25

120 8 0
                                    

Hindi ko alam kung paano kong naitago ang hinanakit na nararamdaman ko kina Saph at Alyana dahil nagawa kong makipag-sabayan pa rin sa pakikipag-kwentuhan sakanila kagabi.

Siguro ay dahil nai-iyak ko na lahat at pinaulit-ulit kong sinabi sa sarili ko kagabi na hindi siya para sa akin. Dahil ako'y hamak lamang na mahirap at siya'y mayamana kaya naman nararapat lang na ang maging nobya o asawa niya ay anak mayaman at sosyal.

"Jhola! Alyana! May goodnews! Grabe! Ang bait talaga ni boss sa atin! Akalain niyo iyon? Bibigyan raw tayo ng bonus para may magastos tayo dito sa Isla! " masayang-masaya na saad ni Saph pagka-pasok dito sa kwarto namin dahil galing siya kay Tito Jeson. Pinatawag siya kasi kanina.

"Grabe! He's very kind to us!" Si Alyana na halatang masayang-masaya. At ako naman ay naki-saya rin sa balita nila.

Pinipilit ko na lamang ang aking sarili dahil ayaw kong malaman nila ang totoong pinagdadaanan ko.

Ngayong araw ang simula ng seminar.

Kaya naman kanya-kanya na kami ng pag-aayos sa aming mga sarili.

Nag-breakfast ang unang ginawa namin bago tuluyang pumunta sa seminar.

Tabi-tabi lang din kaming tatlo.

Sa tantya ko ay may 50 mahigit kami dito sa loob ng hall.

Habang nagsasalita ang speaker ay parang lumulutang ang isipan ko.

Kahit pala gaano ko ka-gustong alisin siya sa isipan ko ay hindi ko magawa dahil pilit pa rin siyang rumerehistro sa isipan ko.

Bakit nga ba ganon? Kung kelan nagsisimula na ulit akong magmahal, kung kelan nagsisimula na naman ako ulit bumangon ay saka pa ako lolokohin ng taong akala ko ay kaka-iba sa mga lalaking nakilala ko sa nakaraan?

Bakit ba kailangan pa akong masaktan kahit na wala naman akong ginagawang kalokohan? Bakit hindi na lamang ang mga taong manloloko din ang naloloko ng malaman naman nila kung gaano kasakit ang mapag-laruan?

Siguro'y masyado na naman akong nagpadalos-dalos. Wala na talaga akong nagagawang tamang desisyon para sa sarili ko.

"Huy beh! Pangatlong speaker na natin yan pero para kang lutang diyan. Ano bang nangyayari sa iyo?" Siko sa akin ni Alyana kaya naman bahagya akong nagulat at naudlot ang pag-iisip ko.

"Ayos lang ako. Siguro ay antok lang ito " pilit ang ngiti kong sagot.

Napa-iling naman si Saph sa reaksyon ko.

Ng matapos ang pangatlong speaker ay tanghalian na.

Ngunit bago pa man kami lumabas para kumain ay tinawag ako ni Tito Jeson at pinasunod sa kanyang opisina.

Hindi ako kaagad naka-sunod sakanya dahil sumaglit muna ako sa CR upang umihi at mag-hilamos upang mahimasmasan ang sarili ko.

Habang nag-lalakad ako papunta sakanyang opisina ay may nabuo na namang desisyon sa isipan ko.

Magre-resign na ako sa trabaho dahil mukhang hindi ko kayang magtagal sa kompanyang may konektado kay Jerome.

Nang nasa harapan na ako ng pintuan ng opisina niya ay bahagya itong naka-bukas at dinig kong may kausap siya sa telepono kaya naman pinigilan ko muna ang sarili kong pumasok dahil baka maka-istorbo ako.

Sumandal ako sa pader na naka-pikit at pilit pinapa-kalma ang aking sarili.

Wala sa plano ko ang makinig sa usapan nila ng kausap niya pero dinig na dinig ko ang boses niya na nagmumula sa loob ng opisina.

"But Kuya! We can't hide this secret anymore. Kung makikita mo lang ang batang ito ay hindi mai-kakailang anak mo nga siya dahil kuhang-kuha niya ang pigura ng mukha mo."dinig kong saad ni Tito Jeson sa kausap niya.

Nanatili lang naman akong nag-abang ng kung ano pang sasabihin niya.

At ang sumunod na salitang narinig ko ay mukhang di'ko kayang tanggapin at nagsisisi akong nakinig sa usapan nila ng kausap niya.

"Jhola is really your daughter! Believe me kuya. Please come back home so that we'll do DNA testing just to prove that she is yours." Nagimbal ang puso ko pagka-rinig ang mga salitang yan mula sakanya.

Ako ba ang tinutukoy nila? At sinong kausap niya? Ama ko ba? T_____T at kaya ba Tito ang gusto niyang itawag ko sakanya ay dahil magkamag-anak pala talaga kami?

Pakiramdam ko ay biglang uminit ang aking dalawang tainga at parang pinagpapawisan ako ng malamig na hindi ko mawari.

"Who's there!?"sigaw ni Tito Jeson kaya naman huminga ako ng malalim bago ako tuluyang pumasok sakanyang opisina.

Pilit kong umaktong normal upang wag niyang isipin na napakinggan ko lahat ang mga sinabi niya.

"Sorry Tito. Galing pa po kasi ako sa CR." Ako na pilit pinapa-tatag ang boses.

"Kanina ka pa ba diyan?" Parang kinakabahang tanong niya.

"Hi-hindi po Tito. Kararating ko lamang po."pagsisinungaling ko.

Sinabihan niya akong may imi-meet kaming importanteng tao sa susunod na linggo at ewan ko pero biglang kaba ang naramdaman ko.

Iyo lang naman ang kanyang sinabi at pinaalis din ako kaagad.

Sa nalaman ko ay naudlot na ang sasabihin ko sanang balak kong mag-resign sa trabaho.

Wala na din akong gana kumain kaya minabuti kong dumiretso nalang sa aming kwarto.

Ibinagsak ko agad ang katawan ko at ipinikit ng mariin ang mga mata ko.

Sobrang hirap tanggapin at isipin lahat ng mga nalaman ko.

Kung kailan nakalimutan ko na ang tungkol sa aking Ama at wala na sanang balak pang kilalanin siya ay saka naman ako paglalaruan ng tadhana na mukhang malapit na kaming pagtagpuin.

Hindi na rin ako bumalik sa seminar at nag-dahilan akong nilalagnat ako kaya naman hindi na nila ako kinulit pa.

Ng matapos kong tawagan sila Sapphire ay napa-titig naman ako sa cellphone na binigay niya sa akin.

Wala na rin kwenta itong bagay na ito.

Kaya naman tinanggal ko ang simcard at battery saka ko ito ibinalik sa kahon at itinago sa maletang dala ko.

Bumalik ako sa pagkaka-higa ko at pinilit matulog upang kahit saglit ay matakasan itong mga gumugulo sa isipan ko.

------------------------------------------✂

Naalimpungatan ako sa sunud-sunod na nagdo-doorbell.

Hindi sila Sapphire at Alyana ang nagdo-doorbell dahil kung sila man ay hindi na nila kailangang gawin iyon dahil tig-iisa naman kami ng susi dito sa kwarto.

No choice ako kundi pagbuksan ang istorbo sa tulog ko.

"Jhola we need to talk." May awtoridad sa boses niya at eto na naman ang pakiramdam na parang tinatambol ang puso ko dahil sa sobrang kaba na nararamdaman nito.

JHOLA PERPEKTA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon