30

124 7 2
                                    

Nagtagumpay nga si Tatay na iuwi kami sa kanilang bahay. At isang linggo palang kami dito ay kating-kati na akong umuwi sa dati naming bahay dahil parang hindi ko na kaya pang sikmurain ang pag-uugali ng lola ko kuno. Ang layo ng ugali niya sa ugali ng Tatay ko at Tito Jeson. Mabubuti silang tao habng ang lola ko ay ubod ng sama ang ugali nito.

Humahanga din ako sa ipinapakitang katatagan ng aking Nanay. Lalo na sa pagtitimpi niya sa pag-uugali ng byenan niyang hilaw.

"oh! Ikaw bata ka! Hindi ba't sinabi ko sa iyong tulungan mo si Minyang na magpunas sa sahig!?" dinigkong sigaw ng matanda sa kapatid ko kaya imbes na pumunta sana sa sala kung nasaan sila ay nagkubli ako sa isang dingding habang sinisilip sila.

"O-opo. Pasensya na po. Kagigising ko lang po kasi." paumanhin ng kapatid ko at hindi ko inaasahan ang sunod na ginawa niya sa kapatid ko kaya naman tumakbo akong lumapit sakanila.

" Wala po kayong karapatan na pagbuhatan ng kamay ang kapatid ko! Kung ayaw ninyong nandito kami ay aalis kami ngayon din! Hindi yang ganyan na minamaltrato niyo kami at pinapakitaan ng inyong masasamang ugali!" hinila ko na palayo si Junior sakanya ng magsalita siya.

"Pareho kayo ng ina mo na asal iskwater! Mabuti pa nga't lumayas kayo dito sa pamamahay ko dahil umaalingasaw ang mga baho niyo!" sigaw at turo niya sa akin.

" Alam niyo po? Gusto ko sana kayong igalang ngunit iyang pag-uugali niyo'y dinaig pa ang mga katulad naming iskwater. Mukhang pinagkaitan po yata kayo ng magagandang asal. At pakiusap lamang po, huwag niyo na sanang dinadamay pa si Inay dahil kahit kailan ay wala siyang nagawang kasalanan sainyo. Ang nagawa lang niya ay ang mahalin ang AMA KO, na ANAK NINYO!" saad ko sa kalmado pa rin na tono.

"Dahil dakilang malandi ang Nanay mo! Kung saan-saan lang siya napulot ng aking anak! Mga ilusyonada kayo! If I know? Pumayag kayong sumama sa anak ko upang makatikim ng karangyaan! Hindi ko maipapahintulot ang ka-gustuhang ito ni Sossimo! Hinding-hindi ko kayo matatanggap bilang miyembro ng aming pamilya! Wala sa pamilya ko ang asal iskwater na katulad niyo! Pwe!" dura niya talaga sa harapan ko at kusa ding bumagsak ang mga luha ko.

Ganito lang ba talaga ang tingin ng mga mayayaman sa mga mahihirap na katulad namin? Ang sakit lang isipin na, inaapak-apakan lang ang mga pagkatao namin at ang pinaka-masakit pa ay sariling Lola ko pa ang gumagawa sa amin nito.

" Lo-lola, hindi ko po naging kasalanan na nagmahalan ang Nanay at Tatay ko. At mas lalong hindi ko po naging kasalanan na naging anak po nila ako. Ayos lang naman po na hindi ninyo kami matanggap dahil hindi po namin ipagpipilitan ang mga sarili namin sainyo. Lalong hindi po namin hangad ang kayaman ninyo. Dahil kung totoo mang malandi at kayaman niyo lang ang gusto ng Nanay ko, hindi ba't ginawa niya sana noon lahat upang manatili lamang ang ama ko sakanya? Pero hindi po iyon ginawa ng Nanay ko dahil mas ginusto niyang lumayo upang maigalang ang pagka-disgusto niya sainyo at upang wag kayong mag-away ng anak niyo. Gusto lamang din pong sabihin na mahirap man kami pero hindi kami nagkulang sa mga magagandang asal at mga tao lang din po kami na mayroong puso at marunong din masaktan. Nirerespeto ko po kayo, kung ayaw niyo po sa amin ay aalis po kami. " sabi ko habang umiiyak at hinila na si Junior palayo sakanya.

Pumasok kami sa kwarto nila Nanay at Tatay at nadatnan namin si Inay na kasalukuyang nag-aayos saknilang higaan.

"Anak anong nangyari? Bakit kayo umiiyak??" nag-aalalang tanong niya.

" Kailangan na nating umalis dito Nay. Ayusin niyo na po ang mga gamit niyo ni Junior. Ngayon din ay uuwi tayo sa bahay."

"Ngunit bakit? Ano bang nangyari?? Hahanapin tayo ng Tatay mo pagka-uwi niya."

"Alam niya kung saan niya tayo makikita. Kung talagang mahalaga tayo sakanya ay magkukusa siyang pupuntahan tayo ulit. Hindi ko na masikmura pang tumira dito sa bahay na ito Nay. Hindi ko na kaya ang pang-iinsulto nila sa ating mga pagkatao. Magdesisyon kayo. Kung kayo ay kaya niyo at gusto niyong manatili dito ay maiintindihan ko. Pero ako ay aalis sa pamamahay na ito!" naiinis na saad ko.

"Tama ka nga anak.Mukhang kahit kailanman ay hindi na tayo matatanggap ng iyong Lola. Sige na, ayusin mo na rin ang iyong mga gamit at tayo'y aalis na." sa sinabi niya ay lumuluha ulit akong yumakap sakanya.

Hindi nga namin hinintay pang dumating si Tatay galing kompanya dahil pagkatapos naming maayos ang mga gamit namin ay umuwi na kami. Laking pasalamat ko nalang kay Gabriela dahil saktong bibisita sana siya sa akin ng makasalubong niya kami sa may pintuan at nagmagandang-loob siyang ihatid kami sa bahay.

Si Jhandy ay nakilala na rin niya ako bilang pinsan niya at laking tuwa niya dahil sabi niya'y kaya daw pala sobrang gaan nang loob niya noong sabay kaming lumuwas ng maynila. Mabuti din ang pakikitungo ng pamilya niya sa amin. Iyong Mama niya pala ay matalik na kaibigan noon ni Nanay. Pero simula nga noong umalis si Inay ay nawalan na sila ng communication. Kaya naman noong nagkita sila ay sobra-sobra ang pagka-miss nila sa isa't-isa. Nag-iisang anak lang si Jhandy habang si Gabriela naman ay may kapatid pa na mas panganay sakanyang babae at hindi ko pa siya nakikita.

"Hay! Tumatandang paurong kasi si Lola. Wala naman talagang rason para ayawan kayo diba?" Si Gabriela.

Hindi naman ako umimik dahil parang naririnig ko parin ang mga panlalait na natamo ko kanina kay lola.

"You know? Somewhat napapa-isip talaga ako e. Alam mo yon? Yon bang parang gusto niya kayong i-test? No offense ha? Baka gusto lang niyang malaman kung talagang hindi lang kayaman ni Tito Sossimo ang habol niya." Siya na napapa-iling habang parang malalim ang iniisip.

Nandito kasi kami sa tambayan dito sa silong ng mangga sa may duyan dahil gusto daw niya muna akong maka-kwentuhan bago siya umuwi.

Kung tama man ang hinala niya, mali pa rin para sa akin ang ginawa niya sa amin dahil pagkatao at dignidad namin ang niyurakan niya.

JHOLA PERPEKTA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon