"I really can't spell you. Sometimes, galit ka ng walang dahilan then minsan naman, para kang maamong tupa. Isa kang palaisipan sa akin." Nakatitig na saad niya at ako naman ay nagulumihanan sa sinabi niya. So? Inoobserbahan pala niya ako. At saka, wow ha? Kung makapag-komento sa akin ay parang hindi naman ganon ang ugali niya. Mas masungit at barumbado pa nga siya minsan.
"Ganon lang po talaga ako Sir . Dahilan na marahil sa mga dinadala kong isipin araw-araw. Pasensya po kung mali ang pakiki-tungo ko sainyo." Paghingi ko ulit ng paumanhin.
"Hindi mo naman kailangang humingi ng sorry dahil, in fact, lahat naman tayo ay malayang ipakita ang tunay nating saloobin. Gaya ng sabi mo. Hindi ba? Apektado ang mood mo sa mga isipin mo. Normal lang yon." Siya at parang nagbabago na ang tingin ko sakanya. Yung unang impression ko sakanya na bastos at barumbado ay parang unti-unti ng nabubura dahil may magandang kalooban din pala siya. "Did you know why I choose you to come with me?" Tanong niya sa akin at umiling naman ako bilang sagot. Nagpakawala muna siya ng malalim na hininga bago nagsalita. "Because Mommy told me na, hindi kapa nakaka-layo sa lugar natin. Ang ibig niyang sabihin ay hindi kapa nakaka-pasyal sa malalayong lugar. That's why, ikaw ang isinama ko para naman makita mo ang mga iba pang magagandang lugar dito sa mundo maliban sa lugar natin." Sagot niya na hindi nakatingin sa akin.
Napa-ngiti naman ako. Iyon pala talaga ang totoong dahilan. Akala ko ay gusto lang niya akong alipinin sa islang pupuntahan namin.
"Ma-maraming salamat Sir." Nahihiyang sabi ko sakanya.
"No problem. Just stay here and relax yourself. Pupuntahan ko lang yung kasama natin. Medyo malayo pa tayo sa isla kaya libangin mo nalang muna ang sarili mo." Siya bago tumayo at iwan ako.
Ng mapag-isa ako ay ganon nga ang ginawa ko. Sinasalubong ko ng buong puso ang hanging presko na dumadampi sa akin. Ipinikit ko ang aking mga mata upang mas lalong maramdaman na nasa gitna ako ng laot dahil sa dumagdag na tunog ng alon na humahampas sa yate.
Ang sarap pala sumakay sa ganito. Mas nakaka-relax. Tunog palang ng alon ay okay na okay na ako.
Mahigit isang oras siguro kaming nasa laot bago kami makarating sa pupuntahan namin.
Lalo lang akong namangha ng sa wakas ay tumigil na ang yate na sinasakyan namin. Kung kanina ay halos bughaw lang ang nakikita ko, ngayon naman ay kombinasyon ng puti at berde ang nakikita sa paligid. Mayayabong na punong kahoy at puting buhangin. Sa di kalayuan ay nakatayo ang nag-iisang white house na tiyak akong rest house nila madam.
Kanya-kanya kaming bitbit ng mga dala namin papunta sa white house.
Ng malapit na kaming makarating ay saka naman sumalubong ang mag-asawa na sa tantya ko ay parehong nasa 45 pataas palang ang kanilang edad.
"Naku! Pasensya kana Jerome at abala kasi kami sa paghahanda sa loob ng bahay kaya hindi namin namalayan ang inyong pagdaong." Paumanhin ng lalaki.
"Ayos lang ho manong Baste. Syanga pala, itong kasama ko ay si Jhola. Kaibigan ko ho. Isinama ko siya para naman makita nya ang kagandahan nitong isla." Pagpapakilala niya sa akin at bahagya akong nagtaka sa sinabi niyang kaibigan daw niya ako kahit na ang totoo naman ay labandera lang nila ako.
"Ang gandang dilag naman nitong kasama mo iho! Siguro ay nililigawan mo siya ano?" Sabat naman ng babae sa pabirong tono. Nahiya tuloy ako bigla.
"Na-naku hi-hindi naman po. Ang totoo po niyan ay labandera lang ako ni Madam Unday at ako lang po ang nautusan na sumama kay Sir Jerome dito sa isla." Paliwanag ko sakanila.
"Tsss. Basta ngayon ay hindi ka labandera at bisita kita kaya pumasok kana muna sa kwarto mo at magpahinga ka bago kita ilibot dito sa isla." Parang naiinis na saad naman ni Sir Jerome. Nagbaba nalang ako ng tingin."manang Esme, pakihatid lang po muna siya sa isa sa mga kwarto dito." Pakisuyo niya kay Manang Esme.
Inihatid ako ni manang Esme sa isang guest room. Sa sukat nito ay parang kabuuan na ng aming bahay.
Hindi ako iniwan agad ni Manang Esme dahil tinulungan niya muna akong maiayos ang mga punda at bedsheet. Hanggang ilang araw kaya kami dito? Tsss! Hindi man lang ako sinabihan, hindi tuloy ako nakapag-dala ng extra na damit.
"Pasensya kana iha ha? Hindi naman kasi namin alam na magdadala si Jerome ng kasama kaya yung kwarto lang niya ang naayos ko. Sa tuwing pumupunta naman kasi dito yan ay hindi siya mahilig magdala ng kasama." Si Manang habang patuloy na inaayos ang mga unan.
"Okay lang po Manang. Sa katunayan po niyan ay kaya ko naman na po sanang ayusin ito ng mag-isa. Maraming salamat po." Magalang na saad ko sakanya.
"Naku! Gaya nga ng sinabi ni Jerome ay mag-relax ka dahil bisita ka niya. At ako nama'y nagagalak dahil ngayon lang ako nakakilala ng kaibigang babae ni Jerome. " napatitig lang naman ako sakanya dahil tapos ko ng iayos ang bedsheet." Oh iha, pahinga kana muna't maghahanda lang ako ng makakain nyo ha?" Siya at lumabas na.
Sasabihin ko pa sanang tutulong ako pero alam ko namang hi-hindian lang din ako kaya minabuti kong pumayag na lamang.
Kung nasabi niyang palaisipan ako sakanya ay ano nalang siya sa akin?
Ang mga inaasta niya ngayon ay malayong kakaiba sa inasta niya noong una ko siyang makita.
Lumapit ako sa may terrace at sinalubong ulit ako ng malakas na hangin na nagmumula sa tabing-dagat.
Ang sarap sigurong tumira dito lalo na kung kasama mo ang taong minamahal mo.
Ano ba naman tong iniisip ko.
Bumalik ako sa kama at saka humiga at ipinikit ang aking mga mata.
Tsk!
Nakalimutan kong hindi nga pala ako nakapag-paalam kay Junior!
Kaya naman napa-balikwas ako ng bangon at lumabas ng kwarto.
Agad kong hinanap si Sir Jerome sa buong bahay. Nagtanong na din ako kanila Manang ngunit lumabas daw ito kaya no choice ako kundi hanapin siya sa labas.
BINABASA MO ANG
JHOLA PERPEKTA
Ficción GeneralJhola Perpekta. Ng mabasa mo ang pangalang iyan, ano ang unang pumasok sa isip mo? Huhulaan ko, siguro, ineexpect mong prinsesa siya, nasakanya ang lahat at sobrang perpekto ng buhay niya. Pero mali ka, kung gaano ka-perpekta ng apilido niya ay ganu...