39

108 7 2
                                    


A/n: Hello Unnie rheachavez! This chap is dedicated to you! Thanks for the very nice approach and for your kindness. ^.^ Godbless po!

Paalis na ako ng bakuran nila ng may biglang humablot sa braso ko at hindi ko maiwasan ang masaktan dahil sobrang higpit ang pagkakahawak.

"Ganyan ka na ba talaga kagahaman sa lalaki at pati kapatid ko ay kailangan mong landiin? Kailangan mo pa ba ng pera? Hindi ba't mayaman na kayo?"nagngingit-ngit na saad niya sa harap mismo ng pagmumukha ko.

Hindi ko na alintana ang sobrang higpit na pagkakahawak niya sa akin dahil mas masakit ang mga salitang binitawan niya ngayon.

"Sinusubukan lang niya akong icomfort dahil sa pag-iyak ko kanina. Inamin ko sakanyang mahal kita. At kaya ako nandito ay para sana kausapin ka ng maayos. Hindi ako malandi Jerome alam mo yan at lalong hindi pera ang habol ko sayo. Pero mukhang wala na nga talagang saysay ang pag-uusap dahil may nobya ka na at wala na akong karapatan para habulin pa kita. Oo nagkamali ako dahil ako ang pumutol sa komunikasyon nating dalawa dahil sa akala ko na mali naman pala. Pero Jerome...hindi ko deserve itong mga pinapakita at pinapamukha mo sa akin ngayon. Hindi ako mababang uri ng babae pero handa ko sanang gawin iyon ngunit nagbago na ang isipan ko dahil lalo ko lang papatunayan sayo na mababa nga ako kung uri ng babae kung patuloy pa rin kitang hahabulin kahit na alam kong may iba kana. Titigilan na kita. Pasensya sa lahat. Mauuna na ako."saad ko habang umiiyak dahil sobra na itong bigat sa kalooban ko.

Mukhang nagulat ang naging reaksyon niya dahil wala siyang binanggit kahit isang salita.

"Jho-Jhola...I-I'm sorry."dinig ko pang saad niya ngunit gusto ko na lamang lumayo sakanya kaya binilisan ko ang paglakad at sakto namang naghihintay na pala ang sundo ko sa labas.

Pagkarating ko sa kwarto ay umiyak lang ako ng umiyak.

Hindi ako lumabas para kumain o kung ano pa dahil ang gusto ko lamang ay mailabas ang lahat ng sama ng loob dito sa dibdib ko.

----------------------------------

"Good choice! Dapat nga ay kalimutan mo na ang isang tulad niya. Dahil kahit naman na anong gawin mo kung talagang mahal ka niya ay mahal ka pa rin niya."si Jhandy.

Kanina pa nila ako pinagsasabihan at ako naman ay parang lutang na dahil madami na din akong naiinom. Hindi nga talaga ako sanay sa inuman dahil tamado na ako.

"Pero....psh! Sayang talaga eh. Bakit ba ang daming lalaking gago ha Jhandy! "Si Gabriela na tantya ko'y lasing na din.

Habang sila Sapph at Alyana ay panaw hataw sa dance floor.

"Hayaan mo na. Simula ngayon, ibabaon ko na sa limot ang Jhola Perpekta na nakilala nila."saad ko out of nowhere.

Pero ito na din siguro ang tamang panahon para magbago.

Tama nga ang sabi nila na nakakapagpabago ang pagkasawi sa pag-ibig. Ibang iyong dulot na sakit.

"Whooooo! Let's dance for that!"hiyaw ni Gab saka ako hinila papuntang dance floor at sumama naman ako.

Umiiling lang naman na tumatawa si Jhandy.

Ng makita kami nila Sapph at Alyana ay lumapit sila agad at hinamon kami sa sayawan.

Hindi ko na din talaga kilala ang sarili ko ngayong gabi dahil kusa na akong napapaindak at napapagiling habang sinasabayan ang malakas na tugtog.

Hilong-hilo na kami ng palabas kami ng bar.

Ang lalakas ng tawa namin habang hinihintay si Jhandy na nagpaalam kanina para kunin ang sasakyan ng may biglang tumayo sa harapan ko.

Amoy palang ay kilala ko na.

"I'll drive you home."matigas na saad niya. Ano bang karapatan niya?

"May mga kasama ako at ihahatid nila ako pauwi."matigas ding tanggi ko.

"Kaya nga! Aba! Ang kapal mo tyong! Daldala mo pa sa kotse mo yung si...ano na ulit Jhola?? Ah...hahahaha! Si Chararat!"tawang-tawa si Alyana habang hawak ang isang kamay ko dahil hinihila na ako ni JEROME.

"Let's go."si Jerome.

Hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya sa akin. "Yung totoo?? Balak mo akong paglaruan? Malandi ako diba? Eto na! Nagpapakalandi ako para may silbi ang bintang mo sa akin! At sinabing makakauwi ako mag-isa! Wag kang umasta na parang may pakialam ka!! Ikaw ang umalis na ulit at wag ng magpapakita pa kahit kailan!"taboy ko sakanya at sakto namang nasa harapan na namin ang sasakyan ni Jhandy kaya hinila na din nila ako papasok sa loob at naiwang tulala si Jerome dahil sa ipinakita ko sakanya.

Akala ko ay matapang na ako. Pero lintik! Mahal ko siya talaga. Masakit pa rin! Mas masakit ang makita kong kasama na naman niya ang babaeng iyon.

JHOLA PERPEKTA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon