Chapter 4

190 10 3
                                    

CuddleCakes24
"E sino po ang maglalaba? Nakakahiya naman po. Maglalaba nalang po ako ngayon dahil baka po bukas ay maghapon po ako sa palengke." Tanong ko kay Madam Unday dahil hindi ko talaga maintindihan ang sinabi niya.

Pagtingin ko naman kay Junior ay panay kuha na siya sa tinapay na idinulong sa harapan namin.

Pinapandilatan ko siya ng mata. Ngunit parang nakikiusap din ang kanyang mga mata na sinasabing 'please ate gutom ako e' kaya naman napailing nalang ulit ako sa inaasta nya.

"Hayaan mo na't ipapalaba ko na yung mga yon kay Bibay. Nais sana kasi kitang ipakilala sa isa sa anak kong darating ngayon." Batid sa kanyang mga mata ang tuwa. Kung ako din siguro ang nasa sitwasyon niya ay ganon din ang mararamdaman ko dahil sa hinaba-haba ba naman ng taon na hindi siya inuuwian ng mga anak niya.

Ang Bibay pala na tinutukoy ni Madam ay ang sinasabi kong sobrang init ng dugo sa akin. Kesyo mapapel daw ako at kung anu-ano pang pangit na lumalabas sa bunganga niya patungkol sa akin na hinahayaan ko lang naman.

"Ganun po ba? E nakakahiya naman po. Tyaka hindi naman na po siguro kailangang maipakilala pa ako dahil minsanan lang naman po sa isang linggo ako nagpupunta dito." Nahihiya parin talagang saad ko sakanya.

"Ano ka ba? Gusto kitang ipakilala dahil sa tuwing tumatawag siya ay lagi kasi kitang naiku-kwento sakanya. At siya ang nag-request sa akin na ipakilala kita sakanya. Mas matanda lang siya sayo ng isang taon at isa siyang Navy kaya ngayon nalang ulit siya makakauwi dito after how many years." Nae-excite na sabi niya. Ang weird din talaga ng matandang to. Hindi mo mawari kung ano ang nasa isip.

Wala na akong nagawa kundi umo-o nalang sakanya dahil alam ko namang hindi lang din niya ako titigilan.

At dahil wala pa naman yung darating ay pinilit ko si Madam este Tita na daw pala ang itatawag ko sakanya simula ngayon dahil magagalit daw sya kapag tatawagin ko pa ulit siyang Madam. Pinilit ko siyang tumulong muna ako dito sa mga gawaing bahay. Tumanggi siya pero nagpumilit talaga ako. Ng yayayain ko na si Junior para sana tulungan ako ay pinigilan ako ni Tita Unday dahil aliw na aliw siya sa kabaklaan ng kapatid ko.

Nandito ako ngayon sa kusina at tinutulungan si Manang Mia sa paghuhugas at pag-aayos ng mga bagong labas sa cabinet na mga plato. Ako ang naghuhugas at siya namang nagpupunas at nag-aayos sa mga ito.

"Naku Jhola. Sigurado akong hihimatayin ka kapag nakita mo ang anak ni Ma'am Unday. Bunso yata yun e. Sobrang gwapo niya. Chinito na matangkad yun!" Hala ka!? Baliw naman tong si Manang Mia. Lima na yata ang anak pero kung kiligin ay parang dose anyos palang. Kadiri pakinggan. Haha!

"Sus. E di naman ako marunong tumingin sa sinasabi mong gwapo. Tyaka bakit ba ganyan pinagsasabi mo Manang Mia. Baka mamaya nyan marinig ka ni Madam. Sabihin pang pinag-nanasahan natin yung anak niya." Sita ko naman kay Manang Mia habang patuloy parin ako sa paghuhugas ko.

"Hoy..Tita na daw simula ngayon diba! Tyaka ano ka? Hindi mo pa ba halata ang sobrang kabaitan at pakikitungo sayo ni Ma'am? Sobrang gaan kaya ng loob niya sayo. At sa mga pinagsasabi niya sayo kanina ay halata namang gusto ka niyang ireto sa anak niya." Kindat niya sa akin at talaga namang kinilabutan ako sa mga pinagsasabi niya. Isa din kasi siyang tsismosa. Haha! Pansin naman sa sinabi niya. Nakikinig pala siya kanina sa pag-uusap namin ni Madam Unday.

