Chapter 23

15.2K 261 0
                                    

(Author’s POV)

Kasalukuyang hinahanap ni Althiya ngayon si Renz. Gusto niya rin sanang tawagan ito sa cellphone kaso nakalimutan niya naman hingin ang number nito.

­~Aissh! Tangangeks ka talaga Althiya! >_<~

Ilang minutes na rin ang nakalipas, hindi pa rin mahanap ni Althiya si Renz. Umupo na lang siya sa isang bench sa playground ng village sa sobrang pagod sa paghahanap kay Renz. Ipinaypay ni Althiya yung kamay niya.

“Hooh! Grabe! Nasa’n na ba ‘yung wirdong ‘yun? Napagod na ‘ko sa kakatakbo at kakahanap sa kanya ‘di ko pa rin makita.”

Habang nagpapaypay si Althiya, may bigla siyang napansin sa likod ng puno na ilang hakbang lang malapit sa bench. Nilapitan niya yung puno at dahan-dahang sinilip ang likod nito.

“Shemay! Nandito ka lang pala!”

Napalingun si Renz sa kanya na naka-upo sa grass field.

“Anong ginagawa mo rito?”

Tanong ni Renz kay Althiya.

“Nagpapahinga. Napagod kasi ako kakahanap sa’yo eh.”

Sagot naman ni Althiya sa kanya sabay upo sa tabi nito.

“Hindi mo na sana ako hinanap.”

“At bakit? Ikaw na nga mismo nag-sabi na fiancé kita eh. Kaya dapat may care tayo sa isa’t-isa.”

Tumahimik muna sandali. Napansin ni Althiya na mukhang umiiyak na naman si Renz habang naka-yuko ito. Kinapa niya ‘yung bulsa niya at nilabas ang dalawang lollipop. Binalatan niya ito, yung isa kinain niya, yung isa naman iniabot niya kay Renz. Napa-angat ng ulo si Renz sabay tingin sa lollipop. Biglang isinubo ni Althiya ang lollipop sa bibig ni Renz na ikinagulat nito.

“Ang tagal mo kasing tanggapin eh, kaya isinubo ko na lang sa’yo.”

Tinitigan ni Althiya ang mukha ni Renz na napansin agad nito.

“Bakit ganyan ka makatitig?”

“Tss.”

Pinunasan ni Althiya ang basang mukha ni Renz sanhi ng pag-iyak.

“Ang basa ng mukha mo! Hindi pa ba ubos ‘yang tubig sa katawan mo kakaiyak?”

Dahan-dahang tinanggal ni Renz ang kamay ni Althiya sa mukha niya.

“Ubos na, ngayon lang.”

“Tss. Akala ko ba tapos ka nang umiyak kahapon? Eh ba’t umiiyak ka na naman ngayon? Hindi naman nabanggit ng buong barkada ang pangalan ni … alam mo na kung sino … sa buong araw na ‘to ha?”

“Eh kasi ikaw.”

“Hala! Anong ako?!”

Hindi sumagot si Renz.

“Hoy! Sabi ‘ko, bakit ako?!”

“Althiya”

“O?”

“Bakit ka ganyan?”

“Shemay! Ano?!”

“Hindi mo lang kasi siya kamukha eh, magka-boses rin kayo.”

“Ahh magka—MAGKA-BOSES?! KAMI?! Grabe naman yun! Magka-mukha na nga kami, magka-boses pa? Sure ka talaga?”

Natawa na lang ng mahina si Renz sa sinagot ni Althiya sa kanya.

He's My Fiancé?! --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon