Pagkatapos ng dare or dare game namin, napag-desisyunan na naming matulog na. Pero ‘di ako makatulog kaya pumunta muna ako sa upper balcony sandali. Nakapag-punas na ‘ko at nakapag-bihis ng pajama, pero naka-sapaw lang ako ng sweater ngayon dahil sobrang lamig na.
Tanaw mula rito ‘yung sinasabing isa pang bahay rito sa island. Madilim na halos ang buong bahay maliban sa lower balcony nila. May nakikita rin akong isang figure ng tao mula dun sa balcony, may karamay pala ako na rin hindi makatulog. Napahinto ako sa pag-iisip ng biglang may yumakap sa likod ko.
“Ba’t ‘di ka pa natutulog?” Tanong ni Renz.
“Hindi ako makatulog.”
“Dahil ba ‘yan sa pag-sayaw ko kanina?”
“Tch! Asa you! Hindi noh!” Hindi naman talaga ‘yun, pero inaamin ko, naapektuhan talaga ako sa pag-sayaw niya. “Hindi ko akalaing marunong ka pala mag-sexy dance.”
“Isa ‘yan sa mga hidden talents ko.”
“Malakas na nga hangin pinapalakas mo pa. Teka, ba’t hindi ka pa rin natutulog?”
“Kukuha sana ako ng tubig pero nakita kita kaya dumiretso na lang ako rito.”
“Ako na lang ang kukuha.” Hihiwalay na sana ako sa kanya ng hilain niya ‘ko pabalik sa pag-back-hug.
“’Wag na, dito na lang tayo.”
“Sige na. Kukuha na rin ako ng makakain, nagugutom kasi ako eh.” Kanina ko pa ramdam ‘to, kaya rin siguro hindi ako maka-tulog dahil sa tumutunog kong tiyan.
“Okay. Oreo kunin mo ha. Tapos ‘wag na tubig ang dalhin mo, gatas na.”
“Pssh. Okay sir.” Humiwalay na ‘ko sa kanya at bumaba papuntang kusina para kumuha ng oreo at gatas. Pagbalik ko, nakatanaw si Renz dun sa bahay sa kabilang side. “Anong hinahahanap mo jan? Kapalit ko?” Pagbibiro ko sa kanya habang nilalapag ang mga dala-dala ko sa maliit na lamesa na nandito sa balcony.
“Hindi noh. Kahit si Natalie Portman pa ang nandun, hindi pa rin kita ipagpapalit.”
“Wow, touch naman ako.” Sabi ko habang nakapatong ang kamay ko sa may puso ko. “Kumain ka na.”
Lumapit siya at kumuha ng oreo. Naglagay naman ako ng gatas sa baso naming dalawa at pagkatapos ay kumuha na rin ng oreo.
“Althiya,” Napalingun naman ako kay Renz “ba’t parang may nagmamashid sa ‘tin mula sa bahay na ‘yun?” Tanong niya sabay turo dun sa bahay sa kabilang side. Napatingin naman ako at nakita ko ngang may isang figure, figure ng lalake, na nakaharap rito sa ‘min. Ta’s bumalik agad sa loob ng bahay.
“Baka naman hindi tayo ang minamashidan niyan. Baka ‘yung mga stars.” Pangangatwiran ko.
“Yan rin naman ang akala ko kanina eh. Pero may nakita akong figure ng babae kanina na..” Napatigil siya sa pag-sasalita at nag-sigh. “’Wag na nga lang. Hindi rin naman importante.” Ta’s kinain niya ‘yung oreo na hinahawakan niya.
“Tss, hindi tayo ang pinagmamasadan nun okay. Ano tayo artista?”
“Oo na attorney. Hindi na tayo.”
Nagpatuloy lang kami sa pagkain at pagkatapos ay nagpahangin pa sandali bago kami bumalik sa mga kwarto namin.
***
“Nakita niyo ba ‘yung sunglasses ko?” Tanong ni Alex sa ‘min. Nagliligpit na kami ngayon ng mga gamit dahil mamaya-maya, uuwi na kami.
Pagkatapos naming mag-breakfast kanina, inikot muna namin ang buong island. Napunta pa nga kami dun sa isang bahay at nakita namin ‘yung care-taker. Nag-good morning siya sa ‘min at ganun rin kami. Ganun lang ‘yung nangyari nung dumaan kami pero bago pa kami maka-alis ng tuluyan, napalingun ako sa taas ng bahay at nakita kong gumalaw ‘yung kurtina ng bintana. Well, ‘di naman big deal ‘yun diba? Pero napapa-isip lang ako, pa’no kung totoo ‘yung sinabi ni Renz kagabi na may nagmamashid sa ‘min?
“Althiya!” Nabalik ako sa present sa pag-sigaw ni Alex.
“Ah.. o.. bakit?”
“Sa’n ba ‘yang utak napunta? Nakita mo ba ‘yung sunglasses ko?”
“Try mong tingnan dun sa C.R., ginamit mo ‘yun kahapon bago ka magbihis ng swimsuit diba?” Tumakbo naman agad siya sa papuntang C.R. para maghanap.
“Ayan! Nakita ko na!” Sigaw niya mula sa loob at agad naman ding lumabas.
Na-unang natapos sa pagliligpit si Alex at agad na rin naman siyang bumaba.
“Ano’ng iniisip mo?” Biglang tanong ni Andrea.
“Wala naman.” Pagde-deny ko.
“Last question, ano ang iniisip mo?” Tss, okay, walang sekretong hindi nabubunyag sa babaeng ‘to. Nag-sigh muna ako bago nag-salita.
“Eh kasi kagabi –“ Napahinto ako ng biglang may kumatok.
“Pasok.” Sabi ni Andrea. Bumukas ‘yung pinto at sumilip si Marco.
“Nakaka-isturbo ba ‘ko?” Tanong niya.
“Oo.” Sagot naman ni Andrea.
“Sorry naman. Kayo na lang kasi ang natitra rito sa taas, nasa baba na kaming lahat. At tyaka dumating na rin ‘yung yacht na maghahatid sa ‘tin sa bayan.”
“Bababa na kami.” Sagot ko kay Marco.
Hindi ko na tinuloy ‘yung sasabihin ko at nagmadali na lang kaming nagligipit. Mabuti na rin ‘yun, wala rin naman kasi akong balak sabihin sa kanya eh.
Pagkatapos naming magligpit, bumaba na kami agad. Inakyat nung mga tauhan na kararating lang din ang mga gamit namin sa loob ng yacht.
“Hello wife.” Sabi ni Renz sabay akbay sa ‘kin.
“Wife? Anong wife? Tyaka ba’t parang ang saya mo ngayon?”
“Kasi nandito ka.”
“Hehe, kinilig ako.” Sarcastic kong sabi, pero totoo rin naman. “’Yung totoo?”
“Bakit, bawal ba maging masaya? Trip ko lang maging masaya, bakit ba?”
“No reason, nagulat pa ‘ko.” Sarcastic ko ulit na sinabi, and at this time, totoong sarcastic na. “Umakyat na nga tayo sa yacht.” Pupunta na sana kami sa yacht ng bigla siyang huminto sa paglalakad.
“Bakit?” Tanong ko sa kanya.
“’Yung cellphone ko.”
“Umakyat ka na ba sa yacht kanina? Baka nandun na.”
“Hindi pa. Hindi ko rin naman nilagay sa bag. Titingnan ko lang dun sa kwarto namin. Ma-una ka na.” Tumakbo siya habang pumapanhik sa taas. Tiningnan ko muna siyang makapunta sa taas bago ako umakyat sa yacht.
BINABASA MO ANG
He's My Fiancé?! --- COMPLETED
Teen Fiction[TAGALOG STORY] He's the weird stranger she saw in a coffee shop. He's the weird stranger who chased their car for no reason. He is her fiance. He's annoying. He smokes. He drinks. He's not her type. But she still ends up falling in love with him. ...