Hindi ko alam kung paanong napapayag ni Sapphire si Alyana na sumama sa amin dahil nagprisinta siya kanina na siya nalang ang bahalang kukumbinsi kay Alyana.
At mga ilang minuto palang ay nagyaya na itong mag-ayos na raw kami dahil pupunta na kami doon sa party.
Kinakabahan na naman ako dahil first time ko sa mga party. Sana nandito si Jerome. Baka mapahiya lang ako doon. Walang magtuturo sa dapat gawin na ko. Wala pa naman akong cellphone kaya hindi ko man lang siya mai-tetext.
Kaya naman habang nasa byahe kami papuntang venue ay tahimik lang kaming tatlo dahil kahit kasama na namin si Alyana ay ganon parin na tahimik lang siya. Si Sapphire naman ay mukhang nakikiramdam lang sa aming dalawa.
Alam mo yung feeling na awkward? Ganon kaming tatlo ngayon dito sa loob ng sasakyan na pagmamay-ari ng kompanya.
"Girls, hindi naman kaya mapapanis mga laway natin pagdating sa pupuntahan natin?"basag sa katahimikan ni Sapphire.
Tumingin naman ako kay Alyana at hindi man lang siyang nag-abalang lumingon.
Ano bang meron sa babaeng to? Napaka-misteryosa niyang tignan.
Hindi na nga muling nagsalita si Sapphire dahil walang tumugon sa aming dalawa. Nahihiya din akong magsalita at hindi parin nawawala ang kaba ko para mamaya.
Ng makarating kami ay si Sapphire ang nagli-lead sa amin. Kilala daw niya pala ang Tatay ng bride dahil lagi din itong pumupunta sa opisina ni Tito Jeson.
"Kasosyo ni boss si Mr.Arkelino. At sa pagkakaalam ko ay ang panganay niyang anak ang ikakasala kaya kinuha si boss na maging Ninong."paliwanag sa amin ni Sapphire habang sakay kami ng elevator papunta sa palapag na kung saan ang reception.
"Magtatagal ba tayo dito?" Tanong ko.
"Siguro ay hindi. May naiwan pa akong trabaho sa opisina na kailangang ipasa ko yon mamayang hapon." Si Sapphire. "Ibigay lang natin ang ipinaaabot ni boss tapos ay exit na tayo." Dugtong pa nito.
Pagpasok palang namin sa reception ay kasalukuyan ng nagsisikainan ang mga tao. Inassist kami ng isang crew at pinaupo kaming tatlo sa isang table.
Nakakahiya man pero tinatagan ko nalang ang loob ko at sinabayan ko nalang mga bawat kilos nila Alyana at Sapphire.
Ito ang problema ng mga mahihirap na kagaya ko. Ang maignorante sa mga ganitong malalaking selebrasyon.
Ng sa wakas ay tapos na kaming kumain ay saka naman nagsalita ang host ng wedding. Sinabihan kami ni Sapphire na mamaya lang daw at ibibigay na niya ang regalo ni Tito sa mga bagong kasal.
Nanuod nalang muna kami dahil may konting sayawan at may mga tinatawag na magperform.
"Girls, dito nalang muna kayo at ako nalang ang lalapit sakanila para ibigay itong pinabibigay ni boss." Saad niya sa amin at tumango lang naman kaming dalawa.
Napaka-tahimik parin talaga ni Alyana. Nakakaasiwa siyang kasama.
Sa kamalas-malasan ay ngayon pa umepal ang pantog ko. Hindi pa naman ako yung tipo na nagpipigil ng ihi kaya kailangan kong ilabas ito.
"Alyana, sa restroom lang muna ako." Paalam ko sakanya at hindi ko na siya nahintay magsalita dahil ihing-ihi na talaga ako.
Hinanap ko muna ang restroom at medyo natagalan pa ako dahil napakaraming taong dumalo.
Nagmamadali kong tinungo ang ladies room ng may nabunggo ako.
Shit! Ano na naman ba itong katangahan na nagawa ko!
BINABASA MO ANG
JHOLA PERPEKTA
General FictionJhola Perpekta. Ng mabasa mo ang pangalang iyan, ano ang unang pumasok sa isip mo? Huhulaan ko, siguro, ineexpect mong prinsesa siya, nasakanya ang lahat at sobrang perpekto ng buhay niya. Pero mali ka, kung gaano ka-perpekta ng apilido niya ay ganu...