23

117 5 0
                                    

Hindi ko na mai-hahatid si Jerome ngayon sa airport dahil ngayon din ang flight namin papuntang Camarines Sur.

Kaya naman wala akong ganang makipag-usap sa kahit na sino ngayon kina Sapphire at Alyana na kanina pa ako kinukulit.

"Oy beh! Bakit parang biyernes santo iyang mukha mo?" Siko sa akin ni Sapphire.

"Oo nga beh. Exciting itong seminar na 'to tapos naka-simangot ka diyan." Si Alyana.

"Ano ba kayo. Ayos lang ako. Wala lang konti sa mood kasi iniisip ko iyong kapatid ko na mag-isa lang sa bahay kasi hindi nakauwi si Nanay."pagdadahilan ko na may 50 percent naman na totoo.

Nagulantang ako ng marinig kong mag-ring ang cellphone na hawak ko. At kahit hindi ko na tignan ay alam ko na kung sino dahil siya lang naman ang laman ng phonebook ko.

Agad ko itong sinagot at nag-excuse sa dalawa. At parang biglang sumaya ang buong sistema ko pagka-tingin ko sa pangalan niya na nasa screen ng cellphone ko na bigay niya.

"Hello?"

"I love you Jhola. Take a lot of care and wait for me. Sandali lang tong pag-alis ko."sabi niya na sobrang humaplos sa aking puso.

Kahapon kasi ay sinundo niya ako at iyon ang nag-silbing quality time naming dalawa. Kagabi kami masin-sinang nag-usap at hindi na raw makakapag-hintay ang panliligaw niya kaya sinimulan na niya kagabi kaya ganito na siya kalambing ngayon sa akin.

Hihintayin ko na lamang ang kanyang pagbabalik upang mapatunayan pa raw niya kung gaano niya akong ka-gusto at ka-mahal.

"Oo na po. Ikaw din doon. Mag-iingat ka at kung may panahon ka ay tawagan mo ako." Naka-ngiti namamg saad ko sakanya.

Iyon lang naman at nagpaalam na kami sa isa't-isa dahil kasaluluyan ng tinatawag ang aming flight.

Magkatabi kami ni Sapphire habang si Alyana naman ay nasa harapan namin at may katabing iba.

"Ang bilis ng milagro beh! Naka-ngiti ka na ngayon. Kapatid kapatid ka pa diyan e boylet mo lang naman pala! Hahaha!"tukso sakin ni Sapphire at hindi ko naman maiwasang huwag mamula ang mga pisngi ko.

"Ikaw talaga Saph! "Saway ko naman sakanya habang tumatawa ng bahagya.

Ilang minuto lang ang lumipas at nakarating na kami agad sa Camarines Sur.

Sabay-sabay kaming naglakad na tatlo dahil kami-kami lang din ang magka-kasama sa kwarto.

Nauna kaming pumunta sa na-assign na kwarto namin at pagkatapos naming mailagay ang mga gamit namin ay dumiretso kami sa meeting room dahil may importanteng announcement daw na sasabihin si Tito Jeson.

"Welcome to Jhola Island guys! Just enjoy our first day and the seminar will start tomorrow! Take a lot of rest and enjoy the place. Be back here tomorrow not later that 9 am. That's all! Enjoy your day! And Ms.Perpekta, please stay for awhile."sabi ni Tito Jeson at ako naman ay iniwan nila Sapphire at Alyana na nalilito.

Sa dinami-dami ng pwedeng i-pangalan sa islang ito ay ka-pangalan ko pa talaga? Posible ba ang ganon?! Parang nakaka-loko lang kasi.

Akala ko ay may kung ano nang ipupuna sa akin si Tito Jeson pero pinagsulat lang naman niya ako ng mga gagawin para bukas at pagkatapos niyon ay hinayaan na akong umalis para daw makapag-pahinga naman ako.

Pagdating ko sa kwarto namin ay bulagta ang dalawa pero dilat ang kanilang mga mata.

Malawak itong kwartong naibigay sa amin. Tig-iisa kami ng bed at ako talaga ang nilagay nila sa gitna dahil inokupa na nila ang magka-bilaang gilid.

"Grabe beh no!? Mayaman ka pala. Akalain mo iyon? May Isla ka??"si Alyana na napaupo at hindi maikakaila ang pagka-mangha sa mukha niya.

"Nagkataon lamang siguro iyon. Alam niyo naman na ang estado ng buhay ko at sa panaginip lang iyon mangyayari na magkakaroon ako ng isla. "Sabi ko dahil talaga namang nai-kwento ko na sakanila ang buhay ko. At pati na rin ang tungkol kay Jerome at sa Mommy niya ay alam na rin nila.

"Nagulat din ako kanina. Akala ko nga noong bagong pasok ka palang ay kamag-anak mo si boss eh. Kasi Tito ba naman ang tawag mo sakanya?" Si Sapphire at bahagya naman akong nakaramdam ng hiya.

"Iyon kasi ang kauna-unahang favor niya sa akin at sino ba naman ako para tanggihan siya?"depensa ko naman sa sarili ko. "At saka,pwede ba mga beh, move-on na tayo sa pangalan ng isla dahil malabo pa sa malabo iyang mga iniisip niyo " natatawang dagdag ko pa sa sinabi ko.

"Hay nako! O siya kung hindi kung malabo! Basta ako tutulog muna ako at manlalandi pa ako mamaya."si Sapphire at niyakap pa ang unan na parang nag-iimagine ang loka. Tinawanan lang naman namin siya ni Alyana.

Naki-sabay nalang din kami kay Saph at natulog nga kaming tatlo. Masyado pa kasing maaga kaya pwede pang gumala mamaya after lunch.

Nauna akong nagising sa dalawa. Kaya naman nauna na din akong naligo. At pagkatapos ko ay nakaupo na si Alyana na nagsusuklay.

Kakaiba talaga itong si Saph dahil siya ang naunang natulog tapos siya pa rin ang huling nagising. Haha!

Sumunod namang naligo si Alyana at huli na si Saph.

Kumain muna kami bago nagpasyang mag-liwaliw sa gilid ng dagat.

---------------------------------✂

Kasing-ganda din ito ng isla na pag-aari ni Jerome. Parehong white sand ang pinag-kaiba nga lang ay nag-iisa lang ang white house sa isla ni Jerome at tahimik at walang madaming tao. Dahil dito ay madami ang nakatayong cottages at lodge sa paligid at sobrang daming dayuhan at mga bakasyunista na pakalat-kalat.

Medyo malayo kami sa isa't-isa dahil nauuna si Sapphire sa amin na binabati lahat ang nakaka-salubong niya habang si Alyana naman ay abala sa pagkuha ng mga litrato sa paligid gamit ang baon niyang dslr.

Ako naman ay inaabala ko ang aking sarili sa pagtanaw sa dagat.

At kusang bumalik lahat ang alaala ng makasama ko si Jerome sa kanyang isla.

Wala sa sarili akong napa-pangiti habang naglalakad.

"Beh! You look inlove with this pict! Here take a look!" Natutuwang lapit sa akin ni Alayana at pinatingin nga sa akin ang picture ko na kuha niya.

Napangiti ako lalo.

Ganito pala ka-ganda ang aura ko kapag siya ang iniisip ko. Nasambit ko sa aking sarili.

Ng tignan namin si Sapphire ay kasalukuyan ng nakikipag-usap sa isang dayuhan na lalake.

At ng magawi ang tingin niya sa amin ay agad niya kaming kinawayan at pinapalapit kami sakanila.

Ngunit tumanggi naman kami at sinenyasan siyang mag-enjoy lang sa ginagawa niya.

"Kakaiba talaga ang karisma niya beh. May nabingwit siya agad."natatawa sabay iling na saad ni Alayana.

"Hayaan mo na siya sa kasiyahan niya. Haha!" Sagot ko naman at pumunta kami sa malapit na nag-titinda ng buko juice at bumili kami ng tig-isa namin at umupo sa bakanteng bench na silong din ng puno ng niyog.

"How are you and your boyfriend?" Bigla-biglang tanong niya kaya naman napa-titig muna ako sakanya bago sumagot.

"Sabi ko naman, nasa ligawan stage palang kami. Ngayon din ang flight niya papuntang ibang bansa. Kaya ldr ang sitwasyon namin ngayon. Ligawan nga lang not yet so called relationship."medyo nahihiyang sagot ko.

"Then, that's a challenge sa inyong dalawa. Masaya ang magmahal Jhola basta nagmamahalan kayong dalawa. But if not, kung mag-isa ka lang, better leave that relationship dahil wala lang din kwenta." Saad niya na malayo ang tingin.

Hindi naman na ako nagsalita pa dahil wala akong alam na isasagot sakanya.

Ngunit sinabi niyang mahal na niya ako at lalo niya akong pinahanga sa sinabi niyang liligawan ako na hindi kagaya ng iba na nagtapat lang ng pag-ibig at agad-agarang sila na.

JHOLA PERPEKTA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon