Chapter 2

239 12 7
                                    

iamaladynotagirly KimberlyPaz Lhewana

"Jhola! May catering mamaya. Sasideline kami ni Aiza. Gusto mo bang sumama? Karagdagang kita din yon." Si Angela. Pauwi na sana ako ng tawagin nila ako. Sila Aiza at Angela ay kasamahan ko dito sa palengke nagtatrabaho at pare-pareho kami ng oras sa pagbabantay dito sa pwesto.

"Talaga? So, merong libreng pakain yon diba? Ano ba yon? Kasalan o ano?" Excited na tanong ko. Pwedeng-pwede ako doon dahil wala naman akong naka-schedule na labada at pwede parin naman akong pumasok dito sa trabaho bukas.

"Ah..ah? O-oo. Hehe. Sasama ka ba? Para masabihan namin yung organizer na may na-recruit pa kaming kasama." Pilit ang tawa na sabi ni Aiza. Ang weird lang niya.

"Oh sige sama ako. Sayang din yung dagdag na kita at libreng masarap na pagkain. Anong oras pala?" Tanong ko ulit at mahahalata sa boses ko anh excitement.

"Mamayang alas-syete ng gabi. Dadaanan ka nalang namin sa bahay niyo." Si Angela. Mga kapitbahay at mga kababata ko kasi sila.

Pero kahit na ganon, hindi kami gaanong close. Magpapansinan kung magpapansinan. At hindi naman kung hindi. Ganun kasi ako makipagkaibigan. Kung kakausapin mo ako, kakausapin din kita. Pero kapag kinakalaban mo ako ng patalikod,aba! Bahala ka sa buhay mo. Walang pakialam dahil busy ako sa buhay at wala na akong oras para pag-aksayahan kapa ng oras. Ganun lang yon. Pero kapag napuno din ako, ewan ko nalang kung anong magagawa ko.

"Sige! Salamat ha? Bago mag-alasyete mamaya ay nakapaghanda na ako. Sige mauuna na ako." Paalam ko sakanila dahil kailangan ko pang dumaan kay Manang Delia para magbayad ng utang dahil ibinigay naman na kanina ang sahod namin.

Hindi pa man din ako tuluyang nakakalayo sakanila ay....

"kita mo yung reaksyon niya? Para siyang tanga na ignorante. Tsk! Kung wala lang dagdag na bayad kapag nakapag-recruit ka, diko talaga yan sasabihan." Dinig kong sabi ni Aiza.

Yan ang sinasabi ko e. Kaibigan mo lang kapag kaharap mo sila. Pero kapag nakatalikod kana, kung anu-ano na ang sinasabi about sayo.

Pero dahil wala akong pakialam, hindi ko nalang sila papansinin. Pasalamat nalang ako at sinabihan nila ako sa trabahong pupuntahan namin mamaya. Atleast may dagdag na kita. Diba?

Yung sinahod ko, magagastos na naman yon ngayong araw lang din na to. Pambayad sa utang, ibibigay na allowance kay Junior at pang-alak ng Nanay ko. Buhay naman ng mahirap oh! Wala man lang matitira na kahit konti lang sakin kahit ako ang naghirap para magkapera.

"Manang Delia, magbabayad ho sana ako ng utang." Saad ko sakanya habang nag-aayos siya ng mga paninda niya.

"Aba! Dapat lang Jhola kasi hindi libre ang mga paninda ko. Bale 380 lahat ng utang mo simula pa noong nakaraang linggo. Ibigay mo na lahat ngayon dahil wala akong pambili ng bigas na ibebenta ko." Masungit na sabi niya. See? Babayaran mo na nga siya, hindi ka parin pakikitunguhan ng maayos. Pero mas gusto ko na ang mga kagaya ni Manang Delia dahil lantaran niyang ipinapakita ang totoong pangit na ugali niya kesa sa iba na nagbabalat-kayo lamang.

Nagbayad nga ako ng utang ko sakanya at bumili na din ng uulamin nila Nanay at Junior mamayang gabi.

Pauwi na ako sa bahay at sa kalsada ay madaming batang naglalaro ng kung anu-ano. Meron ding mga tambay na puro payabangan lang ang ginagawa. At syempre hindi nawawala ang mga tsismosa sa tabi-tabi.

Palapit palang ako sa bungad ng pintuan ay dinig ko na ang sigaw ni Nanay at iyak ni Junior. Tiyak ako na pinapalo na naman ito dahil siguro inistorbo na naman ang tulog ng Nanay naming lasengga. Tsk!

"Tama na po Nayyyyyy! Hindi na po ako uulit!" Sigaw ni Junior.

Ng makapasok nga ako ay hawak ni Nanay ang sinturon.

"Ano na naman ba to Nay? Hindi na kayo naawa sakanya. Ang payat payat na nga lang niya." Pagod ang boses kong tanong kay Nanay.

"Heh! Isa ka din! Mga peste kayo sa buhay ko! At dahil naman sa katangahan ko. Bakit ko pa kayo binuhay! Mga letse!" Si Nanay at ibinato kung saan ang sinturon at nagdadabog na lumabas ng bahay. Pero bago siya lumabas ay kumuha muna ng pera sa akin at wala naman akong nagawa kaya binigyan nalang siya ng isang daan. Expected na naman yon na igagasto lang niya sa alak kasama ang mga kabarkada niyang lasenggo at lasengga.

Oh diba? Sa pangit ng tabas ng dila ng ina namin ay kaya niyang sabihin ang mga ganong masasakit na salita sa aming mga anak niya. Kahit na lagi ko iyong naririnig mula sakanya ay masakit parin sa aking pandinig. Mas mabuti nga siguro kung hindi nalang niya kami binuhay noon kesa ganitong buhay naman ang aming makakagisnan. Mabuti nalang talaga at may mga scholarship sa mga paaralan kaya nakapag-aral ako. At kahit papaano ay meron din akong taglay na konting katalinuhan kaya nakaraos ako sa aking pag-aaral. Dahil ni kusing noong nag-aaral ako ay hindi ako binigyan ng aking ina. Kinailangan ko pang pumasok noon sa trabaho habang nag-aaral para lang merong maiuwi dito at may pambili ng pagkain naming mag-iina.

"Ano na naman ba kasing ginawa mo Junior? Bakit kana naman pinalo." Tanong ko sa kapatid kong umiiyak.

May pagka-bakla ang kapatid ko. Kaya kahit hindi kami buong magkapatid ay naaaliw ako sakanya minsan. Siya ang gumagawa sa mga gawaing bahay dito sa bahay kapag wala siyang pasok. At kung minsan naman ay isinasama ko siya sa palengke dahil kahit papaano ay binibigyan din siya ng amo namin ng bayad. At nagpapasalamat din akong bakla siya dahil baka kung nagkataong purong lalaki siya ay baka isa rin siya sa pinoproblema ko ngayon.

"Ehhhh. Kase naman ate! Natapilok at at nung pagbagsak ko ay nasagi ko ang upuan kaya nakagawa ako ng ingay. At yon nga, nagising si Mudraloves!" Maarteng sumbong niya.

At ng makita ko ang kabuuan niya ay napasapo nalang ako sa noo ko dahil suot niya ang pinakatago-tago at pinakai-ingat ingatan kong heels. Dahil kapag masira yon ay hindi na ako makakabili ng bago dahil nga kapos kami sa pera. At yon lang ang tanging alaala ko sa una kong sweldo noon sa pagbabantay sa pwesto sa palengke na pinagtatrabahuan ko ngayon.

"Juniorrrrrrr! King ina naman oh! Ibalik mo yan ngayon din!!!" Bulyaw ko sakanya. At nagmadali naman siyang kumilos. Hahay buhay talaga!

Nagpahinga muna ako saglit para naman may lakas ako mamaya sa catering na pupuntahan namin.

At ng pagkagising ko naman ay tinawag na ako ni Junior dahil handa na daw ang hapunan ko. At ng igala ko ang paningin ko sa loob ng bahay naming maliit ay wala pa ang Nanay naming lasengga. Napapailing nalanga ko habang umuupo sa harap ng lamesa.

At habang kumakain ay nasa harapan ko si Junior na nakatunganga lang sa akin.

"Ate..wala ka bang planong magka-boyfriend?" Maya't maya ay tanong niya kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. " e kasi..maganda ka naman? Diba? Wala bang nanliligaw sayo?" Dagdag na tanong parin niya.

"Tigilan mo nga ako! Ang isipin mo yang pag-aaral mo! Hindi pa nga kita napagtatapos sa pag-aaral,magnonobyo na ako? Sinong magpapa-aral sayo kung uunahin ko pa ang pakikipagnobyo?" Asar na tanong ko din sakanya.

"E di wow? Nagtatanong lang naman e. At nga pala ate, hindi mo ba kilala ang Tatay ko?" Tanong ulit niya. Aware din kasi siya na hindi kami pareho ng ama.

"Aba! Malay ko? Kung ang Tatay ko nga hindi ko kilala. Tatay mo pa kaya? Kay Nanay ka magtanong." -Ako.

"Ay wag nalang. Jojombagin lang ako ulit nun." Siya at tumayo na.

Natatawa talaga ako sa pananalita niya. Dahil kakaiba ang mga words na binibitawan niya.

At kung tungkol naman sa ama ko, wala na akong balak na alamin pa kung sino siya. Dahil kung mabuti siyang ama ay hindi niya dapat ako iniwan sa pabaya kong ina. Mabuti nga ang ina ko dahil lasengga lang siya pero di niya kami iniwan. Eh siya? Ng magkaisip na ako ay wala na siya. Nung tinanong ko kasi noon minsan si Nanay ay palo lang ang nakuha kong sagot kaya, wala ding kwenta. Kaya bakit ko pa aalamin diba?

Bago nga mag-alasyete ay nakabihis na ako at lahat lahat. Hinihintay ko nalang sila Aiza at Angela na daanan ako dito sa bahay.

Ng matanaw ko sila ay nagmadali na akong lumabas.

JHOLA PERPEKTA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon