Chapter 51

11.9K 235 2
                                    

Bigla akong nagising sa mahimbing kong pagkaka-tulog.Gabi pa rin pala, feel ko kasi ang tagal kong natulog. Nakita ko si Renz na natutulog pa rin, habang yakap-yakap niya ‘ko. Nakatulog kasi kaming dalawa. Siya habang kino-comfort ako, ako habang umiiyak. Hinu-hum niya rin kasi ang This I Promise You na kanta kaya naka-tulog na ‘ko ng tuluyan. Hinawakan ko ang pisngi niyang malambot. Kung tititigan mo lang ng mabuti ‘yung lips niya, mahahalata mong medyo greyish na dahil sa paninigarilyo niya dati. Pero para sa ‘kin, maliban sa cheeks niya at sa unan ko sa bahay, eto na ang pinaka-malambot na bagay sa buong mundo.

“Gusto mong i-kiss kita?” Sabi ni Renz. Masyado akong naka-focus sa lips niya kaya ‘di ko na-pansing nagising na pala siya. Napatawa ako ng mahina at sasagot na sana ng bigla niya ‘kong hinalikan. “Hi.” Bati niya with big smile nung himiwalay siya sa ‘kin.

“Hi.” Medyo gulat ko pang sagot. Then niyakap niya ‘ko. “Can I ask?”

“Anything.” Sabi niya habang nilalaro ang buhok ko. Lumunok muna ako para pigilan ang luha na namumuo sa mata ko. Even though nakatulog na ‘ko at medyo clear na ang mind ko, ‘di pa rin mawala sa isip ko ang ginawa ni Ate Laurene at oppa.

“’Di mo ‘ko iiwan diba?” Humiwalay siya ng pagkayakap sa ‘kin at hinarap ako. Then ngumiti siya.

“Bigyan man nila ako ng one million reasons para iwan ka, maniniwala pa rin ako sa iisang reason na nagpapatunay na hindi dapat kita iwan. At ‘yun ‘yung promise ko sa’yo.” At hinalikan niya ‘ko sa noo. Yes, ‘yung promise niya na sa ‘kin. At alam kong hindi niya ipapako ang promise niya. Then niyakap niya ulit ako.

***

Ala-una na ng madaling araw, pero ‘di pa rin ako makatulog. Lumabas ako sa balcony na nakasuot ng jacket at may dala-dalang kumot. Naramdaman ko agad ‘yung lamig ng hangin gawa ng madaling araw. Nilatag ko ‘yung kumot sa sahig at humiga. Napaka-liwanag ng moon na napapalibutan ng maraming stars. Perfect sana ang lahat kung nandito si Renz, naka-upo kami sa swing at napapalibutan ng flowers at lights. Napabuntong hininga ako.

“Hindi ka ba nilalamigan?” Napatayo ako’t lumingon sa nag-salita, pero agad ‘kong iniwas ang tingin ko nung nakita ko kung sino siya.

“Anong ginagawa mo rito?” Malamig kong tanong sa kanya.

“I’m sorry.” He sigh “You always knew that I love you and I don’t want to hurt you because you’re my little princess. Since nung pinilit kita na mahalin si Renz, alam ko ng dapat kalimutan ko na si Laurene. But I can’t. I did really try my best to forget her, Ji Min.”

“Dapat sinabi mo na sa ‘min nung una pa lang… sa akin. Para hindi na naging ka-ganito ka-komplikado ang sitwasyon.” Hindi natago ang galit sa boses ko.

“Yes. Kaya nga…” Natahimik siya sandali. “…aalis ako…. kami ni Laurene.” Napalingun ako sa kanya.

“What?!”

“Ayoko namang mawala sa’yo si Renz, at ayoko ring mawala sa ‘kin si Laurene at ang baby. Kaya ngayong gabi, aalis kami. I came here to say that, and to say I am very sorry.”

“Ano bang napag-usapan ninyo nila mama kanina? Bakit kailangan niyo pang magtanan?” ‘Yung galit ko kanina biglang napalitan ng pag-aalala. Alam ko kung pa’no mag-isip si mama, syempre nanay ko eh, pero sana mali lang ‘tong iniisip ko ngayon.

“She really wants you and Renz to end up, pati si Tito Gabriel. Kaya walang nagawa si papa at Tita Andrea. Gusto nilang ipalaglag ang baby.”

“Eh… sa’n kayo pupunta ni Ate Laurene?” Ngumiti siya.

“I’m sorry pero hindi ko pwedeng sabihin.” Then nilapitan niya ‘ko at lumuhod siya para magka-level na kami. “Hey, don’t cry.” ‘Di ko napansing umiiyak na ‘ko.

“Sa’n ba kayo magkikita?”

“Sa IPA.”

“Pwede ba ‘kong sumama? Kahit sandali lang.”

“No. Just stay here. Always remember na ikaw lang ang little princess ko ha. And again, I’m sorry.”

“Tatawag ka pa ba sa ‘kin?”

“Paminsan-minsan, siguro.” Then hinalikan niya ‘ko sa noo. “Good-bye princess. Take care of yourself, okay?” I nod. Then tumayo na siya at kinuha ang bag na hindi ko napansing dala niya kanina. At lumabas na siya ng room.

Nalulungkot ako sa pag-alis ni oppa. At the same time, masaya. Kasi hindi na mawawala ang pamangkin ko at makakasama niya na rin si Ate Laurene, ng hindi kami nasasaktan ni Renz, ng hindi kami ulit napipilitan.

A/N: hey hey yow! hahaha! pasensya lagi akong matagal mag-update. you know, graduating, thesis there, project everywhere. hahaha! pero MARAMING SALAMAT AT THANK YOU sa patuloy na nagbabasa ng walang kwenta, oa, at walang kabuluhang story ko. and by the way highway, pwedeng request? pakipanuod naman ng video sa gilid o. ako yung sumulat ng script (oh sh*t! nakakahiya! hahaha), at tyaka, kailangan daw maraming views (oa ni ma'am!) please, jebal! THANK YOU SA MGA MANUNUOD! AND PLEASE STILL SUPPORT THIS STORY. kahit wrong grammar ang english. hahaha!

He's My Fiancé?! --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon