Part 1

575 22 22
                                    

marcelosantosiii maxinejijipinkyjheweliiTheWattysYanaJinYam-Yam28@

Ang sarap mabuhay dahil may kumpletong pamilya ka, may mga kaibigan kang handang dumamay kapag kailangan mo sila. At nandiyan lagi ang mga kapatid mong nakasubaybay at naka-alalay lang sayo. At kung may maganda at permanenteng trabaho ka.

May kasintahan kang tapat at handang gawin lahat para sayo. Lahat ng pangako niya,kaya niyang panindigan. At hindi ka kayang iwan dahil sa sobrang pagmamahal niya sayo.

Well? Sobrang saya sana siguro kung ganyan ka-perpekto ang buhay ko.

Pero sa lahat ng nabanggit? Wala man lang ni isa ang tumama.

Wala akong kumpletong pamilya. May mga plastik akong kaibigan, may isa akong kapatid. Hindi ako kailanman nakapag-desisyon ng tama para sa sarili ko. At higit sa lahat, hindi pa ako nakatagal sa isang relasyon.

Ang saklap ng buhay no? Wala tayong magagawa dahil sa realidad, walang perpektong buhay. Ang Presidente nga, sobrang yaman, nasakanya na halos lahat pero ano? Perpekto ba ang buhay niya? Kahit nga nakaupo lang siya sa trono niya ay siya at siya parin ang sinisisi ng mga tao. Siya lagi ang may kasalanan. Diba?

Kung siya na mataas na ang posisyon sa lipunan ay hindi na perpekto? At hindi nirerspeto. Paano nalang ang mga katulad kong ordinaryo lang ang buhay, hindi kasikatan pero nagagawa paring pagtsismisan, husgahan ng wagas at ibida ng mga tsismosa kong mga kapitbahay.

Ako si Jhola Perpekta. 21 years old. Oh diba? Mapang-asar din ang apilido ko. Wala din akong magagawa para dyan dahil yan ang apilido ng hudas kong ama. Nakatapos ng BS Information Technology pero dakilang tambay dahil wala akong matinong trabaho na mapasukan. Dahil wala akong mahanap na permanente at maayos na trabaho ay mas pinili kong sumadla-sideline nalang para kahit papaano ay may pantustos ako sa Nanay kong lasengga at elementary kong kapatid na anak ng Nanay ko sa ibang lalaki.

May maliit kaming bahay na kung hindi ko lilinisan ay mapagkakamalan mo talagang bahay ng daga dahil sa sobrang pagkalasengga ng Nanay ko ay puro alak lang ang inaatupag niya araw-araw. Wala din siyang pakialam sa anak niya na pinapag-aral ko dahil sa awa.

Ang saklap mabuhay lalo na kapag ganito. Minsan nga,naisip kong magpakamatay para matakasan ang ganito kagulo, kahirap at hindi perpektong pamumuhay. Pero sa bandang huli, naisip ko din. Ilang taon na ba ako? At bakit ngayon ko lang maisip magpakamatay.

Mababaliw ka nalang talaga sa kakaisip araw-araw kung paano ka aahon sa kahirapan. Kung paano mo mapapatino ang Ina mong lasenggera at paano mo patatahimikin ang mga peste na tsismosa mong mga kapitbahay.

Ang hirap mabuhay. Bakit ba hindi nalang hinayaan ng Diyos na maging perpekto lahat? Kung naging ganoon , sobrang saya siguro lahat ng tao noh?

"Jhollllaaa! Bigyan mo nga ako ng kinse mo muna dyan!" Ayan na ang Nanay kong lasengga.

"Wala pa po akong pera Nay. Hindi pa kasi binibigay ang sahod ko." Totoo naman, dahil wala talaga akong kahit piso man lang ngayon. Binigay ko lahat kay Junior ang mga barya ko kaninang umaga dahil may mga babayaran daw siya sa eskwelahan.

"Ang sabihin mo! Madamot ka! Akala mo kung sino ka!" Aba't! Hahay! Nakaka-peste talaga oh! Pero dahil sinusubukan ko siyang intindihin ay ayaw ko siyang patulan.

Imbes na makipagsagutan sakanya ay minabuti kong pumunta nalang sa may tindahan ni Manang Delia para mangutang na naman ng makakain naming mag-iina mamayang hapon.

JHOLA PERPEKTA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon