(Author's POV: kay Renz sana kaso nahihirapan akong i-POV 'to kay Renz eh. Hahaha!)
"Naka-alis na si Althiya. So, mag-kwento ka naman about sa session niyo kanina, little brother."
Tanong agad ni Laurene kay Renz pagka-balik niya. Dumiretso kasi agad siya sa kwarto ni Renz pagkatapos niyang ihatid si Althiya.
"Ate."
"Bakit? At tyaka ba't nandyan ka pa? Siguro gusto mong turuan ka pa ulit ni Althiya 'no? Ayiiiee! Ikaw ha!"
Nadatnan pa kasi ni Laurene na nandun parin hanggang ngayon si Renz sa part ng kwarto kung saan naganap ang session nila ni Althiya kanina.
"Ate."
"Ano? May itatanong ka ba?"
"Bakit?"
"Bakit? Anong bakit?"
"Bakit nasa kanya ang number ni Anamarie?"
"What?"
Biglang tumayo si Renz.
""WAG KA NANG MAGMA-ANGAN ATE! ALAM KONG ALAM MO ANG DAHILAN KUNG BAKIT NASA KANYA ANG NUMBER NI ANAMARIE!"
"Don't you dare talk to me like that Lawrence Francisco! Kahit ako ang kakampi mo rito sa pamamahay na 'to, wala ka pa ring karapatan sigawan ako! At tyaka, ano ba'ng pinagsasabi mo ha?!"
Napa-upo ulit si Renz at napasabunot sa buhok niya.
"Ate naman, alam kong alam mo na parehas ng number si Anamarie at yung Althiya'ng yun!"
"You mean parehas ng number si Althiya at Anamarie? As in exact?! Renz, alam mong hindi pwedeng mangyari 'yan, napaka-imposible. Baka naman, hindi exact talaga. May 1 or at least 3 digits na magkaiba hindi ba?"
Kinuha ni Renz ang cellphone niya at hinanap yung number ni Anamarie. Kahit kasi wala na si Anamarie, hindi niya 'to dinelete. One of his remembrance from Anamarie.
"Eto, tingnan mo kung may isang digit ba na hindi magkapareha."
Inabot ni Renz yung cellphone niya sa ate niya para ipakita ang number ni Anamarie. Kinuha rin naman ni Laurene yung cellphone niya para i-check kung totoo nga ba yung sinasabi ni Renz.
"Oh my God! Pa-pa'no naman nangyari 'to? This is so impossible!"
"Ate, please, alam ko naman na may—"
"Renz, kahit naman gusto ko na maging kayo ni Althiya, hindi naman ako ganun ka-desperada. Hindi ko minsan na-isip na iparehas ang number ni Althiya at Anamarie. I know how important she is for you. Na kahit number niya na alam nating hindi niya na magagamit pa kahit kailan dahil nga sa kadahilanang, patay na siya, ay pinapahalagahan mo pa rin."
"Pero ate, kung hindi ikaw, sino?"
"I'm sorry Renz but I have no idea."
Nakita ni Laurene kung ga'no na-dissapoint si Renz. Umalis na siya sa kwarto ni Renz. Nagsinungaling si Laurene nung sinabi niya kay Renz na wala siyang idea kung sino ang pwedeng gumawa nun. Dahil ang totoo, meron siyang idea. At sure na sure siya na sila ang gumawa nun.
******Monday, Sa International Palace Academy******
Nasa room na ang 4SPrince (wala pa si Renz). Maaga kasi talaga silang pumapasok kasi ayaw nilang pinagkakaguluhan. Alam niyo naman 'pag mga campus heartthrob diba? Nilapitan ni Tristan si Kevin na nakatitig ngayon sa kawalan.
BINABASA MO ANG
He's My Fiancé?! --- COMPLETED
Teen Fiction[TAGALOG STORY] He's the weird stranger she saw in a coffee shop. He's the weird stranger who chased their car for no reason. He is her fiance. He's annoying. He smokes. He drinks. He's not her type. But she still ends up falling in love with him. ...