-OP. Kaya pala siya nandito kasi may concert siya. Marami na rin kasi siyang fans rito kaya nagpa-desisyunan nilang mag-held ng concert. Ngayon ko lang na-realize/remember na may music video pala siya sa MTV at MYX. Hindi na pala siya ganoon ka-rookie.

Pagkatapos ng pagme-meryenda at pag-uusap, umalis na sila Sophie at ‘yung manager nila para i-prepare ‘yung concert at para na rin mag-rehearse. Pagka-alis nila, aalis na rin sana si Renz para i-uwi ako sa bahay at para puntahan na rin si Anamarie ng biglang nilapitan siya ni Butler Camora at sinabing may bisita raw siya. Pinapasok naman siya ni Renz at nung buksan ni Butler Camora ang pinto, nakita naming lahat si Anamarie.

“Hi Renz.” Bati niya na may malaking ngiti sa labi.

“O, ba’t ka pa pumunta? Diba sabi ko ako ang pupunta sa inyo?” Sabi ni Renz sa kanya.

“Ayos lang naman sa ‘kin tutal ‘di na rin naman ako stranger rito diba. Oh, nandito pala ang buong SPrince! At…” Inikot niya ang paningin niya sa ‘min ng A’s at nung nakita niya ko, biglang nawala ang ngiti niya.

“Uhm, sige Renz. Uuwi na kami” Sabi ni Andi. Ganun rin ang ibang A’s at ang apat na boys.

“Sasabay na lang ako kanila Andrea, Renz. Sige, bye.” Sabi ko sabay halik sa pisngi niya. Lumingon naman ako kay Anamarie at medyo awkward na nagpa-alam sa kanya, ganun rin siya sa ‘kin. Susundan ko na sana sila Andrea ng biglang hinawakan ni Renz ang kamay ko.

“Hindi, ihahatid na kita.” Sabi niya.

“May bisita ka Renz. I-entertain mo na lang, okay lang naman—“

“I insist. Si Butler Camora muna ang bahala kay Anamarie.” Nilingon ni Renz si Anamarie. “Anamarie, okay lang naman sa’yo na ihatid ko lang sandali si Althiya diba?”

“Uhm…” Yumuko si Anamarie, alam kong gusto niyang sumagot ng hindi. “O-okay lang naman.” Nag-smile naman sa kanya si Renz.

“Let’s go.” Lumabas na kami ng bahay at sumakay sa kotse ni Renz.

Kinabukasan, nung pumunta si Renz sa bahay namin, hindi na namin pinag-usapan pa kung ano man ‘yung pinag-usapan nila ni Anamarie.

He's My Fiancé?! --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon