Chapter 8

165 9 5
                                    

Hay nako! Ano na naman ba kasing sumapi sa akin at nagpapilit akong sumama sa taong kasama ko ngayon.

Habang nagmamaneho siya ay tahimik lang kaming dalawa mula kanina pa. Ang gusto ko sana ay sa backseat nalang ako umupo ngunit kung anu-ano na namang pamba-blackmail ang sinasabi niya kaya napilitan na naman akong umupo sa tabi niya.

Madami kaming dala. Mga basket na naglalaman ng puro pagkain. Mga fishing rod niya, lambat at kung anu-ano pang gamit pan-dagat.

Wala talaga akong kaideya-deya sa pupuntahan namin. Ang sabi lang ni manang ay pupunta kami sa isla na pagmamay-ari nila madam at wag daw ako mag-alala dahil may kasama daw kaming dalawa doon na mag-asawang taga-bantay sa rest house nila.

"Uhmn!" Si SIR Jerome.


Hindi lang naman ako kumibo. Nabo-boring na ako sa kanina pang paulit-ulit na madaming puno na dinadaanan namin.

"Anong trabaho ng mga magulang mo?" Pabigla-biglang tanong niya.


"Iniwan ako ng Tatay ko nung maliit pa ako. At ang Nanay ko naman ay dakilang lasengga." Matapat at walang gana kong sagot sakanya.

Hindi man ako nakaharap sakanya ngayon ay alam kong napatingin siya sa akin dahil sa sagot ko.

"Hindi ka man lang ba nahihiya? What I mean is..nevermind." bawi niya sa sinabi niya.

Kaya napatingin ako sakanya at tutok na tutok na siya sa daan.

"Ma-walang galang lang Sir. Bakit naman po ako mahihiya ay iyon naman po talaga ang totoo." Saad ko sakanya at nainis lang ako dahil blanko na naman ang ekspresyon niya.

Para siyang tanga.

Nakakabanas ang pagmumukha niya.

Kapag kasama ko siya. Para akong nanliliit sa sarili ko. Lalo na kapag ganitong tinatanong niya ako tapos kapag sasagutin mo ay parang wala lang halaga sakanya ang sagot mo.

Matapos sa maikling konbersasyon namin kanina ay wala na ulit nagsalita hanggang sa nakarating kami sa daungan na sa tingin ko ay pribado dahil mangilan-ngilan lamang ang mga bangka at yate na naka-stambay.

"Bumaba kana at ibaba mo na rin ang mga dala natin sa likod. Maghintay ka dito at magtatawag lang ako ng mga magbubuhat ng mga yan papunta sa yate." Utos niya sa akin bago siya bumaba.

E ano pa nga bang magagawa ko e di sundin lang ang utos niya.

Ginawa ko nga ang sinabi niya at hindi ko alam kung ilang minuto o oras ba ako naghintay ng pagbabalik niya.

Gaya nga ng sinabi niya kanina ay madami siyang kasama at sila nga ang nagbuhat ng mga dala namin papunta sa yate.

Ng makarating na kami sa harap ng mismong yate na pinaglagyan nila ng mga dala namin at tiyak akong ito ang sasakyan namin ay parang naipako naman ang mga paa ko.

Dahil king ina! Sa buong buhay ko ay kinakatakutan kong sumakay sa bangka dahil nag-aalala akong baka malunod ako kapag lumubog ito. Kahit pa yate takot din ako dahil pwede din naman itong tumaob.

Ng sasakay na sana si Sir Jerome at naramdaman niya sigurong hindi ako nakasunod sakanya nilingon niya ako.

"Oh? Ano pang ginagawa mo dyan?" Nakataas ang isang kilay niya at parang naiinis sa akin.

"E...kasi...E..kayo nalang po Sir. Tutal naman po ay naihatid ko na kayo dito aa daungan at sabi naman po ni Manang Mia kanina na may madadatnan kayo doong mag-asawa na nagbabantay sa rest house nyo." Rason ko.

Nagulat ako ng bumalik siya at hinila pasakay sa yate.

Buong pwersa ko ding hinila ang kamay ko sakanya saka umupo.

"Ano ba? Gagabihin tayo kung mag-iinarte kapa dyan! Kaya kita isinama ay para may kasama si Manang Trining doon na mag-aasikaso sa mga dala natin!" Bulyaw niya sa akin kaya naman nainis ako. Kanina pa to e. Namumuro na sa akin!


"E kasi SIR! Takot ako sumakay sa kahit na anong sasakyan pan-dagat! Ang dami nyo kasing katulong ay bakit ako pa ang napag-tripan mong isama dyan sa lakad mo!!" Sigaw ko din sakanya.


"Hahahahahahahahahahahahahahahahaha!" Ako naman ang napataas ang isang kilay dahil sa naging reaksyon niya. Ano bang nakakatawa sa sinabi ko? " seriously?! Takot ka? Sa tapang mong yan ay may kinakatakutan kapa pala? Hahahahahahahaha!" Hinihingal na saad niya sa akin.

Ako naman ay nanatili lang na walang reaksyon sa inaasta niya.

Nakaramdam siguro siyang hindi ako natatawa sa ginagawa niya kaya naman kusa din siyang tumigil sa pagtawa niya.

"Oh c'mon girl! Tsk!" Siya ay naramdaman ko nalang na naka-angat na ako at nakadikit na ang dibdib ko sa balikat niya!


"Ano baaaaa! Hindi ako sasama! Takot ako!!! Nagmamakaawa ako sayo!!! Mamamatay ako dito!!!" Pagpupumiglas ko habang pinapalo ang likod niya.

Hanggang sa naramdaman kong ibinaba na niya ako. Tumayo ako ngunit natumba lang ulit dahil pakiramdam ko ay parang gumagalaw ang buong paligid!

Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko dahil para talaga akong nahihilo! Ayoko ng ganito!



"Huminga ka ng malalim at ikalma mo lang ang sarili mo. Promise kaba mo lang yan. Let out a deep sigh. C'mon do it!" Kapit ni Sir Jerome sa braso ko habang inaalalayan akong tumayo.

Paulit-ulit ko ngang ginawa ang sinabi niya hanggang sa naikalma ko nga ang sarili ko at unti-unti kong idinilat ang mga mata ko



"Ngayon naman, maglakad tayo papunta sa deck. Kapit ka lang sa akin at kalma lang ulit." Instruct na naman niya sa akin at sinunod ko ulit siya.

Kainis. Bumi-breezy na yata ang kumag na to. Nyeta naman oh! Kung bakit ba naman kasi takot ako sa mga ganito!


Narating namin ang deck at sinalubong kami ng sobrang sarap at lakas na hangin. Sobra din naginhawaan ang aking pakiramdam.

Kusa akong bumitaw sakanya at nagdahan-dahan akong naglakad patungo sa may upuan. At ng makaupo ako ay paulit-ulit akong huminga ng malalim habang iginagala ko ang paningin sa halos kulay asul na paligid na nakaka-relax pagmasdan.

Ng tumingin ako sakanya ay nakaramdam ako ng hiya. Dahil talaga namang kahiya-hiya ang sitwasyon kanina. Lalo na't binuhat pa niya ako. Kaya naman nagbaba ako ng tingin.


"Pa-pasensya ka-kana po kanina sa i-inasta ko Sir. Fi-First time ko po kasi talagang sumakay sa ganito." Nahihiyang paghingi ko ng paumanhin sakanya.

Ng wala akong marinig na response mula sakanya at saka lang ako nag-angat ng tingin.


At malalaman ko lang na naka-titig pala siya sa akin. >3<

JHOLA PERPEKTA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon