A/n: hi baby NiahBitter dedicated ang chapter na 'to sayo. Hope you like it! ^_^ tha ks for the friendly approach. Enjoy reading!☺Madaling araw palang ay nagising na ako dahil hindi talaga ako nakatulog ng maayos kagabi.
At pagkagising ko ay tinignan ko agad sa sala si Jerome at iyon siya na parang batang natutulog dahil naka-tagilid ito na naka-baluktot ang kanyang mga tuhod habang naka-kumot.
Nilapitan ko siya at saglit na pinagmasdan.
Hindi naman bawal tumitig sa taong tulog diba?
Ewan ko kung anong nangyayari sa akin pero parang gusto kong kabisaduhin ang kanyang mukha.
Makakapal ang kilay, medyo makapal na labi, halata ang pagka-chinito ng kanyang mata kahit na naka-pikit ito. Medyo matangos ang kanyang ilong.
Ilang araw ko nalang pala siya makakasama at siya'y aalis na.
Sa pagbalik niya kaya, magiging tulad din kaya ng dati ang turingan namin sa isa't-isa?
Matapos kong pinagsawa ang sarili ko sa pagtitig sakanya ay napag-pasyahan kong magluto nalang at maligo.
Saktong paglabas ko ng banyo ay nakita kong nakaupo na siya sa kusina at kasalukuyang nagkakape na.
"Goodmorning! Ang aga mo naman masyado nagising buy. Alas-singko palang ah." Bati niya sa akin habang hinahalo ang kanyang kape.
"Goodmorning din.Para wag na magluto si Junior. Kumain na ako kanina bago ako naligo. Pagkatapos mong magkape ay kumain kana rin. Mag-aayos lang muna ako." Sagot ko naman.
Pumasok nga ako sa kwarto upang mag-ayos na sa aking sarili.
Ginising ko na rin si Junior dahil kailangan din niyang pumasok ngayon sa eskwelahan.
"Tapos na ako. Kumain kana ba? At sigurado ka ba talagang ihahatid mo ako buy? Baka may gagawin ka pa sa inyo. Ayos lang naman sa akin ang mag-commute dahil maaga pa naman." Saad ko sakanya na kasalukuyang nakikipag-kwentuhan na naman kay Junior na kumakain.
"Of course, I will drive you. Konting araw na nga lang at ako'y aalis na. Kaya kailangang maihatid sundo kita habang hindi pa ako umaalis." Saad niya at naramdaman ko namang nag-init ang magka-bilaang pisngi ko.
.Lately talaga ay may kung anong weird akong nararamdaman.
"Ikaw ang bahala." Iwas ko ng tingin sakanya.
-----------------
Habang nasa biyahe kami ay panay bilin siya.
"Dapat hintayin mo ako mamaya. Dahil susunduin kita." Iyan ang paulit-ulit niyang sinasabi mula pa kanina.
"Ay naku buy! Pang-ilang ulit mo na yan. Oo nga." Natatawa namang sagot ko.
Ng sa wakas ay nakarating na kami sa kompanya. Bababa na sana ako ng sasakyan niya ng bigla niyang hawakan ang kamay ko na dahilan ng pagwala na naman ng puso ko.
"I just want to give you this." Saad niya sabay abot sa maliit na kahon na kahit hindi ko pa nakikita ang laman ay hula kong cellphone ang gusto niyang ibigay.
"Ano ba buy. Wag na. Sobrang nakakahiya na. Hindi ko naman kailangan iyan e."tanggi ko.
"You need this. Lalo na mamaya. I already bought a sim card and I already inserted it here. At sa pag-alis ko, gusto kong may communication pa rin tayong dalawa."paliwanag niya na hindi ko maintindihan. Bakit niya ginagawa ang lahat ng ito?
"Hindi kita maintindihan. Bakit kailangan mong gawin lahat ito sa akin? Sobra-sobra na ang mga nagagawa mo para sa akin kaya sapat na ang mga yon. Huwag na ang mga materyal na bagay buy. Ayaw kong sabihin mong inaabuso kita." Naguguluhang saad ko.
"Please, no more arguments Jhola. Just accept it. Don't worry because, it's my please to do everything just for you." Seryoso na siya dahil binanggit na niya ang pangalan ko.
Kinuha ko nalang iyon ng walang imik at saka bumaba sa sasakyan niya. Ano pa ba naman ang aking magagawa? Kesa sumama pa ang loob niya ay kinuha ko na lamang.
Binuksan ko na iyon ng makarating ako sa opisina.
Lalo lang akong nagulat ng makita ko ang laman dahil ito'y latest na cellphone sa ngayon. Nakakahiyang gamitin.
Sinubukan kong kalikutin. At kahit naman mahirap ako ay hindi naman ako ignorante sa ganitong mga bagay.
Tinignan ko ang contacts ko at siya palang ang laman. At napangiti ako sa inilagay niyang pangalan.
Jebuy
Jerome buy? Hahaha! Korny parin talaga siya.
Tinext ko siya at nagpasalamat ulit ako sakanya.
At wala pang ilang minuto ay tumugon agad siya.
walang anuman buy. I-txt mo ako mamaya kapag uwian niyo na.
Pagkatapos kong mabasa ay niyakap ko ang cellphone na bigay niya.
Sana kahit yakap man lang ang maibigay kong pasasalamat sakanya.
Tsk! Tsk! Ano ba naman tong iniisip ko!
Umayos ka Jhola,nagiging manyak kana yata!
Sita ko sa sarili ko.
-------------------------------------
Pinapunta kaming lahat sa conference room dahil may sasabihin daw si Tito Jeson.
"Goodmorning!"bati sa akin ni Alyana dahil magkasabay kaming naglalakad papunta sa conference room.
"Oyyy! Goodmorning sainyong dalawa." Tinig na mula sa likuran namin at si Sapphire pala na humahabol sa amin."hi Alyana!" Bati rin niya at nginitian naman siya ni Alyana na ikina-lingon sa akin ni Sapphire na para bang sinasabi niyang:himala!
"Goodmorning ladies and gentlemen.I gathered you all here to tell you that we'll go to Camarines Sur next week to have our seminar. All employees must attend this said seminar." Si Tito Jeson.
Marami pa siyang sinabi regarding sa company at nakinig lang naman ang ginawa namin.
May bago na naman akong katatakutan. Pero siguro naman ay hindi ako pababayaan nila Sapphire at Alyana.
Medyo nagkakapalagayan na kaming tatlo ng loob dahil pagkatapos ng meeting kanina ay nagyaya si Alyana na kumain sa labas at iyon ay libre niya.
Kung kahapon ay medyo madaldal na siya sa akin, lalo pang na-improve yon kanina dahil sa tulong ni Sapphire. Haha!
Ng malapit na nga ang uwian ay tinext ko na si Jerome. At nag-reply naman agad ito na papunta na siya dahil kanina pa raw niya hinihintay ang message ko.
"Didiretso tayo sa bahay dahil nami-miss kana raw ni Mommy."si Jerome habang nagda-drive dahil pauwi na kami.
"Sige. Pero pwedeng daanan muna natin si Junior? "
"Napasundo ko na siya kanina pa bago ako umalis. By the way buy, mapapa-aga ang alis ko. Aalis na ako this weekend. Minamadali kasi nila ang pagbalik ko." Saad niya at hindi ko na naman maiwasan ang hindi malungkot.
Hindi ako nagsalita dahil baka maging sintunado lang ang sasabihin ko sakanya.
"We'll talk later pagkatapos ng dinner." Siya muli ang nagsalita at tumango na lamang ako.
BINABASA MO ANG
JHOLA PERPEKTA
General FictionJhola Perpekta. Ng mabasa mo ang pangalang iyan, ano ang unang pumasok sa isip mo? Huhulaan ko, siguro, ineexpect mong prinsesa siya, nasakanya ang lahat at sobrang perpekto ng buhay niya. Pero mali ka, kung gaano ka-perpekta ng apilido niya ay ganu...