27

104 5 0
                                    

Kwento siya ng kwento habang nagmamaneho at ako naman ay mataman akong nagmamasid sa dinadaanan namin.

"By the way Jhola, nagtatrabaho ka ba sa opisina ni Tito Jeson?"siya na medyo comfortable na yata sa akin. At nagulat naman ako sa sinabi niya.

Tito din niya? Kamag-anak o employee din siya?

Tsss! Wala na pala akong pakialam. Kaya kesa sumagot ay nanatili lang akong tahimik.

"Do you want to eat?" Maya't-maya'y tanong niya ulit sa akin kaya naman umo-o nalang ako dahil sa katunayan ay gutom na rin ako.

Tumigil kami sa isang restaurant. At kahit papaano ay kasya naman siguro ang perang nasa wallet ko.

Ng nai-serve na ang mga order namin at sige pa rin siya sa kwento. About sa pag-stay niya raw sa isla at sobrang nagagandahan raw siya. At sinasabi babalik pa raw siya doon.

Hinayaan ko lang naman siyang magsalita ng magsalita.

"Napaka-tahimik mo naman masyado. Boss mo ba si Tito Jeson?" Kibo niya ulit sa akin.

"O-oo. Se-secretary niya ako." Sagot ko na sa pagkain ako nakatingin.

"He's my uncle actually. He is my Mom's brother."patuloy niya sa pagkukwento at doon umangat ang ulo ko at tinitigan ko ang kanyang mukha.

Kung kapatid ng Mommy niya si Tito Jeson, ibig sabihin non ay pinsang buo ko siya?

Tch! Grabe na talaga. Hindi talaga ako nilulubayan ng kamalasan.

Pero ano pa bang magagawa ko? Napasubo na ako at kailangan ko siya para makauwi sa amin. Tch!

Wala akong sinabi sakanya kahit na ano. Tanging pangalan ko lang at kung saan ako nagtatrabaho ang alam niya tungkol sa akin.

Bumaba din ako sa highway na medyo malayo pa sa amin upang huwag din niyanv matunton ang pamamahay namin.

Pagdating ko sa bahay ay walang tao dahil nasa hacienda si Nanay at nasa eskwelahan naman si Junior.

Nagpahinga muna ako saglit at saka nagbihis upang puntahan si Nanay sa hacienda. Alam kong siya lang ang tanging makakasagot sa lahat ng katanungan ngayon dito sa isipan ko.

-----------------------------------------------✂

"Oh anak! Nadalaw ka? May nangyari ba sa kapatid mo?"masiglang salubong sa akin ni Nanay at ako naman ay parang gusto ko ng umiyak agad dahil dito sa mga dala kong mga tanong na bumabagabag sa aking isipan.

"Hanggang kailan mo itatago ang katotohanan sa akin Nay? Kailan mo balak sabihin sa akin?" Walang paliguy-ligoy na saad ko sakanya diretso ang tingin ko sakanyang mga mata.

"A-anong ibig mong sabihin?"may kaba sakanyang boses at hindi makatingin ng diretso ang mga mata niya sa akin. Kaya batid kong alam niya ang sinasabi ko.

"Alam ko na ang lahat. At gusto kong ikumpirma sainyo lahat kung totoo ba o hindi ang mga nalaman ko!" Nagtitimpi na ang aking boses na wag sumigaw. Dahil parang gusto kong magwala dahil para bang pinaglalaruan nila akong lahat!

"A-ano bang pinagsa-.."

"Ano ba Nay!? Ano ba talaga ang totoo!!" Sigaw ko dahil sobrang naiinis na ako!

"Pakiusap anak..wag kang magagalit sa akin. Ako ang may kasalanan ng lahat."iyak niya at ako naman ay napatunganga.

"So...ni-niloko niyo ako?"pumiyok ang boses ko at tuluyang napaiyak na rin.

"Wa-wala ako sa tamang pag-iisip ng panahon na yon dahil mas pinairal ko ang galit ko. Pa-patawarin mo ako kung ipinagdamot ko ang karangyaang buhay sa iyo dahil mayaman ang ama mo."patuloy siya sa pag-iyak.

Aanhin ko ba ang karangyaan?

"Nagsisisi ka rin ba sa naudlot na pagpapalaglag mo sa akin....Nay?"halos diko na mabanggit ang huling salita dahil sa lakas na ng hikbi ko.

Niyakap naman niya ako ng mahigpit at pinaghahalik ang buhok ko.

"Patawarin mo ako anak. Patawad! 19 lang ako noong ipinanganak kita kaya naging padalos-dalos lahat ang mga desisyon ko. Patawarin mo ako." Umiiyak na ring saad niya.

Pinaliwanag naman niya lahat. At kaya pala niya iniwan ang ama ko ay dahil may nakita raw siyang ibang kalaguyo. Mayaman daw talaga ang ama ko at ang nanay naman ay mahirap lamang. Hinusgahan din daw siyang pokpok at goldigger ng ina ng ama ko ngunit ipinaglaban daw niya ang ama ko dahil mahal na mahal niya ito. Kusa lang daw siyang sumuko ng siya na mismo ang naka-saksi sa kalokohan ng ama ko.

"Kaya naman ng makita ko si JEson at tinanong ka niya sa akin ay hindi na ako naglihim pa. Sinabi kong buhay ka at iyon nga'y balak ka nilang kunin kaya ang sabi ko'y ikaw lang ang bahalang magdesisyon dahil karapatan mo yon. Kung pipiliin mong sumama sakanila ay hindi kita pipigilan."

" bakit pa nila ako gustong makuha? Masaya na tayo Nay. Hindi ko ipagpapalit itong simple at maayos na na pamilya natin sa karangyaan na meron sila."sinserong saad ko.

"Maraming salamat anak ko. At sana'y patawarin mo ako sa lahat ng mga naging kasalanan ko saiyo."siya at niyakap ako ulit.

"Handa kong kalimutan lahat ng yon Nay. Ang importante ay nagsisi at nagbabago ka na." Ganto ko sa yakap niya.

Kahit anong gawin ko ay Ina ko pa rin siya at utang ko pa rin sakanya ang buhay ko.

JHOLA PERPEKTA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon