“Ang galing mo kanina.” Sabi ni Anamarie. “May narinig pa nga akong may nagsabi na parang feel na feel mo raw ‘yung kanta. Akalain mo ‘yun! Ganun ka galing.”
“Salamat.”
“Gusto mong lumabas bukas? Tutal wala namang klase.”
“Tapusin mo muna ang mga projects mo.”
“Pwede namang sa Sunday ko na gagawin ‘yun eh.”
“May gagawin rin ako.” Wala naman talaga. Gusto ko lang talagang mapag-isa, ayoko ng istorbo.
“Ahh, okay. Siguro next week na lang. Uuwi na kasi si kuya, gusto niya raw mag-out of town kami. Tyaka gusto niyang sumama ka.” Uuwi na siya? Bwisit!
“Uhm… s-sige. I-text mo na lang ako.”
“Sige.”
Pagkatapos ko siyang ihatid sa kanila, dumiretso na ‘ko sa gusto ko talagang puntahan – at lagi. Dumaan muna ako sa 7/11 bago ako pumunta sa safe haven namin ni Althiya. Hindi ako umuupo sa swing, sa likod ako ng fountain laging umuupo. Pang-dalawang tao kasi talaga ang swing na ‘yun, at kapag uupo ako, mas lalo kong nararamdaman na kulang ako. May isang beses na tanong sa ‘kin ni Anamarie kung kumusta na daw ang lugar na ‘to, sinabi ko na ginawan na ng building. Ayoko kasing makita niya ‘to. Dahil nga sa kanya kaya na-discover ko ‘tong lugar na ‘to, pero dahil naman kay Althiya kaya gumanda ang lugar na ‘to. At siya rin ang nag-pangalan at napahalaga rito.
Habang tahimik lang akong naka-upo at umiinum ng beer, bigla ‘kong naramdaman na may papunta. Langya, sinundan ba ‘ko ni Anamarie? Agad akong lumingon sa likod pero, wala namang tao. Tss, hindi pa nga ako nagwe-weed nagha-hallucinate na ‘ko. Pero nabigla na lang ako ng biglang may kumuha ng beer na iniinon ko at tumabi sa ‘kin. T-teka, anong ginagawa ng lalakeng ‘to dito?!
“Bakit, may isa ka pa naman jan ha.” Sabi niya nung tinitigan ko siya ng napakatagal.
“Anong ginagawa mo rito? Diba nasa America ka?”
“Bawal ba ‘kong umuwi?”
“Eh dito? Pa’no mo nalaman ang lugar na ‘to?”
“Sinundan kita. Galing mong kumanta kanina ha.”
“Nanuod ka?”
“Oo. Sumama ako kay Archie.”
“Tss.” Ang tangi kong nasabi sabay kuha ng natitira kong beer.
“Anong nangyari?” Tanong niya matapos ang mahabang katahimikan.
“Ha?”
“Sa inyo ni Althiya.” Natigilan ako. Oo nga naman, talagang itatanong niya ‘yan.
“Dahil sa ‘kin.”
“Ba—“
“’Wag mo na itanong. Hindi ko rin naman sasabihin.”
“Mmm… okay. Pero mabuti na rin na naghiwalay kayo, para pwede ko na ulit ligawan si Althiya.”
“Nililigawan rin siya ni Kevin.”
“Ha?!” Halata ang gulat sa boses niya kaya napalingun ako. Hindi ko rin naman siya masisi. Sino ba’ng hindi magugulat na hinahayaan kong manligaw ang bestfriend ko sa ex ko. “Ayos lang sa’yo?”
“Oo naman.” Kesa manatili siya sa ‘kin, pero mapapahamak naman siya.
“Bumalik ako rito sa Pilipinas dati dahil gusto konng ma-itama ang pagkakamali ko sa kanya, at para may mag-protekta at magmamahal sa kanya habang buhay. Nung nalaman kong engaged na kayo, at nung nakita kong mahal na mahal mo siya, umalis na ko papuntang US dahil akala ko nandyan ka na, para gawin ‘yun. Pero parang mali pala ako.” Kung kanina gulat, ngayon inis na ang maririnig mo sa boses niya.
“Minahal ko siya. Talagang……. Madali lang akong magsawa” Pagkasabi ko sa kanya ng kasinungalingang sinabi ko rin kay Althiya, bigla siyang tumayo at hinila ako sa kwelyo.
“Hindi pala ‘parang’, talagang mali talaga ako.” Sabi niya sabay sapak sa ‘kin. “Dapat pala si Kevin na lang ang naging fiancé ni Althiya nung una pa lang, o ako. Kaysa sa’yo, parang ginawa mo lang libangan si Althiya at nung nag-sawa ka ng paglaruan siya, tinapon mo na lang basta-basta.” Pagkatapos niyang sabihin ‘yun, umalis na agad siya.
Dapat hindi niya ‘ko sinapak, dapat binugbog niya na lang ako. Kasi wala pa ‘yung sapak sa sakit na naramdaman ni Althiya nung ginawa ko ‘yun sa kanya.
BINABASA MO ANG
He's My Fiancé?! --- COMPLETED
Teen Fiction[TAGALOG STORY] He's the weird stranger she saw in a coffee shop. He's the weird stranger who chased their car for no reason. He is her fiance. He's annoying. He smokes. He drinks. He's not her type. But she still ends up falling in love with him. ...