Chapter 7

177 12 9
                                    

Madaling araw palang ay may kumakatok na sa pintuan namin. At pagbukas ko ng pintuan ay ang nakabusangot na mukha ni Bibay ang aking nabungaran. Kaya naman napataas din ang aking isang kilay.

"Bakit?" Tanong ko.

"Pinapatawag ka ni madam. Maglalaba ka raw. Wag kana daw munang pumasok sa palengke at madami ka daw lalabhan. Bilisan mo na dyan. Baka mamaya ipasundo kapa non kay Sir Jerome!" Asik niya sa akin sabay talikod. Hahay! Sobrang nakakainis talaga ang pagka-balahura ng bruhildang babaeng yon! Wala naman akong ginagawa sakanya. Tsk! Tsk! Mga taong may tililing nga naman.

Bumalik ako sa loob at dumiretso sa kusina para magkape muna bago umalis ng bahay. Nagsalok na din ako ng pampaligo ko at nagsaing para sa pagkain nila Nanay at Junior pagkagising nila. Mag-iiwan nalang din ako mamaya ng pera kay Junior pambili ng uulamin nila dahil wala kaming mailutong ulam.

Binilisan ko ang pagbihis ko dahil gusto ko din namang maaga makapunta kina Madam upang maaga ko ding matapos ang labada ko. At para din maiwasan na ang taong sobrang hambog na kinaiinisan ko.

Habang naglalakad patungo sa bahay nila Madam ay medyo madilim pa ang kapaligiran. At iilan palang ang naka-open na mga ilaw sa mga nadadaanan kong mga bahay.

Sobrang tahimik ng paligid at medyo malamig pa ang simoy ng hangin. Sobrang payapa ng paligid.

Sa pagmuni-muni ko sa daan ay hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa bahay nila Madam.

Dumiretso ako agad sa kusina dahil tiyak kong nandoon na si Manang Mia at siguradong naihanda na din niya ang mga lalabhan ko.

"Magandang umaga manang. "Naka-ngiting bati ko sakanya.

"Oy Jhola! Magandang umaga din sayo. Umupo ka muna at ipagtitimpla kita ng kape mo. Meron ding tinapay dito."sabi niya sa akin. Umupo naman ako. Kahit na nagkape na ako kanina ay alam kong hindi parin ako makakatanggi na naman sa alok ni manang Mia.

Habang nagkakape ay panay lang ang daldalan namin. Tinutulungan ko din siya sa paghiwa ng mga sahog sa iniluluto niya.

"Mabuti naman at maaga kang napunta. Dahil maaga talaga kayong aalis ngayon." Sabi ni manang kaya nagtaka ako. Anong pupuntahan? At kayo? Sinong kasama ko? Wag niyang sabihing si Bhibay. At paano ang mga labahan ko?

Nakalimutan kong sabihin, kasama pala namin si Bhibay dito sa kusina at panay ang irap sa akin habang nagkakape.

"Anong pupuntahan manang? E diba sabi ni Bhibay, maglalaba daw ako ngayon?" Nagtatakang tanong ko.

"Oo nga manang! Ano namang pupuntahan ang pinagsasabi mo dyan? E si madam ang nag-utos sa akin para sabihan tong babaeng to na maglalaba siya ngayon." Masungit na sabat ni bruhilda. Sarap tusukin ng kutsilyo ang bunganga niya e.

"Ay oo nga pala! Yun ang pinasabi pero ang totoo niyan, pupunta kasi si Jerome sa isla dahil na-mimiss na daw niyang mamasyal doon at kailangan niya ng kasama. Baka kasi kapag sinabi ang totoong gagawin mong samahan siya ay hindi ka pumayag kaya si Unday ang nakaisip ng ideyang paglalabahin ka kunwari pumunta ka dito." Shit! Ano kaya yon? Tyaka ano bang isla? Never pa akong nakarinig about sa isla. Isla kaya nila? Tyaka bakit ako pa?

"E bakit kailangang siya pa! Ano bang meron sa babaeng yan at laging siya nalang ang napapansin nila!" Singit na naman ni Bhibay sabay irap sa akin. King ina. Konting-konti nalang talaga siya sakin e. Sumosobra na siya.

"Anong isla po ang pinagsasabi niyo? At bakit naman kailangang ako pa manang? Gusto yata ni Bhibay eh, siya nalang. At ako na ang maglalaba." Mahinahong saad ko. Dahil una sa lahat, ayoko sa malalayong lugar. At hindi ako sanay sa mga ganoong uri ng pamamasyal.

"Islang pagmamay-ari nila. Maganda doon Jhola. Ikaw kasi ang gusto ni Unday na sumama kay Jerome para naman daw makapasyal ka sa malayo. Ano ka ba? Hindi lang naman kayo magtatagal doon. Ikaw ang pinapasama kasi kakailanganin ni Jerome ng taga-luto. At para nga talagang makapasyal ka din. Diba? Si Bhibay na ang bahala sa mga labahin dito." Pinal na saad ni manang Mia at saka kami iniwang dalawa dito ni Bhibay sa kusina.

Hindi ko talaga maintindihan. Bakit kailangang ako pa ang sasama. Madami naman silang katulong. At pwede ding driver nalang ang kasama niya. Wag nilang sabihing kami lang dalawa. Dahil talagang aayaw ako. Bahala na kung magalit sila.

"Masaya kana? At ikaw na naman! Bakit ba sobrang gaan ng loob ng matandang yon sayo! Ha! Sobra kana magpasipsip ha!" Duro sa akin ni Bhibay pero tinalikuran ko lang siya dahil nasa loob kami ng pamamahay ni Madam Unday. Nakakahiya din kung magsisigawan kami dito.

Kaya ang ginawa ko ay lumabas ako sa may dirty kitchen upang hugasan ang mga nagamit na kitchen utensils.

Pero sinundan parin niya ako at patuloy siyang salita ng salita.

"Una sa lahat, hindi ko gustong sumama sa isla na sinasabi nila, narinig mo naman diba? Umayaw ako. Kung gusto mo, ikaw nalang ang sumama. At ano bang problema mo sa akin ha? Ano bang ginawa ko sayo at lagi mo nalang akong binabara?" Hinarap ko siya at natahimik siya. Punung puno na kasi ako sa lagi niyang pagsusungit sa akin kahit na wala naman akong ginagawang masama sakanya.

Pinandilatan lang niya ako ng mata at tyaka ako tinalikuran. Napapailing nalang akong pinagpatuloy ang paghuhugas.

Natigilan ako ng may marinig ako pumalakpak sa likuran ko at pagtingin ko ay si Jerome na naka-damit pantulog pa at simpatiko ang ngiting nakatingin sa akin.

Agad ko din siyang tinalikuran at pinagpatuloy muli ang ginagawa ko.

"Bakit ba sobrang sungit mo?" Tanong niya sa akin pero hindi ko siya sinagot.

"And at the same time napaka-pasensyosa mong tao?" Siya ulit pero hindi ko parin sinasagot.

Ano din bang problema niya at ako na naman ang pinagti-tripan niya?

Ng matapos ko ang gngwa ko ay ipapasok ko na sana sa loob pero hinaharang niya ang daanan ko.

"Ano ba? Iaayos ko na tong mga to."inis na sabi ko sakanya.

"Lalo kang gumagwapa kapag nagsusungit ka." Banat na naman niya.

Umiinit ang pisngi ko sa hindi ko malamang dahilan. Pero naiinis talaga ako sakanya.


"Paraanin mo ako! Pwede ba? " pakiusap ko ulit. Pero tinititigan lang ako.

Nakipagtitigan din ako dahil sa inis ko sakanya. Pero habang tumatagal ang titigan namin ay parang napapaso ang mga mata ko. Hindi mo mawari ang sinasabi ng kanyang mga mata. Malalamlam na tsinito ang kanyang mga mata. Para bang may halong pang- inis at ngumingiti ang mga titig niya.

Kaya naman ako din ang unang nag-iwas ng tingin. Dahil hindi ko kayang labanan ang mga titig niya.

JHOLA PERPEKTA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon