"Ma! What are you doing here?"Si Tatay ang tumayo at nilapitan ang biglang dumating na bisita.
"Ganyan na ba ngayon ang paraan ng pagsalubong sa bisita? I just came here to visit you. And oh? Hello dear Unday!" Ang weird pero halatang-halata sa aura niyang masaya siya.
"Auntie! Kamusta kana? It's been a long time! Matagal ka yatang nawala? Why don't you join us?"masaya ding nakipag-beso si Tita Unday. So? Magkakilala pala sila?
"Sige lang. Hihintayin ko na lamang kayong matapos. Sa sala na muna ako."sagot ni Lola bago kami tinalikuran. Pero bago iyon ay binigyan niya ako ng malungkot na ngiti.
Pagtingin ko kay Nanay ay ganun din ang nasa mukha niya. Gulat din siya sa ipinakitang reaksyon ng matanda.
Habang si Tatay ay sinundan niya si Lola sa sala at hindi na bumalik pa.
Nang matapos nga kaming lahat ay tahimik kaming pumunta sa sala habang si Lola ay hindi paawat sa kakatawa habang si Tatay ay parang hindi makapaniwala sa inaakto ng Nanay niya.
"Mama! What's happening to you?"si Tatay.
"Bakit? Masama na bang maging masaya? Kumusta ang manugang kong si Nena?"sabi niya sabay tingin kay Nanay na tahimik lang. "There you are Jhola! How are you apo?"dagdag niya sabay baling din sa akin.
"Mama!"biglang pasok naman ni Tito Jeson at lalo lang naguluhan ang lahat.
"A-anak...itago mo ako. Ibabalik ulit ako ni Jeson sa bilangguan."parang bata na nagtago sa likod ni Tatay si Lola.
"We need to talk."si Tito Jeson na nakatingin kay Tatay.
Sinenyasan naman ni Tatay si Nanay na kunin muna si Lola at lumapit naman agad si Nanay para alalayan si Lola kasama si Tita Unday.
Lumabas silang dalawa.
Pagtingin ko kay Lola ay yumakap siya kay Nanay at nagulat naman si Nanay.
"Apo...yakapin mo nga ako."bigla'y sabi niya sa akin.
Nang lumapit ako ay agad niya akong niyakap ng mahigpit. Ako naman ay hindi malaman ang gagawin kung yayakapin ko din ba siya pabalik o ilalayo sa katawan ko.
Ngunit nang lalo ko nang naramdaman ang yakap niya ay kusa na lamang tumulo ang mga luha ko.
Sa kabila ng lahat ng hindi niya pagtanggap sa akin bilang apo niya ay eto siya ngayon at niyayakap ako ng mahigpit na para bang mahal na mahal niya ako.
Sa huli'y niyakap ko din siya pabalik habang lumuluha na.
"Pasensya apo sa pambabastos ko saiyo at sa Nanay mo. Pasensya sa pagtataboy ko sainyo. Patawarin mo sana ang Lola mo."saad niya na halata sa boses niyang umiiyak na.
Hinagod ko naman ang likod niya.
Tumingin ako kay Jerome at ngumiti siya sa akin.
"When you're in Canada, she's the one who hired an informant para subaybayan ka doon. At minsan ay pinatawag niya ako at ipinaalam kung nasaan ka. At lingid sa kaalaman mo noon ay lagi kitang nasusundan kahit saan ka man magpunta at kilala ko din kung sinu-sino ang mga nakakasalamuha mo noon doon."bigla'y paliwanag ni Jerome na lalo lamang nagpagulo sa isipan ko. Binalingan ko si Chedler para kumpirmahin kung may alam ba siya o wala ngunit base sa reaksyon ng mukha niya'y wala siyang nalalaman.
Bakit naman yon gagawin ni Lola?
"She said, she knows about us. Dahil dati nang pinapasubaybayan ka ng Lola mo simula ng umalis kayo sa bahay niya."si Jerome ulit na tila ba nababasa niya ang kung ano mang katanungan sa isipan ko.
"Pero bakit hindi ka lumapit o hindi ka man lang nagpakita sa akin?"naguguluhang tanong ko.
Mukhang nakaramdam sila Nanay at Tita Unday kasama sila Chedler at Junior ay kinuha nila si Lola mula sa pagka-kayakap sa akin at isinama nila ito palabas ng bahay papuntang veranda kung nasaan nag-uusap sila Tatay at Tito Jeson.
"Dahil naisip kong mukhang kailangan mo ng peace of mind at alam kong galit ka pa sa akin kaya minabuti kong wag ka na lamang gambalain."sagot niya ng tuluyan na nila kaming iwang dalawa dito sa sala.
"Sinabi din ng Lola mo sa akin na sobrang nagsisisi siya sa ginawa niyang pang-aalipusta at pantataboy noon sainyo at baka wala ng pag-asa pa na mapatawad mo siya kung kaya't gusto niyang tulungang magka-ayos tayong dalawa."dagdag pa niya.
"Pero paano niya nalaman ang tungkol sa ating dalawa at sa nararamdaman ko para sayo?"tanong ko.
"Sinabi daw iyon ng pinsan mong si Gabriela sakanya."sagot naman niya at napaupo ako.
Hindi ko alam kung ano pang dapat sabihin.
"Nagsisisi ang Lola mo Jhola sa ginawa niyang masama sainyo noon kaya sana ay mapatawad mo na siya dahil sa ngayon ay iyon lang ang tanging hangad niya."umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang dalawang kamay ko paharap sakanya.
Napaluha ulit ako.
"Hindi ko alam pero simula ng nawalan ako ng balita sakanya ay hindi naman ako nagtanim ng sama ng loob laban sakanya. Siguro kahit na anong gawin ko ay hindi mai-aalis na Lola ko pa rin siya dahil Ina siya ng Ama ko."umiiyak na sagot ko sakanya at naramdaman ko ang yakap niya. "Pero bakit ganon? Parang may mali sakanya?"
"Magiging maayos ang lahat Jhola. Magtiwala ka."siya sabay hagod sa likod ko.
"Salamat at hindi ka pala naghanap ng iba. Salamat at naghintay ka. Salamat at hindi nagbago ang nararamdaman mo para sa akin."umiiyak pa rin na sabi ko sakanya.
"Sinabi ko naman sayo dati pa na espesyal ang damdamin ko para sayo. At kapag sinabi kong espesyal ay mahalaga ka sa buhay ko kaya handa ko din gawin lahat para lang sayo."sagot naman niya.
Hunarap ako sakanya at tinitigan ang mukha niyang nakatitig din sa akin.
"Sana ay makapag-hintay ka pa hanggang sa kaya ko ng makipag-commit sayo."ngiti ko habang hawak ang kamay niya.
"Oo naman. Umasa kang kahit gano pa katagal ay hihintayin kita. Hindi naman ako nagmamadali lalo na't tiwala akong sa huli ay mapapa-sa akin din kita."siya sabay pisil sa kamay ko.
May kung anong kilig at kiliti akong naramdaman sa puso ko dahil sa sinabi niya.
Mahal ko siya at iyon ay sigurado na. Ngunit ayaw kong magmadali lalo na't may kasabihang kung gaano kadaling mapa-saiyo ay ganun din kadaling siya'y mawala. Mahal naman namin ang isa't-isa kung kaya't hanggang doon lang muna habang kinikilala pa namin ng lubusan ang isa't-isa. Para kapag dumating ang panahong kami'y handa na ay magiging madali nalang para sa amin ang pakisamahan at intindihin ang bawat isa.
A/n: The next chapter will be the last chapter of this story. Sorry guys for the very slow update due to my studies :) And by the way, thank you so much sa mga nagbasa at patuloy na nagbabasa sa storyang ito. Lalong-lalo na po sa mga walang-sawang bumoboto at nagco-comment, mga nagfa-follow at nagme-message sa akin. Sobrang naa-appreciate ko po ang lahat ng yon.
Kung may mga katanungan o suhestyon po kayo, feel free to message me po!
Good night and God Bless you all!
Ps: Charcal loves you all! 😙
BINABASA MO ANG
JHOLA PERPEKTA
General FictionJhola Perpekta. Ng mabasa mo ang pangalang iyan, ano ang unang pumasok sa isip mo? Huhulaan ko, siguro, ineexpect mong prinsesa siya, nasakanya ang lahat at sobrang perpekto ng buhay niya. Pero mali ka, kung gaano ka-perpekta ng apilido niya ay ganu...