Lakad-takbo. Ganyan ang ginagawa ko habang siya ay sigaw ng sigaw at tinatawag ang pangalan ko. Lalo ko lang binilisan ang ginagawa kong paglayo sakanya hanggang sa hindi ko na rinig ang pagtawag niya.
Iginala ko ang paningin ko at bigla akong kinilabutan dahil sa tingin ko ay nakarating na ako sa gitna at ang daming pwedeng daanan. Hindi ko na din alam kung saang daan ako lumabas.
Pero bahala na. Siguro naman ay hindi naman delikado dito. Panay huni ng ibon ang naririnig ko at mas malamig ang hangin kumpara sa may tabing dagat kanina.
Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa makarating ako sa may batis. Namangha sa sobrang linaw nito. Excited akong inilubog ang aking mga paa sa tubig at para akong kinikiliti sa sobrang lamig. Nakaka-relax ang tubig. Idagdag pa ang tahimik na paligid. Sobrang payapa sa pakiramdam.
Sana ay nagpatayo din sila ng bahay dito. Siguro ay masarap tumira dito lalo na kapag gabi.
"I told you. Dito kita matatagpuan." Natigilan ako at napadilat ng wala sa oras at dahan-dahang lumingon sa aking likuran at nakita ko si Sir Jerome na nakatitig sa akin na may mga matatamis na ngiti sa labi.
Agad akong tumayo at inayos ang bestida ko.
"Bakit mo ako tinakbuhan? Mabuti nalang at naalala ko ang batis na to kaya nagbakasakali akong magawi ka dito. Are you mad at me?" Tanong niya.
"Hi-hindi po Sir. Pa-pasensya na po. Excited lang kasi akong makapasok dito sa gubat dahil first time ko din po dito." Palusot ko na kahit ang totoo nyan ay gusto ko talaga siyanh iwasan.
"Oh, I see. And about what I told you kanina. Hindi naman kita liligawan. Gusto lang kitang makilala. Dahil gusto ko lang malaman kung bakit ka nagustuhan ni Mommy." Paliwanag niya. Ewan ko na naman kung ano na namang nais ipahiwatig nitong nararamdaman ko. Naginhawaan ako dahil ganon lang pala ang gusto niyang mangyari. Pero may konting kirot akong naramdaman at hindi ko alam kung bakit.
"O-okay lang naman po Sir. At pasensya na po talaga kanina." Naisagot ko na lamang.
"You know what? Ibalik mo nalang ang dating ikaw. What I mean yung una kitang nakilala na nagsusungit ka. Parang hindi ka komportableng maging mabait e. Hehe! Just kidding." Siya na sinusubukang magpatawa.
Napabuntong hininga nalang ako. Oo nga naman. Ano ba kasing nangyayari sa akin? Nasaan na ang katapangan at kasungitan ko? Kadaldalan ko? Hay nako ka talaga Jhola. Umayos ka nga. Tsk!
"Haha! Oh sige ba Sir! Mukhang ayos ka namang tropa e. Nga pala Sir, tropa ko sila Tonyong." Pambawi ko sa sarili ko.
"Haha! That's it! Oo nga. Naikwento ka nila sa akin matapos kitang asarin ng araw na yon. Ang totoo nyan ay sinadya ko yon dahil alam ko naman talaga kung saan ang bahay nila Tonyong. Haha! Pasensya kana." Siya at napatingin naman ako sakanya dahil napapadalas yata ang pagtawa ng lokong to.
"Ah-hahaha! Ayos ka pong mang-trip kung ganon Sir!" "Punyeta, trip mo lang pala ako." Sabi ko sa isipan ko. At siya naman,parang ayaw na niyang tanggalin ang ngiti niyang nakakaloko.
"Alam mo bang totoong maganda ka?" Siya at pilit kong nilalabanan ang sarili ko dahil eto na naman yung pakiramdam na ewan."kasi sabi nila Tonyong, masungit ka pero tunay na maganda ang kalooban mo." Dugtong pa niya at ramdam ko na ang pag-iinit ng pisngi at tainga ko.
Ano kaya ang trip niya? Trip niya kaya akong bola-bolahin? Tyaka yang mga pinagsasabi niya, parang may tawag dyan e. Yung laging sinasabi sa akin ni Junior na banat daw at uso daw iyon sa eskwelahan nila.
At binabanatan niya ako ngayon? Iba din trip niya e.
"Ganun ba Sir. Gwapo din naman po kayo. Kasing gwapo ng pakikisama nyo ngayon sa akin." Swabeng sagot ko sakanya. At hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para masabi ko iyon sakanya. At hindi ko din alam kung saan ko napulot ang mga salitang ganon.
"Haha! Aba at..marunong ka din palang bumanat." Tawa niya na ikina-ngiti ko naman. "Matanong kita Jhola, ang unang impression mo ba sa akin ay gwapo?" Siya na seryoso at ewan ko, pero sobrang presko ng dating ng tanong niyang yon sa akin.
"Hindi naman Sir. Masungit ang unang impression ko sainyo at sobrang hambog." Matapat na sagot ko dahil iyon naman talaga ang totoo.
"Ganon ba? May tatanungin ulit ako sayo at ito'y huli na. Pero ang gusto ko sana ay sagutin mo ako ng seryoso at gusto ko yung totoong sagot." Siya ulit.
"Ano iyon Sir? Huwag po kayong mag-alala dahil hindi ko po ugaling magsinungaling sa kahit na sino." -ako.
"Hindi mo ba ako gusto? Or kahit paghanga, wala ka bang nararamdamang paghanga sa akin?" At shit na malagkit! Dahil sobrang cool niya magtanong. Nakikipagtitigan pa siya habang nagtatanong.
Ano ba naman ang akala niya sa akin? Na kagaya ni Bhibay na mahilig kumerengkeng sa mga mayayamang lalaki? Sinusubukan yata ako ng lalaking to.
"Wala at hindi po ako humahanga sainyo. At pakiusap lang po Sir, tigilan nyo na ako sa mga tanong nyong ganyan dahil medyo hindi ako komportable." Diretsahang saad ko din sakanya.
"Mabuti at nagkaka-unawaan tayo. Gusto ko lang sana kasing maalis ang pagiging awkward natin sa isa't-isa. At gusto ko sanang sabihin saiyo na, hayaan mo sana akong makipaglapit pa lalo saiyo. Hindi bilang manliligaw o ano, kahit bilang malapit na kaibigan mo lang." Naka-ngiting sabi niya. Isang ngiti na hindi ko kayang tanggihan kaya napatango ako.
"Oo naman Sir, walang problema. Sanay naman akong may kaibigang lalaki." Sagot ko.
"Mabuti naman. No doubt now kung bakit ka nagustuhan ni Mommy."
"Wag mo nalang yong isipin Sir. Mabuti kasing tao ang Mommy nyo."
"At mas maganda kung wag mo na din akong tatawaging Sir. Pwedeng buy (boy/booy) nalang." Siya at natawa naman ako sa gusto niyang itawag sa akin.
Ano naman ang ibig sabihin ng buy na sinabi niya? Haha!
"Ano ba ang ibig sabihin ng buy?" Curious na tanong ko.
"Buy kasi parang mala-tomboy ka. Haha! Korny ba? Pero parang nakakatuwa kasi. Gusto ko lang subukan. Ano buy? Okay ba buy?" Natatawanh saad niya at nahahawa ako sa kasiyahan niya.
"Oo na buy!" Ako at nagtawanan kaming dalawa.
Maayos naman pala talaga siya. Tama nga naman. Para walang awkwardness sa pagitan naming dalawa. Kailangang liwanagin na wala akong gusto sakanya.
Habang nagku-kwentuhan at kinikilala namin ang isa't-isa ay hindi namin namalayan na narating na pala namin ang dulo nitong kagubatan.
At shit na malagkit!!! Akala ko ay ang batis na ang maganda kanina, pero itong nakikita ko ngayon ay parang paraiso! Sobrang ganda!! Kulay bughaw ang tubig ng malawak na batis at sa bandang dulo niyon ay may masagang falls na sobrang lakas ng tunog ng pagbagsak ng tubig.
"Ito ang pinaka-gusto kong parte nitong Isla. Kahit sobrang layo ay sulit na sulit dahil sa sobrang nakakaayong paligid. Sobrang ganda diba? Ang ganda...ganda." dinig kong sabi niya sa tabi ko kaya naman napatingin ako sakanya. At iyon na naman ang ngiti niyang ang sarap bigyan ng malisya.
BINABASA MO ANG
JHOLA PERPEKTA
Fiksi UmumJhola Perpekta. Ng mabasa mo ang pangalang iyan, ano ang unang pumasok sa isip mo? Huhulaan ko, siguro, ineexpect mong prinsesa siya, nasakanya ang lahat at sobrang perpekto ng buhay niya. Pero mali ka, kung gaano ka-perpekta ng apilido niya ay ganu...