Saturday
"Akala ko ba gusto niyong marinig ang buong story? Ngayong narinig niyo na tahimik naman kayo."
Nandito ngayon ang A's sa bahay. Tinatanong nila kung ano'ng nangyari at ba't daw ako umabsent for one week (oo, OA na kung OA). So obviously, 'di pa kalat sa school. And ngayon, nung kinwento ko na sa kanila, hindi naman sila nag-salita ng kahit isang word lang. Nag-expect kasi ako na sasabihin nilang "Okay lang 'yan, makaka-move-on ka rin" or "Tama nga si Andrea, silent bitch si Anamarie" (bitter!), or kung ano man na makakapag-encourage sa 'kin.
"Hindi kasi namin inexpect na pipiliin ni Renz si Anamarie. Diba nga, sinabi niya na sa'yo na ikaw ang mas pipiliin niya." (Andi)
"Lahat ng tao nagbabago ng isip." Walang gana kong sabi.
"Ano kayang nangyari at biglang nagbago ang isip niya?" (Ahriya)
"Ginayuma siguro siya ni Anamarie. Tss, totoo nga ang sabi ni Andrea, isa siyang silent bitch." At sinabi na ni Alex ang gusto kong marinig.
"Ganyan talaga kapag desperada." (Andrea)
"So tama ako? Ginayuma nga ni Anamarie si Renz?" (Alex)
"Hindi. Iba ang ibig kong sabihin." Napalingon ako kay Andrea ng confuse look.
"Anong ibig mong sabihin?" Pero imbis na sagutin ako ni Andrea, kumibit-balikat lang siya at ininom ang natitira niyang juice.
***
Monday
"... Alex as Paulita, and lastly Erwin as Simon. Ayan na ha. Siguro sa Friday ko na mabibigay ang script. Gusto niyo sa saturday na tayo mag-start ng taping?" Tanong ko sa mga ka-grupo ko.
And yeah, pumasok na 'ko. Kahit alam ko na nandito pa rin si Renz, at si Anamarie, inisip ko na lang na hangin lang sila na hindi mapapansin. Hindi ko naman gustong mapabayaan ang studies ko ng dahil lang sa ginawa ni Renz noh. Ano siya, god? Ngayon, ginrupo kami ng Filipino Teacher namin sa dalawa para sa final project namin: gawing movie ang El Fili. Ginawa akong director slash script writer slash leader ng grupo ko kaya eto ako ngayon, nagoorganize sa mga gagawin. Fortunately, 'di ko naman naging ka-grupo ang dalawa (alam niyo na kung sino).
"Ang bilis naman!" Reklamo ng isa kong ka-grupo.
"Eh kasi ii-edit pa po 'yung movie." Sagot naman sa kanya ni Alex.
"So ano, saturday and sunday na ang taping?" Umoo naman silang lahat. "Okay. Kung wala ring klase magte-taping rin tayo. Sa Friday ko na lang din sasabihin kung saan. Meron naman akong mga number niyo eh. So 'yun lang." Bigla namang tumunog ang bell para sa dismissal kaya kanya-kanya na.
"Grabe nga naman noh! August pa nga final project na agad!" Pag-rereklamo ni Alex
"Eh kailan mo ba gustong ibigay ni sir ang isang movie project? Kapag kinabukasn eh deadline na?" (Amy)
"Hindi naman sa ganun! Aissh!" (Alex)
"Althiya, samahan mo naman akong isauli 'tong mga libro sa library oh. Tapos ko na kasing basahin lahat." Sabi sa 'kin ni Ahriya.
"Sure. Sandali lang, tatapusin ko lang ang pagliligpit nito."
"Una na kami girls." Pagpapa-alam ni Spencer.
"Sasabay ako kay Marco kaya bye na rin." Ganun rin si Andrea at umalis na silang tatlo. Na-una na kasi si Kevin dahil may practice sila ng basketball para sa Intramurals.
"Halika na, Ahriya" Sabi ko kay Ahriya pagkatapos kong ligpitin ang mga gamit ko. Nagpa-alam na kami sa natitirang A's at dumiretso na sa library.
***
"Nagiging bookworm ka na rin ata Ahriya ha." Sabi ko kay Ahriya pagkalabas namin ng library. Napansin ko kasing pagkatapos niyang isauli 'yung mga librong hiniram niya, nanghiram na naman siya ng mga bagong libro.
"Ganyan talaga 'pag single, kung hindi sa pagkain binubuhos ang love life, sa internet or sa libro naman. At ako, sa tatlo ko binubuhos ang love life ko."
"Ba't 'di mo kasi subukan 'yung mga nanliligaw sa'yo. Daig mo pa si Andrea sa pagka-man hater eh."
"Althiya, wala pa 'ko sa stage ng puberty ko na kailangan na talagang magka-boyfriend. Enjoy ko muna 'tong single life noh. Tyaka, I'm not ready."
"May pa 'Im-not-ready' ka pang nalalaman eh."
"Sige Althiya, ma-una na 'ko." Pagpapa-alam sa 'kin ni Ahriya pagkarating namin ng parking lot. Nandito na kasi 'yung sundo niya.
"Sige, ingat ka ha."
"Ikaw rin. Bye."
Ang tagal naman ni manong. Ganun na ba ka-grabe ang traffic ngayon? Pumunta na lang ako sa may gate ng school at napag-desisyunang dun na hintayin si manong. Wala kasing upuan rito sa parking lot, ayoko pa namang magka-varicose veins. Itetext ko na lang si manong na sa main gate ako maghihintay.
Ay shet! Asan ba 'yung cellphone ko? Kinalalkal ko ang bag ko habang naglalakad ng biglang may na-bunggo ako. Naku nga naman talaga!
"Naku, sor --" Napahinto ako sa pagsasalita nang nakita ko ang mukha na nasa harap ko.
Nakahawak siya sa balikat ko ngayon at nakatitig lang sa 'kin. Akala ko 'yun lang 'yung gagawin niya, titgan ako, pero, "OK lang." sabi niya. Aalis na sana siya ng biglang,
"Bakit?" Nasabi ko bago ko pa napigilan ang sarili ko. Napahinto naman siya sa paglalakad. "Bakit... bakit 'di mo natupad ang promise mo? May nagawa ba 'ko?" Ganyan ka na ba talaga ka-desperada Althiya? Siguro... ganito na 'ko ka-desperadang malaman kung anong nangyari at nagkaganito kami. Kasi, kamakaylan lang, ang sweet-sweet pa namin. Tapos ngayon, iwasan na.
"Wala kang nagawa. Talagang........ nag-sawa lang ako." Para akong sinampal ng isang milyong flappy bird nung narinig ko 'yun. Nang dahil lang sa nag-sawa siya kaya nagka-ganito kami? Gandang dahilan!
"Nag-sawa ka?" Narinig kong bumigay na ang boses ko at nagbu-blur na ang paningin ko. "Alin? Alin sa mga ginagawa ko ang pinag-sawaan mo? 'Yung paminsan-minsan ko sa'yong pagbibigay ng mga gifts? Sinusuklian ko lang naman 'yung mga binibigay mo sa 'king sorpresa ha. Or... 'yung way ng pagmamahal ko sa'yo? Na-sobrahan ba 'ko? Kasi akala ko sobra-sobra na 'yung pagmamahal mo sa 'kin, na pakiramdam ko 'di ko na deserve, kaya tinatry ko 'yung best ko na mapatayan 'yun."
"Wala ka ngang --"
"IMPOSIBLE!" Sigaw ko habang umiiyak pa rin. "Imposibleng wala akong nagawa, Renz! Alam ko meron eh! IMPOSIBLE TALAGANG WALA! Kaya please, please please please. Sabihin mo kung ano ang nagawa ko para maintindihan ko....... kung bakit mo nagawnag ipagpalit ako sa iba, kung bakit 'di mo natupad ang promise, at para maintindihan ko."
Pero imbis na sagutin ako, tinitigan niya lang ako. Tinitigan hanggang sa hindi niya na kaya , kaya yumuko na lang siya. Napalunok ako. So, mauuwi na lang pala talaga kami sa ganito. Ako iiyak, siya yuyuko.
"Okay." Sabi ko habang tina-try ang best kong i-kalma ang boses ko. "Kung hindi talaga kitang mapipilit sabihin ang dahilan, sige. Pero kung ano man 'yun, sorry. Sorry kung nagawa ko man 'yung dahilan ng pagka-sawa mo sa 'kin. 'Di ko naman kasi alam na ikaw pala 'yung tipong madaling mag-sawa. Kung sinabi mo sana sa 'kin nung una pa lang, sana tinary ko na 'yung best ko na itigil 'yun. Kasi....... ayoko talagang umabot tayo sa ganito Renz. Kasi simula nung 'official' na naging tayo, ang inisip kong ending natin ay ikakasal na tayo at magkakaroon ng pamilya. Kasi nakatakda na nating gawin 'yun kahit nung hindi pa tayo pinapanganak. Sorry kung napa-sobra 'yung pagmamahal ko. Sorry talaga. 'Wag kang mag-alala, sa susunod hindi ko na 'yan uulitin. Pero......... alam naman nating dalawa na wala ng susunod."
At bago ko pa magawang lumuhod at magmakawa sa harap niya, dumiretso na agad ako ng pagkalakad patungong main gate. Habang pinupunasan at pinipigilan ang mga luha kong ayaw ma-ubos.
BINABASA MO ANG
He's My Fiancé?! --- COMPLETED
Novela Juvenil[TAGALOG STORY] He's the weird stranger she saw in a coffee shop. He's the weird stranger who chased their car for no reason. He is her fiance. He's annoying. He smokes. He drinks. He's not her type. But she still ends up falling in love with him. ...