Sobrang sakit ng ulo ko. Dahil na naman to sa kakulangan ko sa tulog kagabi dahil sobrang tagal bago ako dinalaw ng antok.
At dahil na rin sa isiping, totoo ba lahat itong nangyayari? What I mean was, between us ni Jerome?
Did I really gave him another chance?
God!
Sobrang bilis na naman ng mga pangyayari.
"Mahal na Prinsesita! Alam kong gising ka na! Bumaba ka na daw sabi ni Nanay at nang makakain ka na! Umaga na oy! Tama na ang pag-iilusyon!"narinig kong sigaw ni Junior mula sa labas ng kwarto.
Napasimangot naman ako at nag-inat at lalo ko nga lang naramdaman ang sakit ng ulo ko.
Sumunod din ako agad sakanya sa baba at nadatnan kong abala sa paghahanda ng pagkain ko si Nanay.
For sure naman na nasa opisina na ngayon si Tatay.
"Good morning anak. Kain ka na."ngiti sa akin ni Nanay.
Umupo naman ako at agad ng may plato sa harapan ko.
Sinimulan kong kumuha ng pagkain at kumain. Habang si Nanay ay umupo sa harapan ko.
Maya't-maya pa'y dumating na naman si Junior na may kasamang ngiting mapang-asar.
"Kay ganda ng umaga no Nay? Lalo na't may nag-aantay sa akin na prinsepe sa labas at dala-dala ang mga paboritong bulaklak at chocolates."pagpaparinig niya at tinaasan ko naman siya ng kilay habang puno ang bunganga ko ng pagkain kaya hindi agad ako maka-angal.
Ano na namang pinagsasabi niya. Psh!
"Mamaya mo na asarin ang ate mo. Hayaan mong tapusin niya muna ang pagkain niya."si Nanay.
"Ngunit ang prisepe'y hindi na yata makakapag-hintay."patuloy pa rin niya sa pang-aasar. Malapit ko na talaga siyang mabatukan. -____-
Inirapan ko siya at sumandok ulit ako ng kanin. Bago ko pa man naisasalin sa plato ko ang sinandok kong kanin ay narinig kong sumipol si Junior kasabay naman non ng pagbukas ng main door.
Sabay kaming napalingon ni Nanay sa may pintuan at halos gusto kong ibuga lahat ang laman ng bunganga ko.
Napalunok ko.
Hindi ko alam kung tatayo ako o itutuloy ko ang pagsalin sa kanin sa plato ko.
"Hi. Good morning Tita Nena, Jhola and Junior."bati niyang kay lapad ng kanyang mga ngiti.
"Hayyyy! I told you.''si Junior.
"Oh! Iho! Magandang umaga din naman sayo. Kumain ka na ba? Dahil kung hindi pa'y, samahan mo na dito si Jhola."yaya ni Nanay at parang gusto kong hilahin si Nanay at sabihing bawiin niya ang sinabi niya.
Dahil....grabe! Naka-pajama pa ako at gulung-gulo pa ang buhok ko!
"Tapos na po ako Tita. By the way tita, this flowers are for you po."abot ni Jerome sa mga bulaklak kay Nanay.
"Ha? Ah-eh...hehe. salamat at nag-abala ka pa anak."si Nanay na mukhang kinikilig pa.
Psh! Para pala kay Nanay.
"Pffft! Flase alarm pala. Hindi pala para sa akin ang mga bulaklak niyang dala. Hmp! Maiwan na muna kita dito kuya Jerome kasi may praktis pa kami sa school. Oh ate....wag kana mag-assume. Hindi para sayo. Haba ng hair ni Nanay! Haha!"tawa niya at agad siyang tumakbo nang akma na sana akong tatayo para sugurin siya.
"Ah..Tita, can I talk to you po?"si Jerome at ako naman ay na-curious bigla.
Ano bang binabalak ng lalaking to?
"Oo naman. Halika na muna sa sala. At ikaw naman Jhola, dalian mo na dyan at maligo ka na para naman maasikaso mo din si Jerome."last words ni Nanay bago sila dumiretso sa sala.
Seriously?!
Ni hindi man lang niya ako tinapunan ng pan-matagalang mga tingin??
May gusto yata siya sa Nanay ko??
Tapos may pasabi-sabi pa siya kagabi na I will court you again daw?.
Tch! Sira pala ulo ng lokong to eh!
Paasa na naman siguro.😑
BINABASA MO ANG
JHOLA PERPEKTA
General FictionJhola Perpekta. Ng mabasa mo ang pangalang iyan, ano ang unang pumasok sa isip mo? Huhulaan ko, siguro, ineexpect mong prinsesa siya, nasakanya ang lahat at sobrang perpekto ng buhay niya. Pero mali ka, kung gaano ka-perpekta ng apilido niya ay ganu...