Nandito ako ngayon sa waiting area malapit sa operating room. Hinihintay ko na may lumabas na doktor at mag-balita kung ano na ang nangyari kay Renz. Tinawagan kasi ni Ate Laurene ‘yung parents nila ni Renz habang si oppa naman eh tinawagan ang barkada. Wala pa kasi akong lakas para tawagan sila. Kanina pa nga ako umiiyak rito at hindi mapakali eh. Pa’no kung bumigay siya? WAAAAH! Ba’t pa kasi nangyari ‘to eh?! Kung mawawala ka Renz mawawalan na ‘ko ng wirdo! T_T
“Stop crying, Althiya. He will be fine.” Sabi ni Ate Laurene sa ‘kin na kararating lang.
“Eh kasi *sob* Ate Laurene *sob* pa’no kung…”
“No. He’s brave, so don’t worry.” Halata sa boses ni Ate Laurene na gusto niya na ring umiyak. Syempre! Ako nga na kaibigan slash fiancée lang ni Renz eh umiiyak pa’no pa kaya siya na kapatid na!
“Natawagan ko na sila.” Sabi ni oppa na kararating lang din. “Stop crying, Ji Min. May ginawa rin ba ‘yung mga nanakit kay Renz sa’yo?” Tanong ni oppa sa ‘kin sabay punas ng luha ko. Naalala ko ‘yung tangkang panre-rape nung Fred na ‘yun sa ‘kin. Sa sobrang pag-aalala ko kay Renz, nakalimutan ko na ‘yung pagtatangkang ‘yun.
“W-wala po oppa.” Pagde-deny ko. Ayoko na kasing dumagdag pa sa problema. Tyaka hindi naman talaga nila ako nagalaw ng “below to the belt” na eh.
“Are you sure?” Tanong ni oppa. Tumango naman ako. “Okay, I trust you.” Shemay! Pinapa-konsenysa pa yata ako nitong si oppa eh.
Maya-maya lang, lumabas na ‘yung doktor mula sa operating room. Agad naman kaming napatayo.
“How’s my brother, doc?” (Laurene)
“He’s already okay pero maraming nawala sa kanyang dugo.Tinawagan na namin ang blood bank pero mukhang kulang ang maiibigay nila, kaya kailangan natin ng donor. Are you AB negative Miss Francisco?” (Doctor)
“Yes. I will donate.” (Laurene)
“Okay, please follow me. Pwede niyo na ring bisitahin ang pasyente. Nasa ICU siya ngayon.” (Doctor)
“Puntahan niyo muna si Renz sandali. Kayo muna ang bahala sa kanya.” (Laurene)
“Sasama ako sa’yo.” Sabi ni oppa kay Ate Laurene. Napansin ko namang nagtitigan silang dalawa pagkatapos sabihin ‘yun ni oppa.
“*sigh* Okay.” Then na-una ng sumunod sa doktor si Ate Laurene.
“Ji Min, ikaw muna ang pumunta kay Renz.” Sabi ni oppa sa ‘kin sabay sunod sa kanya.
Pinuntahan ko na si Renz sa kwarto niya. Pagdating ko, may isang nurse na nagche-check sa kanya.
“Good evening, miss.” Bati sa ‘kin nung nurse.
“Good evening din po. Kumusta na po siya?”
“Okay na siya. Kailangan niya na lang masalinan ng dugo.”
“Okay po. Thank you.” Pagkatapos nun, umalis na ‘yung nurse sa loob ng kwarto.
Umupo na rin ako sa upuan na katabi lang ng higaan ni Renz. Napa-buntong-hininga ako, ang rami kasing naka-kabit na makina sa katawan niya eh. Parang hindi totoo ‘yung sabi ng doktor at nurse na okay na siya. Naramdaman ko namang tumulo ang luha ko, kaya pinunasan ko ito agad. Langhiya! >_< T_T
BINABASA MO ANG
He's My Fiancé?! --- COMPLETED
Teen Fiction[TAGALOG STORY] He's the weird stranger she saw in a coffee shop. He's the weird stranger who chased their car for no reason. He is her fiance. He's annoying. He smokes. He drinks. He's not her type. But she still ends up falling in love with him. ...