(Renz POV)
Lumabas agad ako sa bahay nila Anamarie matapos akong mag-dinner sa kanila. Ihahatid ko lang dapat siya pero nagyaya ang mommy niya na mag-dinner, 'di ko na rin natanggihan.
"Renz!" Napalingun ako sa tumawag. Ba't pa siya sumunod?
"May kailangan ka pa?" Walang emosyon kong tanong sa kanya. Mas mabuti na 'yang walang emosyon kaysa 'yung emosyon na nararamdaman ko tuwing nakikita ko siya at naaalala ko 'yung kuya niya.
"Nakalimutan mo kasi 'yung Physics Book mo nung pumunta ka rito. Eto o." Inabot ko naman agad. Aalis na sana ako ng nakita kong bumukas ang pinto at may sumisilip. Bwisit!
"Sige, alis ka na. Exam na natin next week kaya mag-aral ka ha." Pake mo ba kung mag-aaral ako o hindi.
"Sige, bye." Lumapit siya sa 'kin at hahalikan sana ako sa labi. Pero ginalaw ko ng konti ang ulo ko para sa gilid ng labi ko lang siya makahalik. Mukha na rin naman niya akong hinalikan sa labi kung sa may pinto titingnan.
"Sige. Ingat ka." Halata sa mukha niya ang disappointment. Tss, dapat alam niya kung ano ang kahahatungan nito. Gusto niya lang daw ako makasama eh, o ayan, kasama niya na 'ko. Pero kung gusto niyang mahalin ko pa siya, manigas siya.
Pagkarating ko sa bahay, tinanong agad ako ni Butler Camora kung kumain na ba ako ng dinner. Sinagot ko siya ng oo na hindi man lang lumilingon sa kanya. Wala sila mama at papa, obviously, business na naman.
Dumiretso ako sa kwarto at doon nagkulong. Itinapon ko ang sarili ko sa higaan at tinitigan ang ceiling. Ayos lang. Ayos lang 'to, para naman sa kanya 'to eh. Ngayon lang siya masasaktan at iiyak, pero makakalimutan niya rin ang nangyari. Makaka-move-on rin siya. Makakalimutan niya rin ako.
Napa-buntong hininga ako. Iniisip ko pa lang na makakalimutan niya 'ko, na makakahanap siya ng iba, na maiiwan ako mag-isa..... parang pinapatay na ang kaluluwa ko. Pero kasalanan ko rin naman 'to ha. At mas mabuti na lang ding ako 'yung nasasaktan kesa siya. Mas kakayanin ko pa.
**5 months later**
"Dun kayo sa bar na usually nagaganap ang gig niyo." Sabi ni manager na nasa screen ngayon ng computer. Last month lang kasi, nagkaroon na kami ng gigs sa mga bar. Kaya ayan, pina-alala niya sa 'min kung saang bar ang susunod. Usually, dun kami sa Red Lights Bar. 'Di kasi kami compatible sa bar nila Marco, mas uso kasi sayawan dun kesa kantahan. "By the way, may kuma-usap na sa aking isang recording company. Nabalitaan niyang may mga original composition ang banda niyo at gusto nila i-record. Sumisikat na rin kasi kayo... ulit!" Excited niyang sabi sa 'min
Si Tristan ang nagco-compose ng kanta. Kasi nga 'di siya makasali sa gig namin kaya nagsusulat na lang siya ng kanta para sa banda. May sinusulat rin si Kevin, bilang siya naman talaga ng original song writer ng banda.
"Mabuti 'yan! Malay niyo makakapag-concert na tayo sa Big Dome! Wohooo!!" Excited ring sabi ni Marco.
"Taas ng pangarap Marco? 'Di pwedeng MOA Arena muna?" Ganun rin si Spencer, at nag-high-five silang dalawa.
"That's my boys, napaka-confident! Anyways, basta 'yun na 'yun ha. Sa Red Lights pa rin, and kakausapin ko pa ng recording company. Don't worry, makakapag-record kayo. Kakausapin ko rin si Tristan tungkol rito mamaya, tulog pa kasi 'yun ngayon. Sige boys, galingan niyo mamamay ha. Bye!"
"Bye manager." At nag-log-out na si manager.
"Sige, 'kita na lang tayo mamaya." Sabi ko sa kanila. Nandito kasi kami ngayon sa Principal's Office, obviously, may inaasikaso ako, ng biglang tumawag si manager na mag-skype raw kami. Kaya ayan, napunta sila rito. Umalis naman sila agad pagkatapos.
5 months... 5 months na simula nung araw na 'yun. Siya, mukhang nakaka-move-on na. Nakikita ko kasing lagi siyang hinahatid-sundo ni Kevin. Si Kevin rin 'yung lagi niyang kasama kung hindi niya kasama ang A's. Mabuti na lang din 'yun, para tuluyan na talaga siyang maka-move-on... at para makalimutan niya na rin ako.
Ako? Walang pagababago. Mahal na mahal ko pa rin siya. Pero ano ba'ng magagawa ko. Kailangan kong magtiis, kaysa siya 'yung magtiis para sa 'kin, sa 'min. Kasi ganyan nga raw ang pagmamahal diba, kailangan mong magtitiis kung para 'yun sa ikakabuti ng mahal mo.
***
"Nasabi sa 'kin ni Spencer na may gig raw kayo mamaya." Sabi ni Anamarie habang nasa biyahe kami ngayon.
"Hmm."
"Saan? Pwede ba 'kong sumama?"
"Ikaw."
"Sasama ako. Sunduin mo 'ko kapag papunta ka na."
"Sige."
"May... problema ba?" Medyo nag-aatubiling tanong niya sa 'kin matapos ang mahabang katahimikan.
"Wala. Marami lang talaga akong ginagawa." Sagot ko.
"Lagi ka na lang maraming ginagawa ha. Magpahinga ka naman."
"Parang hindi mo naman alam ang trabaho ko." Ang kanina ko pang pinipigilang pagkairita nahalata na sa boses ko. Tanong kasi ng tanong, nakaka-bwisit.
"Nag-aalala lang--"
"Nandito na tayo." Pinutol ko na siya sa pagsasalita nung nakarating na kami sa bahay nila. Narinig ko naman siyang nag-sigh.
"Sige. Ma-una na 'ko." Sabi niya sabay halik sa pisngi ko.
"Sige, susunduin na lang kita mamaya."
"Okay. I love you." Napabuntong-hininga ako. Nilingon ko siya at pumilit na ngumiti.
BINABASA MO ANG
He's My Fiancé?! --- COMPLETED
Teen Fiction[TAGALOG STORY] He's the weird stranger she saw in a coffee shop. He's the weird stranger who chased their car for no reason. He is her fiance. He's annoying. He smokes. He drinks. He's not her type. But she still ends up falling in love with him. ...