Chapter 80

15.8K 239 0
                                    

Nakarating ako ng ligtas papunta kanila Anamarie kahit dala-dalawa na ‘tong nakikita ko. Hindi naman ako lasing, bigla na lang talaga akong na-drain. Lumabas ako sa kotse at nag-door bell sa bahay nila. Pinagbuksan ako ng mommy niya.

“O Renz, what are you doing here? Are you okay?”

“Si Anamarie po?” Halos wala na rin akong boses. Pabulong na lang akong mag-salita ngayon.

“Nasa loob.” Pumasok na ‘ko agad kahit wala pa kong pahintulot mula sa mommy niya, hindi naman ako nito pinigilan. Nakita ko si Anamarie na nakatayo sa garden. Napansin niya ‘ko agad kaya tumakbo siya sa ‘kin at niyakap ako.

“I knew na babalik ka. Sabi ni kuya hindi raw totoo ‘yung mga sinsabi mo at babalik ka, at hindi siya nagkamali.”

“I’m here to ask a favour, Anamarie.” Humiwalay siya sa ‘kin at hinarap ako.

“Of course, anything. Ano ba ‘yun?” I sigh, tapos ay dahan-dahan akong lumuhod sa harap niya. I hear her gasp.

“Please.” Paninimula ko, at yumuko ako. “Let me go.”

Kanina, nung kasama ko pa si Kevin, sinabihan niya ‘ko na hindi ko raw kasalanan. Kasalanan daw ‘to ni Anamarie. Kasi kung hindi niya raw ako kinulong at hindi raw siya nagpaka-selfish, hindi raw ‘yun gagawin ng kuya niya. In a way, naniwala ako. Kung sana pinakawalan niya na lang ako agad at tinanggap ang katotohanan, hindi sana magiging ganun ang kuya niya. But what I really believe is that, kaming dalawa ang may kasalanan. Kung hindi kami nagpaka-selfish, hindi ‘to mangyayari lahat.

“A-ano bang s-sinasabi mo Renz?” Narinig kong bumasag ang boses niya. And this time iniangat ko na ang uli ko sa kanya.

“Pakawalan mo na ‘ko. Please, move on. May mahal na ‘kong iba. At may magmamahal rin sa’yo na katulad ng pagmamahal mo sa ‘kin. Please Anamarie, I’m begging you. Gagawin ko ang lahat, pakawalan mo lang ako.” Nakita kong umiiyak na siya.

“No. Nagdadahilan ka lang eh. No, you’re just lying! Hindi ka naman ganyan dati ha!”

“Please Anamarie.” Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. “Please.”

“No, hindi Renz. Ma!” Lumingon siya sa likod ko.

“Anamarie, let him go.”

“Daddy please. Do something.”

“You’re mom is right, Anamarie.”

“NO! BAKIT NIYO BA ‘KO PINAGTUTULUNGAN?!” At umalis siyang humahagulgol sa pag-iyak. Oh god. Naramdaman kong may humawak sa balikat ko kaya napalingon ako.

“You can go now. Kami na ang bahala kay Anamarie.” Sabi ng daddy niya.

“Pero ‘yung kuya niya po—“

“Yeah, we know already. Ngayon lang din namin nalaman. And don’t worry, kami na rin ang bahala sa kanya.” Sagot sa ‘kin ng mommy niya. Tumayo na rin ako at nagpasalamat sa kanila, pagkatapos, dumiretso ako ng hospital.

***

Pumunta ako sa isang private ICU kung saan nandun si Althiya. Halos buong katawan niya may mga wires at iba’t-ibang apparatus. Umupo ako sa upuan na nasa tabi ng kama niya at hinubad ang mask na suot ko.

“Hey.” Paninimula ko. Nararamdman ko na ring may tutulong luha sa mga mata ko. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. “I’m so sorry. Dapat wala ka ngayon jan eh. Sabi ko naman sa’yo diba, dapat ‘di mo na lang nalaman. Ang tigas kasi ng ulo mo, sabi ko ipabili mo na lang sa 20 guards na hiningi ko pero ‘di ka naman nakinig. Pinagsbaihan ka rin ng A’s diba? Pero kahit ga’no pa katigas ang ulo mo, kahit ga’no ka pa ka straight-forward sa ‘kin, I still, and always, truly, deeply, madly, love you, Althiya Kim. You’re my everything. Sinabi ko na sa’yo diba, mas gugustuhin ko pang mapahamak ako kesa sa sa’yo. At kung pwede lang ipagpalit ko ang pwesto nating dalawa ngayon ginawa ko na. I don’t know what to do without you Althiya. Baka tuluyan na ‘kong masiraan ng bait kung mawawala ka na naman sa ‘kin, at this time…. Ng pangmatagalan. Kaya kung ayaw mong mas lalo pa ‘kong ma-wirdo, without “e”, please, please, please, please, please, wake up.”

He's My Fiancé?! --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon