43

108 6 1
                                    

"Hey bitch! "Nagulat ako sa biglang nagsalita sa harapan ko dahil nakapikit ako.

Pagtingin ko ay si Chararat pala na masamang-masama ang tingin ko sakanya.

Anong problema ng babaeng to?

"I'm talking to you! What are you doing here!? Trying to seduce my boyfriend? Huh!?"tulak niya sa dibdib ko kaya naman nainis ako.

"Anong problema mo at anong pinagsasabi mo?" Inis na sigaw ko.

"Painosente ba? Hindi mo kasi bagay eh. Hindi pa ba sinabi sayo ni Jerome na malandi ka? Kasi iyon ang sabi niya sa akin eh. Na malandi ka!!"bulyaw niya sa mismong mukha ko kaya naman hindi ako nakapag-timpi at nasampal ko siya.

Pero ako ang nagulat dahil may biglang humablot sa braso ko at pagharap ko sakanya ay...

Paaaaaaaaaaak!

Binigyan niya agad ako ng nakakabinging sampal.

"Wala kang karapatang saktan si Charati lalo pa't nandito ka sa pamamahay ko. Kung hindi mo alam makibagay ay malaya kang makakaalis dito."malamig na saad sa akin ni Jerome.

Sobrang init ng mga luhang lumalabas sa mata ko.

Isang sampal na hindi ko dapat natanggap lalo pa't mula sakanya.

Masyado na yatang masakit eh.

"Pa-Pasensya ka na. Si-Siguro nga, mas magandang umalis na ako dito para wala ng gulo."hindi ko alam kung saan pa ako kumuha ng lakas ng loob para magsalita sa harapan nila.

Basta pagkatapos kong masabi ang lahat ng yon ay iniwan ko sila.

Kasalukuyan na akong nag-eempake ng gamit ko ngunit wala pa rin si Chedler. Kaya naman wala na akong choice kundi umalis nalang kahit wala pa siya. Ite-txt or tatawagan ko nalang siya mamaya.

Hilam pa rin ang mukha ko sa luha ng pababa na ako ng hagdan papuntang pintuan palabas ng makita kong nakaupo sila Chararat at Jerome sa sala na nanunuod na para bang wala silang nakikita.

"Hey! Where are you going?"si Chedler na papasok palang ng bahay.

Pero hindi na ako nagsalita kundi dumiretso na ako palabas ng bahay nila.

Can't speak no more. Sobrang bigat at sakit na ng mga dinadala ko.

Hinabol pa niya ako ngunit nakiusap akong pabayaan nalang akong umalis at mukhang naintindihan naman niya ako at ipinahatid pa sa driver nila.

Habang nasa daan ay hindi matigil-tigil ang aking pag-iyak.

Siguro nga ay hindi na niya taga ako gusto at mahal kaya ultimo pagsampal ay nagawa na niya sa akin.

Pero ang sakit lang.

Sobrang sakit pa sa masakit ang aking naramdaman.

Gusto ko nalang magpaka-layo at magbagong-buhay at kalimutan siya.

Kalimutan lahat ng sakit na dinanas ko sakanya.

3 months later......


Matagal na panahon na din simula ng sabihin lahat sa akin ni  Kuya Chedler.

Flashbacks:

"What happened!? Bakit umiiyak si Jhola!?"galit na tanong ni Chedler pagkaalis ni Jhola dahil ipinahatid niya sa driver.

Hindi ako umimik at itinuon lang ang pansin ko sa T.V

"I'm talking to you Jerome! What did you do to her!?"sigaw niya ulit at pinatay ang T.V

JHOLA PERPEKTA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon