Alas dyes palang ng umaga ay nakarating na ako dito sa pamamahay ng mga Bretes.
Hindi pa gising si Jerome at Chararat habang kami ni Chedler ay nandito sa pool at nagbababad.
Kanina pa inuutus-utusan ni Chedler at kanina pa siya naiinis sa amin. Hahaha!
"Tch! Buti at sinabi mong maldita ang bruhang yan! Ampanget niya ha? Tapos ginaganon ka? Gusto mong patalsikin ko yan?"naiinis na saad ni Chedler.
"Wag na. Hayaan mo na nga lang siya."sagot ko dahil palapit na naman si Bibay na may dala-dalang tray ng pagkain para sa aming dalawa.
"Bibay, say sorry to Jhola for all the bad things you've done to her!"si Chedler sa pagalit na tono at lalaking-lalaki na boses niya.
Kaya naman pinandilatan ko siya ng mata pero parang wala lang sakanya habang si Bibay ay parang nagulat dahil sa pinapagawa sakanya.
"So-sorry Jhola."halata ang sama ng loob sa boses niya.
"Wait for me here, I will just get your 1 month salary then you may now go home and don't bother to come back anymore. I will not tolerate a person like you."galit na talaga si Chedler at umahon nga at pumasok sa loob.
Pagtingin ko kay Bibay ay parang maiiyak na. Kaya naman naaawa tuloy ako sakanya.
"Pakiusap Jhola. Alam mong mahirap lang ako at kailangan ng Nanay ko ang pambili ng maintenance niya sa highblood. Kung pauuwiin na ako ay wala na akong mapapasukang ibang trabaho."humihikbi ng pakiusap niya sa akin. Marunong pala siyang makiusap at umiyak? Pero naaawa talaga ako sakanya."a-ako ang may kasalanan lahat ng nangyari sainyo ni Sir Jerome. Bago kasi siya umalis non ay ipinagbilin ka niya sa akin na manmanan ang bawat galaw mo at tignan kung sinong mga nakakasama mo. "Pagpapatuloy niya at doon niya ako nasapol ng sobra.
Tama nga ang hinala ko na may kinalaman siya sa nangyari.
"Tapos?"pasensyosang tanong ko ngunit hindi ko kayang itago ang sama ng loob ko.
"Gu-gumawa-gawa ako ng kwento. Sinabi ko sakanyang may mga nakakasama kang lalaki palagi at....at kung saan-saan ka pumupunta. So-sorry Jhola. Dala ng inggit at galit ko lahat ng yon noon. So-sorry...pa-paki-..."
Paaaaaaaaaaaaaaak!!!!!!
Paaaaaaaaaaaaaaak!!!!!
Sa sobrang galit ko sa narinig ko ay ngayon lang ako nakasampal ng kapwa ko.
Nag-unahang tumulo ang mga luha ko. Ano bang ginawa ko sakanya para gawin niya sakin yon? Ni hindi ko pinapatulan ang mga pinapakita niya sa akin dati tapos nagawa pa rin niya akong siraan? Sa taong minahal ko pa?
"So, I guess you need to go home now. Kunin mo na tong sahod mo at kunin mo na rin lahat ng mga gamit mo."si Chedler na kanina pa pala nanunuod sa amin.
"Wag...wag mo siyang papaalisin pakiusap Chedler. Kailangan niya ng trabaho. Excuse me, magbibihis lang ako."saad ko at pigil na pigil sa mga luhang nagbabadya pang lumabas.
Naglakad ako ng mabilis para lang matungo ang guest room na binigay sa akin.
Pagkapasok na pagkapasok ko ay para akong naupos na kandila na biglang napaupo sa sahig na tahimik na umiiyak.
Kaya ba ganun nalang ang galit niya sa akin? Ano na ang nasa isip niya? Na niloko ko siya dahil malandi ako?
Grabe! T____T
Pero kung talagang minahal niya sana ako ay kinumpirma muna niya sa akin at alam niyang hindi ako malandi pero naniwala pa rin siya sa iba. Dahil wala siyang tiwala sa akin?
T______T.Nakatatlong katok na si Chedler kaya naman inayos ko ang sarili ko bago lumabas ng kwarto.
Nagbihis na din ako at lahat-lahat.
Pero pagkalabas ko ay nagyayakapang Chararat at Jerome ang bumungad sa akin.
Pareho silang nagulat kaya naman biglang humiwalay si Jerome sakanilang yakapan sa hindi ko alam na dahilan.
Masakit sila sa mata kaya naman ng alalayan na ako ni Chedler ay kumapit ako sa braso niya.
"Just don't mind them"bulong niya sa akin at napatango naman ako.
Habang nasa hapag-kainan ay sinikap ko talagang wag silang pansinin.
"Want this babe? Say ahhhh"dinig kong landi ni Chararat kaya naman napasulyap ako sakanila.
Isinubo naman ni Jerome.
Kaya naman nagbaba nalang ulit ako ng tingin.
"Gusto mo pa ng kanin?"tanong ni Chedler.
"Oo."tipid na saad ko.
"Here."si Jerome ang nag-abot.
Kaya naman nagdalawang-isip ako.
"Bro, ako na. Tutal, nililigawan ko naman na siya. Gusto ko siyang pagsilbihan."si Chedler.
Gusto ko sanang matawa dahil sa reaction ni Jerome.
Parang nakakita ng multo na ewan.
"Excuse me."si Jerome at tumayo na.
Kaya naman napatingin ako kay Chedler at kinindatan lang niya ako.
Gaya nga ng bilin niya, sakyan ko nalang daw lahat ng gagawin niya at ito nga ang ginagawa ko ngayon.
Pagtingin ko naman kay Chararat ay parang gusto na akong kainin ng buhay pero binalewala ko lang siya.
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam sa akin si Chedler na iiwan lang daw muna ako sandali dahil may kukunin daw siyang padala sa bayan. Niyaya niya ako ngunit nagpa-iwan ako dahil wala ako sa mood lumabas.
Kaya ang ginawa ko ay tumambay sa veranda at biglang sumulpot si Bibay na may dalang meryenda.
"Jhola, salamat pala kanina at sorry ulit sa mga nagawa ko sayo. Promise, totoo to. Hindi na ako galit sayo. Nahihiya nalang sa mga ginawa ko sayo."nakayukong sabi niya.
Huminga naman ako ng malalim bago siya sinagot.
"Wala na yon. Naiintindihan kita. At hindi mo naman ako kailangang pagsilbihan ng pagsilbihan Bibay. Ayos na talaga sakin yon. Wag ka ng mag-alala. Pero hindi ako hihingi ng tawag sa pagsampal ko sayo kanina."sincere na sabi ko.
"Naiintindihan ko at bagay lang ang sampal na yon sa akin para magising ako."sinsero ding sagot niya bago siya umalis.
Gaya nga ng sabi ko kanina. Kahit na kung ano pa sana ang sinabi ni Bibay kung talagang mahal niya ako at may tiwala siya sa akin ay hindi dapat siya naniwala at hindi niya dapat ako hinusgahan.
BINABASA MO ANG
JHOLA PERPEKTA
General FictionJhola Perpekta. Ng mabasa mo ang pangalang iyan, ano ang unang pumasok sa isip mo? Huhulaan ko, siguro, ineexpect mong prinsesa siya, nasakanya ang lahat at sobrang perpekto ng buhay niya. Pero mali ka, kung gaano ka-perpekta ng apilido niya ay ganu...