Chapter 18

16.6K 295 3
                                    

(Althiya’s POV)

******Saturday******

Papunta na ako ngayon sa kwarto ni wirdo. Dinala ko yung noli book ko. Yung pinahiram kasi ni Sir Gaudiano sa kanya na noli book is napakalalim ng pagka-tagalog, katulad lang nung binigay ng lolo ni Andrea sa kanya na naging dahilan nang pagka-humaling ko sa noli, at alam kung hindi niya babasahin yun. Bumili rin kasi ako ng sarili kong noli book na may tagalog and english translation. Makapal nga lang ‘to kaysa dun sa noli book ni Andrea kasi nga diba, dalawang language ang ginamit. Kumatok na ‘ko dun sa kwarto ni wirdo.

“Pasok!”

Sagot nung nasa loob. Pumasok ako and as expected, hindi niya nga binabasa ang libro at naglalaro lang siya ng psp niya habang naka-higa.

“Hoi Renz!”

Lumingon siya sa ‘kin.

“Ba’t hindi mo pa binabasa ang noli?”

“Ang lalim ng tagalog. ‘Di ko maintindihan.”

Nagpatuloy lang siya sa paglalaro niya ng psp. Expected na rin na magdadahilan siya ng ganyan -___- Lumapit ako sa kanya at tinapon ko yung libro na dala ko sa harap niya.

“Ano ‘to?”

“Bulag ka? Ang laki-laki nang nakasulat na title jan eh.”

Lumingon siya sa libro.

“Talaga bang pababasahin mo ‘ko ng ganito ka kapal na libro?”

“Oo.”

“Tss. Mas manipis pa yung binigay ng teacher na yun eh.”

“Mas manipis nga pero hindi mo naman naiintindihan. Makapal yan kasi tagalog and english ang translation ng librong yan. Basahin mo na kung ayaw mong isumbong kita kay Ate Laurene.”

Tiningnan niya ako ng masama, tinaasan ko naman siya ng kilay with matching cross arms.

“Tss.”

Kinuha niya na yung libro at nag-start na mag-basa. Akala ko aangal pa siya eh, hindi na pala. Hindi ko yun expected. Hahaha! Habang nagbabasa siya, lagi ko siyang nililingun. Kapag napapansin ko na hindi niya sineseryoso yung pagbabasa niya, pinapa-ulit ko siya sa chapter 1.

“Ulitin mo.”

“Ano?! Ulit na naman?!”

Pang-limang beses ko na kasi siyang pinapa-ulit.

“Seryosohin mo kasi yung pagbabasa niyan! Hindi mo ba alam na dahil sa librong yan, nakalaya tayo mula sa mga kamay ng español.”

“Pero amerikano naman ulit ang nanakop sa ‘tin.”

Shemay, medyo napahiya ako dun ha.

“Oo nga. Pero hindi naman masyadong malupit yung mga amerikano sa ‘tin ‘di katulad nung mga español.”

Natahimik naman siya dun. Hehehe, nakabawi ako dun sa pahiya moment.

“Sige na, seryosohin muna pagbabasa niyan para hindi tayo umulit-ulit. 2 days lang binigay ni sir sa’yo na palugit para basahin ‘yang buong libro.”

“Pa’no ako magseseryoso sa pagbabasa nito kung maingay ka?”

“Tch, sorry naman!”

He's My Fiancé?! --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon