"Nakuuuu! Miss na miss na kita Jhola. Nahihiya naman akong ipa-sundo ka nalang kasi basta dahil baka kako busy ka na dahil may trabaho ka . Pero ngayon ay pinilit ko talaga itong si Jerome na isama kayong dalawa ng kapatid mo dito ngayon gabi dahil sa darating na sabado ay aalis na si Jerome." Yakap sa akin ni tita Unday.
"Ako nga po ang dapat mahiya dahil hindi na po ako nakakadalaw sainyo."nahihiyang saad ko sakanya.
"Humble ka pa rin talaga iha. O siya, kumain na tayo at na-miss ko talaga kayong kasalo ng kapatid mo. At ang inay niyo naman, sabi ng kumare ko ay ubod daw ito ng sipag. Talagang nagbabagong-buhay na siya for good."masayang balita niya sa amin at mas lalo akong nasiyahan dahil sa narinig kong pagbabago ng aking Nanay.
Puro good news ang mga sinambit ni tita at talaga namang naka-aaliw makinig.
Kasalo namin lahat. Pati mga katulong at mga driver kaya, talaga namang napaka-saya ko ngayong gabing ito.
Si tita Unday sa kabisera habang magkatabi kami ni Jerome sa may kanan ni Tita at kaharap naman namin sila Manang Mia, Junior at iba pa.
Hindi ko na lamang tinatapunan ng tingin si Bibay dahil ayaw kong masira ang gabing ito ng dahil lang sakanya.
Pagkatapos kumain ay niyaya ni tita si Junior sa taas dahil may pag-uusapan raw sila tungkol sa ibibigay na scholarship niya.
Ako nama'y tutulong muna sana sa paghuhugas ng yayain ako ni Jerome sa veranda dahil may importante daw siyang sasabihin sa akin.
"Buy, I-I really don't know how to say this. Tsk!" Siya agad ang nagsalita habang ako naman ay hindi ko na magawang umupo dahil naguguluhan ako sa reaction niya.
"Ano bang nangyayari sa iyo buy? Natatae ka ba? Ayos lang naman ako dito. Sige na ilabas mo na muna iyan." Sabi ko at inirapan naman niya ako. Eh? Yung totoo,anong nangyayari sakanya?
"Can you...can you please wait for me until I get back here?"parang natutuliro pa rin na saad niya.
"Ank ba buy! Ayos nga lang ako. Hihintayin kita promose. Sige na tumae ka na muna." Taboy ko sakanya dahil iyong itsura niya ay parang taeng-tae na.
"Shit Jhola! I'm not joking here! I said, hinatyin mo ang pagbabalik ko. Dahil gusto ko,pagbalik ko ay formal na kitang liligawan! Basta hintayin mo ang pagbabalik ko." Sigaw niya sa akin out of frustration.
Ako naman ay parang na-bingi ang magkabilaang tainga ko at parang tumigil bigla ang mundo ko. Pero hindi naman talaga ako bingi diba? Tama naman ang narinig ko. Pero bakit pabigla-bigla siya? At seryoso ba siya sa sinabi niya? King ina! Pwede na yata akong mamatay kahit ngayon na.
Ang tagal kong kinontra ang sarili ko. Na kahit na alam kong may pagtingin na ako sakanya ay pilit ko iyong iwinawaksi at binabalewala at pinapaniwala ko ang sarili kong kailanman ay hindi niya ako magugustuhan sa ka-dahilanang langit siya at lupa ako. Amo siya at ako'y tauhan lamang nila.
Tapos ngayon, maririnig ko mula sakanya na sa pagbabalik niya ay gusto niya akong ligawan ng pormal? Ano ang ibig niyang sabihin?
Tsk! Sana slow nalang ako habang buhay dahil hindi ko talaga kinakaya itong nangyayari ngayon sa pagitan naming dalawa.
"Hey! Jhola! Did you hear me?"paanas na tapik niya ng bahagya sa pisngi ko na dahilan ng pagka-titig ko sa mukha niya
"Ha-hah!? Pu-pwede bang umuwi na kami dahil gabi na?"hindi ko alam kung bakit iyan ang lumabas sa bunganga ko.
Laking pasalamat ko ng tumango siya pero hindi naka-ligtas sa akin ang pagka-dismaya ng itsura niya.
At alam kong ayaw niya akong kulitin kaya wala salita't inihatid nga niya kami ni Junior sa bahay.
Wala din imikan hanggang sa makarating kami sa bahay.
Nabigla ako.
Sobrang nabigla ako sa sinabi niya.
Pero walang katumbas na saya.
Gusto ko siya
At siya'y ganon din pala sa akin.
------------------------------------
Kinabukasan.....Handa na akong umalis at nakapag-paalam na rin ako kay Junior ng paglabas ko sa pintuan ay nakita kong nasa harapan ng bahay namin si Jerome na prenteng naka-sandal sa kaniyang black na vios.
Tinaasan ko siya ng isang kilay at ako'y kinindatan niya kaya naman parang gusto ko tuloy tumakbo pabalik sa aming bahay.
King ina ng lalaking to!
"Hatid na kita?" Sabi niya sabay bukas pa nv pintuan ng sasakyan.
Hindi naman ako umimik dahil gusto ko ng makaalis kami agad sa lugar namin dahil pinagpipyestahan na naman kami ng mga dakilang tsismosa sa aming barangay.
Hindi na naman ako nakatulog ng maayos kagabi kagaya ng gabing naki-tulog siya sa amin.
Ngunit nag-isip talaga akong mabuti kagabi tungkol sa nangyari. At sana ay tama lang ito at wala akong pagsisihan sa huli.
"Buy, hihintayin kita."matapos kong magbuga ng malalim na hininga ay sa wakas nasambit ko na.
Itinigil naman niya bigla ang pagmamaneho niya at mataman niya akong tinitigan na parang hindi maka-paniwala.
"Talaga?" Pangu-ngumpirmang tanong niya
Ngumiti naman akong tumango.
At nagulat ako sa sunod na ginawa niya dahil niyakap niya ako. Nanlaki ng bahagya ang mga mata.
Ng bahagya niya akong inihiwalay mula sa pagkakayakap niya sa akin ay lalo lang akong nagulat sa sunod pang ginawa niya....
Naramdaman kong kinilabutan ang buong katawan ko at parang nanigas ang buong sistema ko dahil sa paglapat ng malambot na labi siya sa labi ko.
Sa ginawa niyang iyon ay napa-pikit ako at naramdaman ko ulit na dumampi ang labi niya sa noo ko.
"I'm not sorry for what I did Jhola. Because God knows, kung gaano katagal ko ng gustong gawin ito sa tuwing nakakasama kita." Halos pabulong na sambit niya at naramdaman ko nalang ang sobrang pag-init ng magkabilang pisngi ko.
Ganito talaga ka-lakas ang dating niya sa akin simula palang ng una kaming nagkita.
"Please wait for me. We'll gonna put things better sa pagbabalik ko." Muling saad niya at tumango naman ako.
Literal na wala akong masabi sa ginawa niya at sa pasabog na nararamdaman ko sa mga oras na ito.
Alam din ng Diyos ang totoong nararamdaman ko sakanya. Na hindi ko siya hihintayin dahil lang sa mga magagandang katangian at magagandang nagawa niya para sa akin kundi dahil sa meron talaga akong pag-ibig sakanya.
BINABASA MO ANG
JHOLA PERPEKTA
General FictionJhola Perpekta. Ng mabasa mo ang pangalang iyan, ano ang unang pumasok sa isip mo? Huhulaan ko, siguro, ineexpect mong prinsesa siya, nasakanya ang lahat at sobrang perpekto ng buhay niya. Pero mali ka, kung gaano ka-perpekta ng apilido niya ay ganu...