Sinamantala kong umakyat muna sa kwarto ko para makaligo at makapag-ayos sa sarili ko habang abala pa rin sa pag-uusap sila Nanay at Jerome sa sala.
Hindi naman na ako nag-abalang makinig pa sa kung ano mang pinag-uusapan nila dahil bahala sila kung ano man yon. For sure ay malalaman ko lang din yon kay Nanay.
Nang matapos ako sa pagligo ay heto na naman ako sa palaging problema ko noon nang nasa isla kaming dalawa.
Remiscing those days kung paano kaming naging malapit sa isa't-isa ay napapangiti talaga ako ng wala sa oras .
Blessing in disguise para sa akin ang islang yon na pag-aari niya. Dahil sa islang yon ay doon ko siya unang nakilala. Ang totoong siya. At marami pang alaala na nangyari at saksi ang islang yon.
Problema ko kung ano na namang isu-suot ko para magmukhang presentable sa paningin niya.
Pinili ko ang short tyaka gray n plain longsleeve at kasalukuyang sinusuklay ko na ang buhok ko ng marinig kong kumakatok si Nanay.
Pinagbuksan ko naman agad at sinalubong ako ng nakaka-lokong ngiti niya kaya naman napataas ang isang kilay ko bigla at na-curious sa aura niya.
"Bakit niyo iniwan si Jerome sa baba Nay? Patapos na rin ako dito."saad ko habang curious pa rin akong nakatingin sakanya at siya naman ay hindi matanggal-tanggal ang ngiti niya.
"Umalis na siya anak dahil may kailangan pa siyang kausapin. Babalik din naman yon agad dahil sinabi kong ipaghahanda ko siya ng masarap na tanghalian."si Nanay at tuluyan ng nakapasok sa kwarto ko.
Dumiretso siya sa kama ko at doon umupo sa gilid nito.
"Napaka-kisig na bata si Jerome no anak?"maya't-maya'y tanong niya sa akin ngunit hindi sa akin nakatingin kundi sa may bintana ko na para bang may napakaganda siyang nakikita don dahil ganon pa rin kaganda ang mga ngiti niya.
"O-oo naman."pag-amin ko at ewan ko ba kung bakit pa ako nautal.
Napabaling siya sakin at ayun na naman ang nakaka-lokong ngiti ni Nanay.
"Anak, mahal mo?"kulang nalang ay gusto kong ibuga lahat ng hininga ko.
"A-ano po nay?"pagka-klaro ko.
"Anak, wala namang masama kung nagmamahal ka dahil nasa wastong edad kana. Kaya pala ako kinausap ni Jerome kanina ay para pormal na magpaalam sa amin ng Tatay mo na ligawan ka. Dahil hindi niya nadatnan dito ang Tatay mo, inutusan kong sadyain na lamang niya ito sa opisina niya nang sa pagbalik niya ay salu-salo tayong lahat mamaya sa tanghalian."prangkang paliwanag ni Nanay.
As in WOW!?
Seryoso!?
Ganun siya ka-determinado ngayon na ligawan ko?
Dati ay ayaw niyang may makaalam anv tungkol sa aming dalawa.
Tapos ngayon? Parang namamanhikan na ang peg niya!?
Jesus!
Maloloka na yata ako sa sobrang kilig ba nadadarama ko!
"Anak?"untag sakin ni Nanay dahil pagkatapos ng sinabi niya ay sa totoo lang, hindi ko na alam ang dapat pang sabihin.
Ano pa nga ba ang dapat kong sabihin o isagot sa sinabi niya?
"Po?"
"Klaro ngang mahal mo. Magpalit ka ng bestida o pantalon anak. Mas maganda pa rin na pormal kang humarap sakanya mamaya. Hindi yang ganyan na kita ang mga hita mo. O sige na at mauuna na ako sa baba dahil maghahanda pa ako para sa tanghalian."si Nanay at dumiretso na nga palabas ng kwarto ko.
Pagka-sara niya ng pintuan ay hindi ako magkanda-ugaga sa paghanap sa cellphone ko upang tawagan si Jerome.
No.....no!
I will not call him.
Maybe...si Chedler.
Hindi talaga ako makahinga sa nangyayari.
Parang makumbinsi ng sarili ko kung totoo ba ito o hindi.
Nang mahawakan ko ang cellphone ko ay saktong may new number na tumatawag.
Dahil na din sa kaguluhan ng utak ko ay bigla ko na lamang iyon sinagot.
"Sino sila please?'' Halata ang pagka-irita sa boses ko.
"Deaaaaar! Oh god! I missed you! Oh ano? For sure sobrang hava na ng hairlalu mo!"kahit pala di ko na tinanong ay si Chedler pala.
Tinapunan ko ulit ng tingin ang screen ng phone ko at numero ito sa Pilipinas. Meaning!?.....
"Hoy!!! Nandito ka??? Kailan pa??? At bakit hindi ka nagsabi?? And...."
"Hoy bakla! For your information! Kahapon lang. Excited din akong tawagan ka pagkadating ko kaso nga lang ay nakiusap si poging brotha na wag muna kita kakausapin dahil may gagawin pa daw siya. So? Pinagbigyan ko naman. And about me....yeah I already told him about my real gender! Chos! Sinabi ko ng bakla ako kaya no more pretending! Oh diba? See you later! Mwah! I have to go!"
"Waiiiiiit!!!...."pigil ko dahil may sasabihin pa sana ako pero......
Toooot.toooot. -____-kainis kang bakla ka talaga! Gggggrrrrrr! -.-
BINABASA MO ANG
JHOLA PERPEKTA
Ficción GeneralJhola Perpekta. Ng mabasa mo ang pangalang iyan, ano ang unang pumasok sa isip mo? Huhulaan ko, siguro, ineexpect mong prinsesa siya, nasakanya ang lahat at sobrang perpekto ng buhay niya. Pero mali ka, kung gaano ka-perpekta ng apilido niya ay ganu...