A/n: hello RenjKeith this Chapter is for you baby! Thanks for the follow. And also to InsaneWitch for making the book cover of this story. I love you two! Godbless!😇Enjoy reading!😙😙😙😙
Tanghali na ng makarating kami dito sa bahay nila.
Masayang-masaya kaming sinalubong ni Madam Unday at Manang Mia.
"How's your short vacation with Jerome iha? Did you enjoyed it?" Si Madam.
"Yes Mommy. We enjoyed a lot. And you're right. Jhola is a very nice companion." Si Jerome.
Jerome nalang daw ang itawag ko sakanya. At wag daw akong magkakamaling tawagin siyang Sir. Dahil magiging wala na daw silbi ang buy na tawagan namin kung hindi daw namin gagamitin.
Ngumiti at tumango naman ako bilang sagot.
Dahil sa totoo lang ay sobrang pagod ako at halos hindi ako nakatulog kagabi sa kaka-isip sakanya.
Sobrang naguguluhan kasi ako sa pinapakita niya. At ayaw ko sanang pa-apekto pero kusa siyang iniisip ng isip ko.
"Buy! Let's eat." Nagulantang ako ng hilahin ni Jerome ang braso ko.
Pagtingin ko naman kila Madam Unday at Manang Mia ay nagsisikuhan sila at nagngi-ngitian.
"Ah...hehe. sige sa bahay nalang muna ako. Baka kasi nag-aalala na sila Junior sa akin." Saad ko sakanya.
"Ateeeeeeeeeee!!! Nay! Nandito na pala sila ate Jhola!!" Sigaw ni Junior sa kung saan.
At ng makita ko ay palabas siya ng kusina.
At tama ba ang dinig ko?
Tinawag niya Nanay namin?
Ibig sabihin ay nandito din siya sa bahay nila Madam?
Ano naman kayang ginagawa nila dito?
Kaya naman naguguluhan akong napatingin kay Madam.
"Sa hapag kainan na tayo mag-usap." Siya at wala nga akong nagawa kundi sumunod na lamang sakanila.
Si Junior naman ay ngiting-ngiti sa akin.
At pagtingin ko kay nanay ay para bang naiilang at nahihiya siya sa pamamagitan ng pagtingin niya sa akin.
Ng makakuha ako ng pagkakataon ay hinila ko palabas ng kusina si Junior.
Abala kasi sila manang Mia sa paghahanda sa hapag-kainan. Habang si Madam Unday at Nanay naman ay nag-uusap. At si Jerome naman ay pumanhik muna sa kwarto niya upang mag-quick shower daw.
"Anong nangyayari? Anong nangyari nung wala ako??" Tanong ko kay Junior.
"Ayy. Hindi ka updated te? Nung araw na umalis kayo ni kuya Jerome ay pinasundo kami ni Madam ay...auntie Unday pala. Kinausap niya si Mudang ng maayos ipinaliwanag kung bakit ka mawawala ng tatlong araw at inalok niya ng trabaho si Mudang." Maarteng sagot niya.
"Anong trabaho? Paano yung paglalasing niya??"
"Ay halla! Hindi ka nga talaga updated te! Tatlong araw ng hindi umiinom si Mudang at nextweek ay papasok na siya sa trabaho. Hinhintay ka nalang para maipaalam sayo ni auntie ang napag-usapan nilang dalawa. At ako naman te, wag mo ng problemahin ang pag-aaral ko dahil bibigyan daw ako ni auntie ng scholarship. Oh dib bongga ate?? At eto pa,magugulat ka talaga kay Mudang dahil sobrang nagbago na siya. Bonggang bongga na talaga lahat!!" Pumapalakpak pang kwento niya at feel na feel niya ang pagtawag ng auntie kay Madam.
BINABASA MO ANG
JHOLA PERPEKTA
Ficción GeneralJhola Perpekta. Ng mabasa mo ang pangalang iyan, ano ang unang pumasok sa isip mo? Huhulaan ko, siguro, ineexpect mong prinsesa siya, nasakanya ang lahat at sobrang perpekto ng buhay niya. Pero mali ka, kung gaano ka-perpekta ng apilido niya ay ganu...