Chapter 77

13.1K 212 0
                                    

Kinabukasan

“Kailan ka ba raw makakalabas? Hinahanap ka ng fans natin dun sa bar eh.” Tanong ni Marco kay Renz. Sus, kung makahanap ‘yang mga “fans” na ‘yan eh parang one week ng wala si Renz.

“Ewan. Tanungin mo ‘yung doctor.” Sagot naman ni Renz. Nga pala, alam na nilang lahat ang nangyari. Nagulat rin silang lahat at sermon rin ng lahat ang umabot kay Renz, lalo na mula kay Ate Laurene.

“Diba sila na rin mismo ang nag-sabi na okay ka na. Pwede ka na sigurong ma-discharge mamaya.” (Spencer)

“Tatanungin ko na lang mamaya ang doctor kung pwede ka ng makalabas ngayon.” (Laurene)

“Ate, ba’t ‘di mo dinala si Jazzil?” (Renz)

“Nahihibang ka ba? Hospital kaya ‘to Renz, baka mahawa si Jazzil sa mga sakit rito.” Sagot ko kay Renz sabay abot ng oreo na kahapon niya pa hinihingi. Hindi na raw siya kumakain nito simula nung naghiwalay kami dahil daw maaalala niya lang ako. Tss. Sabagay, parehas rin kami, kaso ako hindi ako tumigil sa pagkain. Food before everything kaya ang motto ko.

“Eh ba’t ka galit?”

“Hindi ako galit noh.” Sabi ko sabay kuha ng oreo.

“O, ba’t ka kumuha?”

“Bakit, bawal ba? Tyaka ako naman ang bumili niyan ha.”

“Eto na naman po tayo.” (SPrince & Miss A)

“O ‘wag niyo na pag-awayan ulit ang oreo.” (Laurene)

“Medyo matagal rin tumahimik ang paligid tungkol sa oreo.” (Andi)

“Oo nga. At ngayong nagkabalikan na sila, iingay na naman ulit.” (Alex)

“Nagkabalikan na kayo?!” Gulat na tanong ni Marco.

“Pag-aawayan ba nila ang oreo kung hindi sila nagkabalikan?” Sagot ni Andrea.

“Pa’no si Anamarie?” Tanong ni Ahriya. Medyo naging awkward at tumahimik ang lahat.

“Kakausapin ko siya.” Sagot ni Renz.

“Eh ‘yung kuya niya?” (Kevin)

“’Yan nga rin ang inaalala ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa kuya niya.”

“’Wag kang mag-alala, marami naman tayong poprotekta sa kanya eh.” (Amy)

“Tyaka na-aprobahan na ang twenty-ng body guards na hinihingi mo.” (Althiya)

“Twenty?” (SPrince, Miss A, Laurene)

“Oo. Sabi niya kasi gusto niyang may twenty na body guards ang mag-bantay sa ‘kin. Sinabi ko ‘yan kay papa pagkatapos kong i-kwento sa kanya ang lahat. Inaprobahan niya naman kaagad. Hindi niya nga lang daw mabibigay agad lahat. Aissh, mukhang kailangan ko ng masanay magpaka-feeling celebrity.” Pagbibiro ko sabay suklay-suklay ng buhok.

“Hah! Kahit siguro ang pinaka-maliit na insekto hindi na makakalapit kay Althiya niyan!” (Alex)

***

Nandito ako ngayon sa canteen ng hospital. Bigla kasi akong nagutom kaya kakain muna ako. Nakatulog na si Renz, 9 na rin kasi ng gabi, at sinamahan ako ni Kevin papunta rito. Umuwi na ang SPrince at A’s nung naka-tulog si Renz, at nung nalaman ni Kevin na pupunta ako mag-isa sa canteen, nagpa-iwan muna siya para samahan ako. ‘Di na raw kasi ako pwedeng mag-isa ngayon. Haaay, kailangan ko na talagang masanay.

“Dahan-dahan ka naman, baka mabila-ukan ka.” Paalala sa ‘kin ni Kevin. Lumunok muna ako bago ko siya sinagot.

“Ngumunguya pa naman ako, don’t worry. Sure kang ‘di ka kakain? Masarap ang sinigang nila.”

“Hindi. Busog pa naman ako. Mabuti nama’t nalaman na natin ang totoo noh.”

“Oo nga eh. Baka patay na si Renz ngayon kung ‘di natin nalaman agad.” Pagbibiro ko.

“Sayang. Akala ko pa naman mapapasakin ka na.” Napahinto ako sa pagkain at tiningnan siya.

“Seryoso ka?” Ta’s bigla siyang tumawa. Tss, loko-loko rin ‘tong si Kevin. “Aissh! Ewan ko sa’yo, pakainin mo na nga lang ako!”

“Pero, eto, seryoso na. Aagawin pa rin kita mula kay Renz kahit anong mangyari.”

“Kevin naman eh!”

“Joke lang, ‘wag mong seryosohin.” Sabi niya habang tumatawa.

“Ewan ko sa’yo bahala ka! Kakain na lang ako at hindi na ‘ko makikinig sa mga kalokohan mo.” Nakakainis ‘tong si Kevin! Ganda-ganda na ng pagkain ko rito eh.

“Pero kung hindi ‘to nangyari at hindi kayo nagkabalikan ni Renz, may pag-asa kaya ako?”

“’Wag mo na nga akong pinaglololoko Kevin ha.” Nagpatuloy lang ako sa pagkain at hindi siya pinansin. Pero nung tumahimik na siya, dun nako napalingon sa kanya. At sa tingin niya pa lang sa ‘kin, halatang naghihintay siya ng sagot.

“Seryoso ka jan?” Tanong ko sa kanya. Tumango naman siya. “As in?”

“Oo nga.” Napabuntong-hininga ako.

“Oo siguro kung nagawa kong kalimutan si Renz. Mabait ka naman eh, mas mabait ka pa nga kay Renz, sungit kasi nun. Tyaka sweet ka rin.”

“Alam mo ba, nung naghalikan tayo dun sa bar nung pinilit tayo ng isang bata, akala ko talaga may nararamdaman ka na para sa ‘kin.”

“That’s a really good kiss, though. Pero… no spark eh. But don’t get me wrong okay. Mahal naman kita Kevin eh, pero bilang kaibigan.” Too cliché, pero totoo rin naman.

“Yeah, I know. And all I want is maging masaya ka. At kung masaya ka kay Renz, well magiging masaya na rin ako. Parehas rin naman kayong malapit sa ‘kin eh.”

“Thank you, Kevin. Sigurado ako, swerte ang magiging girlfriend… or wife mo.”

He's My Fiancé?! --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon