35

126 7 1
                                    

At dahil nga nakumpirma kong hindi si Jerome kundi ang kapatid niya ay isinubsob ko ulit ang sarili ko sa trabaho.

Overtime, everyday sa trabaho. Wala akong time sa mga social life kahit na ano pang pilit sa akin nila Gab at nila Sapphire.

No more suitors.

Only work! Work! Work!

"Do you still have time for yourself?"nagulat ako sa biglang nagsalita sa likuran ko at pagtingin ko'y si Tatay pala.

Agad naman akong tumayo at niyakap siya ng mahigpit dahil kaka-uwi lang niya for sure galing America.

"Tay! Kelan ka pa dumating? Anong oras? Bakit hindi ka nagsabi? Alam na ba ni Nanay na nakauwi ka na?"natutuwang tanong ko.

"Haha! I will surprise her later. Sabi ng Tito mo, lagi kang overtime sa trabaho kahit na hindi naman kailangan. Give yourself a break Jhola."may tonong nanenermon ang boses niya.

"Mas kailangan ng kompanya ang oras ko Tay. You want coffee or juice?" Offer ko.

"Wag na. Miss ko na din ang kapeng tinitimpla ng Nanay mo para sa akin. By the way, I just dropped by to see you. Mauna na akong umuwi. Go home before 5 later, may mga bisita tayong darating." Siya sabay halik sa pisngi ko at tuluyan na nga siyang umalis.

Habang pinapanood ang pag-alis niya sa opisina ko ay napapa-ngiti ako. Dahil kumbinsido na talaga akong mahal na mahal talaga nila ang isa't-isa. Gaya ngayong nasa stage na bumabawi palang si Tatay kay Nanay. Kahit na nasa malayo siya, walang oras na hindi niya tinatawagan si Nanay para lang kumustahin siya at paalalahanan na wag magpapagod.

"Ma'am, may gusto raw pong kumausap sainyo."nabalik sa realidad ang isipan ko sa biglaang pagkatok ng isa sa mga staff.

"Let them in nalang please."pakiusap ko naman saka ko pinatay ang computer ko muna.

Halos manginig ang buong sistema ko sa napaka-pormal na mukha ng pumasok.

Hindi ko din alam kung anong gagawin ko.

Kelan pa siya dumating?

Bakit hindi ko siya nakita kahapon?

"How are you Miss Jhola?" Saad niya na halatang halata ang napaka-lamig niyang tono.

"Co-coffee? Ju-juice?"natatarantang tanong ko. Dahil hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko sakanya.

"I just wanted to talk to you."tipid na ngiting sagot naman niya sa akin.

"Je-Jerome...ku-kumusta ka na? Kailan ka pa nakabalik? Pu-pumunta ako ka-kahapon sainyo pero wala ka naman doon?"tanong ko na parang maiiyak na dahil parang gusto ko siyang yakapin. Miss na miss ko siya.

"Gusto mo nga ba akong kumustahin Jhola? Bakit? Anong nangyari sayo? Anong nangyari sa cellphone na binigay ko para sana sa communication natin? Dahil ba mayaman ka na, kaya hindi mo na ako kailangan at hindi mo na kailangan ang pera ko? Yumaman ka lang, kinalimutan mo na ako? Why? All I thought, iba ka sa ibang babae? But you prove it wrong. Wala kang pinag-kaiba sakanila."sumbat niya sa akin na sobrang ikina-kirot ng puso ko.

Ang sakit marinig ang mga salitang yon na galing mismo sakanya habang titig na titig sa mga mata ko.

Puno ng galit ang poot ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako.

"Ma-magpapaliwanag ako. So-sorry. Nagkamali ako. " humihikbing saad ko."Pero ni minsan ay hindi mo man lang ako natanong at nakumusta sa mama mo kapag tumatawag ka sakanya. Ikaw ang nakalimot pagkalipas ng ilang araw. Ni message or isang tawag ay wala ka. After those days, may narinig ako sa CR na ikaw ang pinag-uusapan nila. Tinanong ko kung ikaw ang tinutukoy nila at sinagot nilang OO. Kaya nasaktan ako. Sobrang nasaktan ako kaya inalis ko ang simcard na binigay mo at itinabi ko, itinago ko. Pero lately ko lang nalaman na nagkamali pala ako dahil napag-tripan lang pala nila ako noon. Ang babaw na dahilan pero pakiramdam ko noo'y niloko mo lang ako. Napaka-walang kwenta ng rason ko pero nasaktan ako. Nagkamali ako pero ikaw? Hindi ka nagka-lakas loob na kumustahin ako sa Mommy mo?"umiiyak na saad ko.

"Stop your excuses. Bibay was right. You're a gold digger bitch."pagka-sabi niya ng mga salitang iyon ay hindi ko namalayan na dumapo ang palad ko sa mukha niya.

"Kilala mo ako Jerome. Hindi ako ganong tao. Kung wala ka ng sasabihin, pakiusap umalis ka na dito."sabi ko na itinuturo ang pintuan sakanya.

Umalis siyang walang paalam. Umalis siyang parang wala lang. Iniwan niya akong parang wala lang sakanya.

Pagkalabas niya'y umiyak ako ng umiyak.

Bakit ganon?

Nagkamali ako pero mas nagkamali siya.

JHOLA PERPEKTA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon