Chapter 42

12.4K 235 4
                                    

Bwisit ka Lawrence! Ano bang problema mo sa ‘kin?! Ang sarap mo talaga itapon sa Bermuda Triangle! Naglakad na lang ako pa-alis sa lugar na ‘yun, ayoko ng marinig pa ang sasabihin niya! At dinala nga ako ng paa ko sa tabi ng dagat, sa part kung saan walang tao at madilim. Medyo nakakatakot rito pero wala na akong paki-alam. Eh sa nabwibwisit ako sa lalakeng ‘yun eh! Umupo ako sa isang putol na coconut tree at doon na humagulgol sa pag-iyak. Eto namang si ako, umiiyak. Eh ba’t nga ba ako umiiyak? Bwisit rin ‘tong syndrome na hinawa niya sa ‘kin eh! UGH! SI LAWRENCE FRANCISCO NA ANG PINAKA-NAKAKA-BWISIT SA LAHAT NG NAKAKA-BWISIT!

“Anong ginagawa mo rito?” Napa-punas ako ng luha ko at lumingon sa nag-tanong, si Kevin. Then biglang nanlaki ‘yung mata niya. “Umiiyak ka?”

“Hindi.” Sagot ko sabay iwas ng tingin. “Eh ikaw, ba’t ka andito?”

“Bago ko sagutin ‘yang tanong mo, sagutin mo muna ‘yung akin.” Sabi niya naman sabay upo sa tabi ko.

“Nagpapa-hangin.”

“Nagpapa-hangin? Dapat nandun ka sa party mo para i-entertain ang mga guest.”

“Dapat nandun ka rin.”

“Hindi pa nagsa-start eh, boring pa.” Parang may nag-bago sa kinikilos niya. “May hinihintay pa kasing special guest.”

“Special Guest? Sino?”

“Fiancé mo.” Pssh, pinaalala na naman sa ‘kin ang mokong na ‘yun. “Matagal-tagal rin tayong hindi nakakapag-usap ng tayo-tayo lang.”

“Ganun ba ka-tagal at ngayon ko lang napansin na may nag-bago sa kinikilos mo?”

“Anong nag-bago sa kinikilos ko?”

“Parang katulad nung kay Ji Hoo sa Boys Over Flowers. Naging cold.”

“Cold? So, naging yelo pala ako.” Kahit ang corny, natawa ako. “Mabuti naman at natawa ka sa corny kong joke.”

“Mabuti naman at alam mong corny ‘yun.” Natahimik muna kami sandali bago siya nag-tanong ulit.

“Bakit ka nga pala umiiyak.” Hindi ko na sana na-aalala eh.

“Hindi nga sabi ako umiiyak.” Medyo inis kong sagot.

“Wrong question?”

“Yes!”

“Sorry. Pero itatanong ko pa rin.” Tiningnan ko naman ng masama si Kevin. Nang-iinis ba ‘to? “Ba’t ka umiiyak?”

“Hindi ka talaga titigil sa pagtatanong hanggat hindi ako sumasagot?” Nag-nod siya. Napa-sigh na lang ako, sign na naggi-give up. “Narinig ko kasi si oppa at Renz na nag-uusap.”

“Umiyak ka na dahil dun?” Tiningnan ko ulit siya ng masama. May balak niya ba akong patapusin? “Joke lang! Continue mo na.” May Renz syndrome rin ba ‘tong lalakeng ‘to? Kanina Ji Hoo, ngayon Joker naman.

“Sinabi kasi ni Renz na mahal niya raw ako, kay oppa.” Ugh! Naiiyak na naman ako! “Kaso sabi niya…… mahal niya lang ako….. dahil….. kay Anamarie.” At tuluyan na ang akong napa-iyak. “Ahhhhh! Ba’t ba ‘ko umiiyak?!” Sabi ko sabay punas ng luha.

“Kasi mahal mo rin siya.” Napalingun naman ako kay Kevin na nakatingin ngayon ng diretso, parang may iniisip.

“Anong mahal? ‘Di ko mahal ‘yung wirdong ‘yun noh.” IMPOSIBLE! SOBRANG IMPOSIBLE!

“Ba’t ka umiyak nung narinig mong mahal ka lang ni Renz dahil kay Anamarie?” Tanong niya na nakatingin pa rin sa karimlan. “Grabe rin ang pag-aalala mo nung nasaksak siya. Pansin ko rin na kapag wala siya matamlay ka. At kaninang umaga, si Renz agad ang tinanong mo nung napansin mong wala siya. ‘Di mo nga na-pansin na wala rin si Marco.”

“Wala si Marco kanina?” Natawa siya ng mahina, pasensya naman at ‘di ko napansin.

“So, aaminin mo na, na mahal mo siya?” Nakaramdam kaagad ako ng pagka-guilty. Totoo kasi lahat ng sinabi niya eh.

“Pero kahit aminin ko naman na mahal ko na siya at aminin niya rin sa ‘kin na mahal niya ‘ko, ‘di pa rin ma-aalis ang katotohanan na mahal niya lang ako dahil kamukha ko si Anamarie. Na ‘yun ‘yung dahilan kung bakit nahulog siya sa ‘kin.” At ‘yun ‘yung MASAKIT NA KATOTOHANAN NA HINDI KO NA MABABAGO! Caps lock ‘yan with exclamation point para dama niyo. Tuluyan na naman akong napa-iyak. Para na tuloy akong baliw, iiyak then titigil then iiyak na naman. Eto naman kasing si Kevin eh. “Magkaibigan talaga kayo, parehas niyo ‘kong na-gustuhan dahil kay Anamarie. Ang swerte niya, may dalawang gwapo at mabait na lalake na nagmamahal sa kanya.”

“No!” Na-bigla ako sa sinagot niya. “That’s……..” Then lumingon siya sa ‘kin. “……before. Before I knew that you’re very different to her.” Ahhhhhhhh.......... “Althiya, don’t compare yourself to her. You’re unique, Althiya Kim.”

Natameme ako sa sinabi ni Kevin, hindi ko alam ang ire-react. At hindi ko na lang namalayan, na magka-dikit na pala ang mga labi namin.

He's My Fiancé?! --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon