Cute-Smart
Dumating nga ang bukas at kahit na gusto pang pumikit ng mga mata ko dahil ala-una na kaninang dumating ako galing sa catering na pinuntahan namin kagabi ay pinilit ko paring bumangon ng maaga at ginising na din si Junior.Kumain si Junior ng itinira daw niyang ulam kagabi at ako naman ay nagkape lamang. Ang sakit ng ulo ko dahil siguro ito sa kakulangan ng tulog.
"Ate..half day lang din tayo ngayon?" Si Junior habang kumakain.
"Oo. Tapos tulungan mo din akong maglaba mamaya kina Madam Unday." Sagot ko. At napasimangot naman siya kaya napailing nalang ako.Ang tinutukoy ko ay ang mayamang balikbayan na may katandaan na. Sa lahat ng mayayaman ay siya palang ang nakilala kong mabait at mapagbigay sa mga katulad kong mahihirap.
Ng matapos akong magkape ay nauna na akong naligo at nagbihis.
Pinili kong magsuot ng isang kupas na maong na pantalon at kulay itim na T-shirt. At saka tinalian ang buhok ko.
Naging mabilis din naman ang galaw ni Junior kaya naman bago pa mag-alas sais ng umaga ay naglalakad na kami papunta sa palengeke.
Medyo may kalayuan ang palengke sa bahay namin pero dahil nga sa sobrang pagtitipid ay pinipili lang naming maglakad.
Pagtingin ko kay Junior ay tahimik lang siya. At parang may iniisip na kung ano.
"Anong problema mo?" Tanong ko habang patuloy parin kami sa paglalakad.
"Ah-ah..wala ate. " nahihiyang sagot niya.
"Ano nga yon? Sabihin mo na." Pilit ko sakanya.
"Eh kasi..malapit na ang graduation namin ate. E sabi ni Ma'am na ako daw ang salutatorian. Ang sa akin lang, wala akong kasama sa graduation. Sabi din kasi ni Ma'am dapat daw e may sasama sa akin sa graduation. Naisip ko kasi yong sinabi mo noon na wag na wag kitang yayayain sa eskwelahan. At si Nanay naman hindi ko din pwedeng isama dahil araw-araw na lasing." Parang natatakot na sagot niya.
Bigla tuloy akong nakonsensya sa sinabi niya. Nasabi ko nga sakanya iyon noon. Dahil ayaw ko lang sana na pumunta sa eskwelahan nila ng minsang niyaya niya ako dahil meron daw meeting. Ang sa akin lang naman ay ayaw ko siyang madamay siya sa mga panchichismis ng iba. Lalo na't magkaiba ang Tatay namin. Iyon kasi ang laging bukambibig ng mga tsismosa na taga dito sa amin.
Ang bilis din talaga ng panahon. Ga-graduate na pala siya sa elementarya. Kahit papaano ay may konting saya naman akong nararamdaman lalo na't meron pala siyang honor. Konting saya lang dahil hindi ko alam kung mapapag-aral ko pa siya sa highschool. Sayang naman ang katalinuhan niya kung ganon.
Pero bahala na. Tyaka ko nalang iisipin kapag nandyan na.
"Ganun ba? Kailangan ba daw talagang may kasama kang magmartsa? Ako nga noon ay nagawa kong pakiusapan yung isang teacher ko noon na siya nalang ang sasama sa akin sa pagmartsa." Ako.
"E hindi na daw pwede ngayon yon ate."
"Eh di sige. Ako nalang ang pupunta." Ako at ng tignan ko siya ay parang kumikislap ang mata niya.
Kaya naman bago pa kami tuluyang magdrama ay inunahan ko na siya sa paglalakad.
Ng makarating kami sa pwesto ay agad na kaming nagtrabaho. Hindi naman ito ang first time ni Junior kaya hindi na siya kailangang sabihan dahil alam na niya ang gagawin niya.
Ako ang taga-check at taga-bilang sa mga nagsisidatingang gulay na ipapagbili namin habang si Junior naman ay tumutulong na magtinda. Kapag naman matapos ako sa gawain kong ito ay tumutulong din ako sakanila.
"Ate! Bili kana po dito sa talong naming, malalaki, masustansya, at sobrang linamnam pag naluto na. 40 pesos lang ang isang kilo ate. Pili na.." natatawa nalang ako habang naririnig ang boses ng kapatid ko.
Kung minsan ay si Junior talaga ang nakakahatak ng madaming costumer na bumibili dito sa amin.
Ng matapos kami sa palengke at ibinigay naman agad ng amo namin ang bayad sa amin ay dumiretso na kami sa bahay nila Mada'am Unday.
"Ate, baka masungit yon? My ghad! Ayaw kong ma-stress ang beauty ko sakanya ha?" maktol ng kapatid ko na tinawanan ko lang.
Ngayon palang kasi siya sasama sa akin sa bahay ni Mada'am Unday.
Para sa akin naman ay mabait siyang tao. Sobrang laki ng bahay niya pero siya at ang mga katulong lang niya ang nakatira doon dahil nasa ibang bansa daw lahat ng mga anak niya at ang asawa naman niya ay dalawang taon na daw na namatay.
Kapag naglalaba kasi ako doon ay halos binabantayan niya ako hanggang sa matapos akong maglaba hindi dahil sa strikta siya sa paraan ng paglalaba ko kundi binabantayan niya ako para lang makipag-kwentuhan sa akin. Hindi naman siya boring kausap dahil sa mga naiku-kwento niya ay nagsisilbing aral sa akin. Dati din daw kasi siyang mahirap, mahirap ang pamumuhay niya noon pero sobrang nagsumikap daw siya. Ginawa niya daw lahat para lang makatapos siya sa pag-aaral. Kaya nga minsan talaga ay natutuwa ako dahil nakaka-relate ako sa nakaraan niya. Nabanggit din niya sa akin na aliw na aliw daw siya sa akin dahil puro kasi lalaki ang mga anak niya. Nananabik daw siya sa anak na babae kaya naman halos ituring na niya akong parang tunay niyang anak kung minsan.
Sa isa at kalahating taon na naglalabada ako sakanya ay never ko pang nakitang umuwi dito ang mga anak niya. Kaya nga kung minsan ay parang gusto ko siyang tanungin pero laging hindi natutuloy dahil sa pangamba kong baka pagsabihan pa akong pakialamera.
"Wow ate! Grabe...ang laki naman ng bahay niya. Sigurado ako,maganda sa loob no? Puro mamahalin ang dekorasyon sa bahay nila. No ate??" Si Junior na bakas sa pagka-mangha ang mukha niya sa nakikita niya ngayon.
Nakapasok na kasi kami sa bakuran nila. Kilala ko na din lahat ang mga tao dito. Halos lahat sila ay nasasabayan ko maliban lang talaga sa isa na ewan ko kung anong ginagawa ko sakanya at kung pag-initan ako ay wagas.
"Jholaaaaaa! Nandito kana pala. Oh? Sino iyang kasama mo iha?" Tukoy ni Mada'am Unday sa kapatid ko.
"Kapatid ko po Mada'am. Isinama ko po para mo may makatulong ako sa paglalabada ngayon." Sagot ko.
"Ayan kana naman Jhola. Isa pa talaga at magtatampo na ako sa iyo. Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na Tita nalang ang itawag mo sa akin? Nakakaasiwa kapag tinatawag mo akong Mada'am. Pangit sa pandinig ko." Nagkukunwaring galit siya at sa tuwing ginagawa niya ang ganyan ay parang gusto kong tumawa dahil sa edad niyang 45 ay nakakasabay parin siya sa mga kabataan."at nga pala Jhola, hindi ka maglalaba ngayon at bisita ko kayo ngayon ng kapatid mo. Halina nga muna kayo sa loob at magmeryenda muna kayo dahil maya't-maya ay darating na siya." Hila niya sa amin ni Junior at ako naman ay naguguluhan sa pinagsasabi niya.
Anong bisita kami? At sinong darating?
Pagtingin ko kay Junior ay halata sa mukha niya ang saya. Tsk! Tsk! Dapat pala,pinauwi ko na siya kanina.
BINABASA MO ANG
JHOLA PERPEKTA
General FictionJhola Perpekta. Ng mabasa mo ang pangalang iyan, ano ang unang pumasok sa isip mo? Huhulaan ko, siguro, ineexpect mong prinsesa siya, nasakanya ang lahat at sobrang perpekto ng buhay niya. Pero mali ka, kung gaano ka-perpekta ng apilido niya ay ganu...