"Ah basta Manang. Tigilan mo na ako at madami akong pino-problema. Isa na nga po dyan yung kay Junior kung papag-aralin ko pa ba siya sa High School o hindi na. Kasi nga diba? Sa ganito lang naman kami umaasa. Palengke lang ako at sa pagsa-sideline ko dito tuwing wala akong pasok sa palengke." Malungkot na saad ko. Dahil talaga namang naguguluhan ako sa kung ano ang gagawin ko pagkatapos ng elementarya ni Junior.

"Pwede mo namang idulong yan kay Ma'am eh. Tiyak ako na matutulungan ka niya sa bagay na yan. Sayang din yang kapatid mo. Matalino pa man din." Iiling-iling na sagot niya.

"Naku. Wag na po. Sobra-sobra na ang naitutulong niya sa akin. Ayoko din namang abusuhin ang kabaitan niya. Siguro ay maghahanap nalang ako ulit ng iba pang mapag-kikitaan para may maidadagdag ako sa pantustos sa pag-aaral niya." Ako.

"Kung bakit kasi hindi kapa maghanap ng stable na trabaho e. Sayang naman yang natapos mo. At sana kasi tumino na din yang Nanay niyo para naman may katulong ka sa paghahanap buhay. Hahay nga naman kasi yang Nanay mo. Sobra-sobra yatang pinag-dadaanan at lagi-lagi nalang naglalasing." Iiling-iling parin na saad niya.

Tumahimik nalang ako dahil ayoko ng isipin ang tungkol kay Nanay. Alam na lahat ni Manang Mia ang tungkol sa buhay ko. Kaya pati kalagayan ng Nanay ko ay alam na din niya. Ganun din naman kay Madam. Nasabi ko na noon pa sakanya at ilang ulit na niya akong inaalok na tulungan akong makapasok sa isa sa mga kompanya ng mga kaibigan niya ngunit sadyang nahihiya na talaga ako dahil sa sobrang dami na ng naitulong niya sa akin. Mabuti nalang at naintindihan niya ako. Pero ang lagi niyang sinasabi sa akin na kung gusto ko na daw ay wag akong magdalawang isip na kausapin siya.

Siguro ay tyaka na yon kapag sobrang gipit na talaga ako.

Bakit kaya ganon no? Sobrang gusto mo pero sadyang pinapatay ka lang ng kahihiyan mo sa katawan. Nakaka-tanga din talaga madalas ang pagdedesisyon.

"Ay! Ano ka ba Fernando! Wag mo nga akong ginugulat dahil baka makunan ako! Letse ka talagang matanda ka!" Napa-balik ako sa realidad ng marinig ko ang sigaw ni Manang Mia.

At pagtingin ko sa gawi niya ay nasa tabi niya si Manong Fernando na driver ni Madam Unday at kaedad lang din ni Manang Mia. May pagkapilyo din kasi siya.

Napatawa nalang ako sa kulitan nila.

"Kuuu! Feeling kana naman dyan! Pano ka naman mabubuntis e menopause kana! Kaya ikaw Jhola, habang bata kapa at malayo kapa sa menopausal ay mag-asawa kana at magparami. Isa kaya yon sa utos ng Diyos. Humayo kayo at magparami." Umaktong binabasbasan pa ako.

"Hahahaha! Ayan kana naman Mang Fernan! Wag mo na akong isali. Si Manang Mia nalang ang kulitin mo. Upakan kita diyan e!" At iniamba ko sakanya ang may kamay kong may bula pa ng sabon pan-hugas.

"At gaya din ng sinasabi ko sayo. Wag kang ganyan umasta dahil talagang lalayuan ka ng mga kalalakihan. Matatakot sila sayo dahil dyan sa sobrang katapangan at kasungitan mo." Pangaral na naman niya sa akin.

Minsan kasi na inaasar niya ako ay sinusungitan ko siya lalo na kapag wala ako sa mood makipag-lokohan.

"Bakit kana naman ba nandito? Hindi ba ikaw ang sumundo sa anak ni Ma'am?" Tanong ni Manang Mia.

"Hindi kasi may iniutos sa akin kanina si Ma'am. Si Berting ang sumundo." Sagot naman ni Mang Fernando bago umupo at kumuha ng tinapay sa lamesa.

Sakto namang patapos na ako sa pag-huhugas ko kaya naman tinulungan ko nalang si Manang Mia sa pagpupunas ng mga plato.

Ng magluluto na para sa dagdag doon sa pinabili ni Madam na pagkain sa labas ay tumulong din ako. Parang fiesta dahil sa sobrang dami ng handa na inihanda.

JHOLA PERPEKTA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon