13

152 10 3
                                    


Naalimpungatan ako sa sunud-sunod na pagkatok sa pintuan. At madilim na pala. Nakaidlip pala ako. Dahil na din siguro sa pagod kanina.

Inayos ko muna ang sarili ko bago tumayo at tinungo ang pintuan.

"Ikaw pala. Sorry nakaidlip ako e." Saad ko ng makita kong si Sir Jerome pala ang kumakatok.

"Dinner is ready. Actually, kanina pa naka-ready. Hinihintay lang kitang magising." Siya at biglang uminit ang pisngi ko. Mabuti nalang at medyo madilim dito sa may gawi namin at hindi niya to mapapansin.

"Pw-pwede naman sanang nauna nalang kayo. Nakakahiya naman kila Manong Berting." Nahihiya talagang sabi ko sakanya.

"Kumain na sila at katunayan nyan ay tulog na sila. It's already 8 pm. C'mon, fix yourself. I'll wait for you here. Sa tabing dagat tayo kakain." Siya at tumalikod na upang maupo sa may sala.

Shit na malagkit! Bakit ba siya umaaktong ganyan? At bakit sa tabing dagat pa e may kusina naman dito sa loob ng bahay.

Sobrang nakakahiya. Hinintay pa niya talaga ako? Tsk!

Medyo giniginaw ako kaya pinili kong suotin ang black na loose pajama at V-neck na plain white shirt.

Kumuha din ako ng scarf.

Paglabas ko ng kwarto ay nandon parin nakaupo at hinihintay niya talaga ako.

Mukhang naramdaman niya ang paglabas ko kaya kusa siyang lumingon sa akin at saka naka-pamulsang tumayo.

He's wearing a stripe red and white pajama at a plain black shirt.

Tsss! Kainis. Nao-awkwardan na naman ako sa sitwasyon namin.

Nauuna siyang naglalakad sa akin palabas.

Eto na naman ang malamig na hangin.

Pagtingin ko sa harapan ay may naka-palibot na mga kandila at sa gitna niyon ay white table at dalawang white na upuan. Tama nga siya dahil may mga nakahandang pagkain na doon.

Nahihiya ako. Hindi ako sanay sa mga ganitong set-up. Nanliliit na naman ako sa sarili ko.

Kaya naman tumigil ako sa pagsunod sakanya habang sa siya ay nakarating na sa may lamesa.

"Why? Didn't you like it?" Nakataas ang isang kilay na tanong niya.

"Eh...eh bakit po ba ganito ang ayos nito? Eh pwede namang sa loob nalang tayo kumain." Nahihiya talagang sagot ko.

"Ano ka ba buy. Huling gabi na natin ngayon dito sa isla. At gusto ko sanang sulitin ang pagiging memorable ng araw na ito. Tinanggap mo ang pakikipag-kaibigan ko sayo. I just want to celebrate. Masama ba yon?"

Iba na talaga ang mga mayayaman e. Pati pala friendship ay kailang pang i-celebrate.

Kaya bago pa man siya makapag-isip na naman ng iba ay kusa na akong lumapit at umupo.

Kumain muna kami.

Kung iba lang siguro ang makakakita sa amin ngayon ay siguradong iisipin nilang nagde-date kami at sine-celebrate ang aming anniversary. Sa ganito ba namang ka-romantic na set-up? Inamin din niyang, ito daw pala ang inasikaso nila habang tulog ako kanina.

Grabe siya mag-effort. Friendship palang ito. Pano nalang kapag sa nobya nya?

Tsk! Ano na naman ba tong iniisip ko!

"Buy, sana pagbalik natin sa atin ay wala sanang magbago. What I mean was, kung ano tayo ngayon dito ay ganon din doon. Magkaibigan na tayo diba? Palagay na ang loob ko sa iyo. Alam mo bang masarap pala magkaroon ng babaeng kaibigan?" Siya ng matapos na kaming kumain.

"Seryoso buy? Wala ka pang naging kaibigan na babae??" Nagiging palagay na din talaga ang loob ko sakanya. Lalo na ang pagtawag ko sakanya ng buy ay parang normal nalang.

"Oo nga. Seryoso. Haha! Ikaw yata e. Sanay na ano? " siya.

"Aba oo no! Hindi naman kasi ako mahirap pakisamahan. Wag lang bastos talaga. Dahil ayaw ko sa mga bastos. Tyaka laking hirap ako. Hindi ako namimili ng kaibigan. Hindi ako kagaya mo na parang pili lamang ang yong mga kaibigan." Saad ko sakanya.

"Grabe ka makapag-salita a. Marunong naman akong makisama. Sadyang hindi lang ako komportable sa pakikipag-kaibigan sa mga babae. But you're an exceptional kasi iba ka sa mga babaeng nakilala ko. Hindi ka maarte na kagaya ng iba." Siya sabay kindat. Kaya naman napatawa ako at binato ko siya ng balat ng saging.

"Ulul! Wag ako buy! Sipsip kapa! Ang sabihin mo, astig ako." Biro ko sakanya.

"Siga ka. "

"....at maganda ka."

"Aba't! Hindi mo talaga ako titigilan ha!?" Ako at babatuhin ko sana ulit siya pero bigla siyang tumayo at tumakbo kaya naman hinabol ko siya.

Hanggang sa nauwi na nga sa habulan. Para na kaming mga bata.

"Hey! Let's stop. Kakantahan nalang kita buy!" Siya na sumusuko at hinihingal pa.

"Talaga? Marunong kang kumanta?" Namamanghang tanong ko.

"Wala ka yatang bilib e! Halika." Siya at bumalik kami sa mesa namin kanina.

At ngayon ko lang napansin na may gitara pala sa tabi ng upuan nya.

Kinuha nya yon at sinimulan niyang tumugtog.

Parang narinig ko na yung kantang tinutugtog niya.

Collide by: Howie Day

The dawn is breaking
A light shining through
You're barely waking
And I'm tangled up in you
Yeah

But I'm open, you're closed
Where I follow, you'll go
I worry I won't see your face
Light up again

Even the best fall down sometimes
Even the wrong words seem to rhyme
[Regular version:] Out of the doubt that fills my mind
[Acoustic version:] Out of the doubt that fills your mind
I somehow find
You and I collide

I'm quiet you know
You make a first impression
Well, I've found I'm scared to know
I'm always on your mind

Even the best fall down sometimes
Even the stars refuse to shine
Out of the back you fall in time
I somehow find
You and I collide

Don't stop here
I lost my place
I'm close behind

Even the best fall down sometimes
Even the wrong words seem to rhyme
Out of the doubt that fills your mind
You finally find
You and I collide

You finally find
You and I collide
You finally find
You and I collide

"Uhmmm. Oo nga magaling ka ngang kumanta." Medyo may palunok-lunok na saad ko.

"Haha! Kinilig ka yata e!" Biro na naman niya sa akin. At kahit pabiro lang yon ay parang napahiya ako.

"Pero alam mo? Thankful ako kasi ayos tayo. What I mean is that, we're cool to each other now. Hindi kagaya nung unang pagkikita natin. Haha!" Siya parin.

"Alam mo? Ako ang tunay na thankful kasi ano lang ba ako? Dakilang labandera nyo lang pero heto ka't pinapakisamahan mo ako ng maayos. " nahihiyang saad ko.

"Ayan kana naman. Becasue kind people deserve to be treated nicely. Mabuti kang tao Jhola at higit sa lahat ay marunong kang makisama. At saka sa susunod huwag mo masyadong maliitin sarili mo." Siya na naka-ngiti habang hawak parin ang gitara niya.

Uuwi na pala kami bukas. Magiging ganito parin kaya ang turing niya sa akin?

JHOLA PERPEKTA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon