15

136 8 2
                                    


A/n:This chapter is dedicated to erese03 thanks for the friendly approach bii!☺ enjoy reading!.

Ang bilis ng araw at nakalipas na naman ang isang linggo.

Ngayon ang alis ni Inay papuntang hacienda sa kabilang bayan at ako naman ay sasamahan ni Jerome sa kompanyang aking papasukan.

"Inay! Nandito na po si Mang Fernan! Ihahatid na daw po kayo sa hacienda!" Sigaw ni Junior sa sala dahil tinutulungan ko si Inay na mag-ayos sa mga dadalhing gamit niya.

"Oh, Jhola ikaw na ang bahala dito sa bahay at kapatid mo. Uuwi naman ako sa Sabado." Si Nanay na buhat na ang kanyang malaking bag.

"Oo Nay. At ang bilin ko din sainyo. Wag kayong iinom doon at baka patalsikin kayo agad sa trabaho." Paalala ko sakanya.

"Oo nak. Wag kang mag-alala, magbabago na talaga ako. Siya, sige at ako'y aalis na." Siya at hinatid ko naman siya hanggang pintuan.

Hindi na bumaba si Mang Fernan dahil kasalukuyang medyo malakas ang ambon sa labas.

Pinanuod namin siya ni Junior pasakay sa sasakyan. At ng umalis na nga ang sasakyan ay pumasok na din kami at sinara na ang pintuan ng bahay.

"Ikaw na muna ang bahala dito ngayon Junior. Maglinis ka sa buong bahay at wag ka munang maglakwatsa. Siguro ay saglit lamang kami doon dahil ipapakilala lang ako ni Jerome sa may-ari ng kompanyang papasukan ko." Bilin ko kay Junior bago ako pumasok sa banyo upang maligo at makapag-handa na rin dahil susunduin na ako mamaya ni Jerome.

Ayos lang din ang samahan namin ni Jerome. Kung siguro'y mga kasing-edad lang namin si Junior ay matatawag na mag-bestfriend kami dahil palagay na ang loob namin sa isa't-isa. Araw-araw kasi nitong nakaraan ay lagi kaming bumibisita sakanila upang tumulong sa mga gawaing bahay o ano pa para naman makabawi man lang sa kabutihan nila.

Lalo akong napapalapit sakanya at lalo kong napapatunayan na mabuti siyang tao at nagsisimula na din akong magtiwala sakanya.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -✂

"May bagyo kaya?? Mukhang papalakas naman ng papalakas itong ulan. Kaninang umaga ay ambon lang pero ngayon ay ang lalaki na ng patak." Medyo nag-aalalang saad ko sakanya habang nasa kalagitnaan kami ng byahe papuntang kompanya.

"Hindi ko lang alam dahil wala naman akong narinig sa balita kanina." Sagot din niya.

"Sa tingin mo kaya ay matatagalan ko ang magtrabaho sa kompanyang iyon?" Pagdaka'y natanong ko sakanya.

"Bakit naman hindi? Mabait si Tito Eson. Kilala ko na siya simula nung bata pa ako. Malapit siya sa aming pamilya." Nakangiti namang sagot niya.

"Sana nga lang. Para naman huwag kayong mapahiya ng dahil sa akin."

"Oh ayan kana naman eh! Think positive Jhola. Ikaw pa ba? Kaya mo yan." Kindat niya sa akin at inirapan ko lang naman siya.

Ng papasok na kami sa parking lot ng kompanya ay agad naman akong nakaramdam ng kaba.

First time ko na naman to dahil never ko pang sinubukang pumasok sa ganito.

Ng bumaba na si Jerome ay bumaba na din ako. At pagkalabas ko ng sasakyan ay huminga ako ng malalalim.

Siguro naman ay talagang mabait ang magiging boss ko.

Inorient na din ako ni Madam na magiging sekretarya ako pansamantala dahil umalis papuntang ibang bansa ang sekretarya niya. Kaya swerte ko daw dahil medyo mataas-taas na agad na posisyon ang kalalagyan ko kaya pagbutihin ko daw ang aking trabaho.

Ng makasakay na kami sa elevator ay nanatili lang kaming tahimik ni Jerome. Siguro ay pinapakiramdaman din niya ako kaya hindi niya ako gaanong kinukulit.

Ng marating namin ang palapag na pupuntahan namin ay sinabi kong mauna siya ay susundan ko lamang siya.

Ng makapasok kami sa isang lobby ay agad kaming inasikaso ng isang babae na sa tingin ko ay magsing-edad lang kami.

Magalang ito at mukhang mabait base sa pananalita at pagmumukha niya.

"May kausap lang po sandali si Sir. Mamaya ay pwede na po kayong pumasok." Saad niya sa amin at tumango lang naman kaming pareho bilang pagtugon.

"Wag ka sabi kabahan buy! Mabait si Tito. Ano ka ba? Umayos ka nga." Bulong sa akin bigla ni Jerome kaya nagulat ako.

"Ulul ka buy ! Malamang first time ko ulit to!" Gigil na sagot ko sakanya.

At tinawanan lang naman ako ng loko.

Ng sa wakas ay pinapasok na kami nung babae kanina.

Sobrang dagundong ng dibdib ko habang pumapasok.

Pagkapasok namin ay nakita ko ang isang ka-edad lang ni Madam na lalaki na halata sa aura niya ang pagiging bossy dahil seryoso itong napatingin sa akin.

Ngunit ng mapatingin ito kay Jerome ay agad itong ngumiti.

"Oh! Jerome iho! Long time no see. How are you?" Masiglang bati nito kay Jerome. At ako naman ay nanatili lamang na tahimik.

"Yes Tito. And I'm okay as better. Haha! By the way Tito, this is Jhola Perpekta. Siya ang sinasabi ni Mommy sa'yo na pwedeng maging sekretarya mo. Jhola, this is Tito Jeson Ramillo Perpekta." Magalang naman na sagot ni Jerome at muling napabaling sa akin ang Ginoo.

"Oh? Siya pala. Nice meeting you Miss Jhola Perpekta. Please have a seat." Nakipag-kamay siya sa akin at tinanggap ko naman iyon at saka bumati din sakanya. Iminuwestra niya sa aming dalawa ang upuan na nasa harapan at halos sabay-sabay kaming tatlo na umupo sa kanya-kanya naming upuan.

Direct to the point siya dahil agad nitong ipinaliwanag ang kung anong dapat kong gawin. Ngunit sinabi naman nito na huwag daw akong mag-alala dahil pansamantala akong ia-assist ni Sapphire Nutello at ng pinapasok niya ito ay siya pala yung umasikaso sa amin kanina.

Akala ko ay seryoso siya dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin kanina ngunit hindi pala. Dahil matapos niya akong kausapin ay nagbibiro na siya na kapag nagustuhan daw nito ang trabaho ko ay pwede niyang panatilihin ang sekretarya niya sa ibang bansa at ako ang ipapalit niya bilang permanenteng sekratarya niya.

"So, that's all. You may start tomorrow. And don't forget to approach Sapphire to assist you." Si Mr.Perpekta.

"Thank you so much Tito!" Pagpapasalamat ni Jerome.

"Thank you so much Sir!." Pagpapasalamat ko din sakanya.

"By the way Jhola, you can just call me Tito JR or Tito Jeson." Ngiti niya sa akin at ako naman ay nagulat at naguluhan.

"Po?" Naguguluhang tanong ko sakanya.

"Please just be comfortable to call me like that. Understood?" Sabi niya sa maawtoridad na tono kaya naman napa-tango nalang ako.

Habang pabalik na kami sa parking lot ay medyo magulo parin ang aking isip. Bakit ganon ang gusto niyang itawag ko sakanya? Gayong magiging boss ko siya?

JHOLA PERPEKTA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon