Nakakainis talaga sobra! Para akong na-kidnap na ewan! Paano ba naman! Tatlong araw daw pala kami dito! At pinasabi na daw pala ni Madam sa bahay kaya wala na daw akong dapat alalahanin. Siya na daw muna ang bahala sa Nanay at kapatid ko.
Naiinis ako sa hiya. Dahil mag-aabala na naman si Madam para sa Nanay at kapatid ko. Sobrang dami ko na talagang utang na loob sakanya at ayaw ko na sanang dagdagan pa iyon pero kahit yata anong gawin ko ay lalo lang dumadami ang utang na loob ko sakanya. Na kahit pa yata pang-habang buhay ang pagiging labandera ko sakanila ay hindi ko mababayaran lahat ng yon.
At simula pa kahapon ay hindi talaga maganda ang pakikitungo ko kay Sir Jerome dahil parin sa pagkainis ko.
Kapag matapos kong tulungan si Manang Trining ay nagkukulong ako agad sa kwarto ko. At tungkol sa mga damit ultimo undies ay may nakaayos na pala dati sa mga cabinet ko. Siguro kung assumera lang ako ay iisipin ko talagang planado ang lahat ng to. Psh!
At iyong sinasabi niyang ililibot ako dito sa isla ay hindi pa niya nagagawa dahil ayaw ko talaga siyang pansinin.
Napa-ayos ako ng upo ng marinig kong may kumakatok sa pintuan ko.
At labag man sa kalooban ko sanang tumayo ay wala parin akong nagawa kundi buksan ang pintuan at tignan kung sino ang kumakatok.
At pagkabukas ko ay parang gusto ko ulit isara perp as usual ay wala na naman akong nagawa.
"Hindi pwede yang ginagawa mo dahil tayong dalawa lang ngayon dito. Hindi mo ako pwedeng wag pansinin dahil pinauwi ko muna sandali sila mang Baste." Nagulat ako ng literal sa sinabi niya.
Shit na malagkit!"Pero ba-bakit Sir? Ba-bakit kailangang silang dalawa ang umalis. Bakit hindi nalang sana naiwan si manang Trining?" Hindi maikakaila ang boses ko sa pagkataranta.
"Bakit? Ano bang problema? Natatakot ka ba sa akin? Don't worry because I'm harmless. And wait, are you mad at me?" Dire-diretsong sabi niya.
"Hi-hindi po." Yumuko ako dahil ayaw kong salubungin ang mga titig niya dahil hindi ko kaya. Hindi ko kayang makipagtitigan sakanya.
"Then why are you avoiding me since yesterday na sinabi kong tatlong araw tayo dito sa isla?" Tanong ulit niya pero wala akong makapang isasagot.
"Well I'm sorry if we didn't inform you. And if it's about you brother and mother, Mommy can take care of them. So no need for you to worry." Siya ulit. Kaya naman napatango nalang ako. As if naman may magagawa pa ako.
Hay naku kasi Jhola! Ang tanga-tanga mo. Nag-iinarte kapa! Sabi ko nalang sa isipan ko.
Pag-angat ko ng ulo ko ay naka-tingin parin siya sa akin kaya naman, napa-kurap kurap ako.
"Uhm!" Tikhim niya. "Mag-ayos kana para makapag-libot na tayo sa isla. Kumpleto ang mga kasuotan diyan. Bahala ka ng pumili ng gusto mong suotin. Mauna na ako sa labas. Hihintayin kita." Siya at tumalikod niya.
Ako naman ay pumasok na ulit sa loob at saka isinara ang pintuan.
Shit na malagkit!!!! Kyaaaaaaaaa! Nakakabaliw! Ano ba naman tong nararamdaman ko!!!
Pagbukas ko ng cabinet ay sumalubong na naman ang mga damit na sa tingin ko ay puro mamahalin dahil sobrang gaganda!
Pinili ko ang bestida na puti na lampas tuhod at saka ko kinuha ang see through na kulay puti din para hindi litaw ang mga braso ko.
Pagharap ko sa salamin ay tumambad ang kabuuan ko at talaga namang ang ganda ng suot ko sa akin. Eto na naman ako. Pinupuri ko na naman sarili ko.
Nakalimutan kong si Sir Jerome pala ang makakasama ko sa paglibot. Hindi kaya nakakahiya na ganito ang dala ko? Tsk! Kainis!
Bumalik ulit ako sa cabinet. Pero ang mga nandon lang ay mga bestida at mga maong. Bahala na. Ito nalang ang isusuot ko. Sobrang komportable kasi ang pakiramdam ko sa bestidang ito.
Paglabas ko ng bahay ay nasa labas na nga siya. At nagpalit din siya ng damit. Short na white at sandong puti din na bakat na bakat sa matipuno niyang katawan.
Feeling ko na naman ay umiinit an naman ang pisngi ko. Tsk! Ano ba! Terno pa talaga kami?!
"You pretty in that dress " ngiti niya sa akin. At lalong umalab ang pisngi ko sa init.
Kaya naman napayuko ako.
"Ganyan ka ba lagi kapag pinupuri? Laging yumuyuko? Is that a way for you to say thank you?" Siya ulit. Kaya pinilit kong i-angat ang ulo para salubungin ang mga titig niyang pamatay.
"Pa-pasensya kana Sir. Hi-hindi po kasi ako sa-sanay na pinupuri ng iba." Nahihiyang sagot ko sakanya.
Shit na malagkit! Nawawala kasupladahan ko sakanya. Anyare na ba kasi sakin!
"Pwes, simula ngayon ay masanay kana." Bulong niya na hindi ko talaga naintindihan.
"A-ano po?" Tanong ko.
"Wala. Halika na." Siya at sumunod naman ako sakanya.
Habang nakasunod ako sakanya ay busy ako sa pagtingin sa paligid. Pareho kaming naka-paa kaya bawat pag-apak ko ay damang-dama ko ang lambot ng buhangin.
Medyo malayo na kami sa bahay at medyo malapit na kami sa ma-gubat na parte nitong isla pero tanaw parin naman ang dagat. Ang layo na pala ng narating namin at ngayon ko lang na-realize na wala pa palang nagsasalita samin simula kanina.
"Pahinga muna tayo saglit. Bago natin pasukin ang kagubatan." Siya at umupo nga siya sa buhanginan.
So, papasok pala kami sa gubat. Nae-excite tuloy ako. Dahil hindi pa ako nakaka-pasok sa gubat kahit minsan.
"I'm sorry for being rude the first time I met you. And sorry also for teasing you. Alam mo ba?" Simula niya.
"Ano po yon?" Napatingin ako sakanya. Pero siya ay nakatanaw lang sa dagat.
"Mommy likes you for me. Everytime na nag-uusap kami through phone calls noong nasa ibang bansa pa ako, ikaw lang lagi ang laman ng kwento niya. Your kindness, your coolness, your care and love for her. Ganun araw-araw. Till one day, I asked her kung bakit ka niya kinu-kwento sa akin then she said that you're might be good for me. You know? Na pwede ka daw maging girlfriend ko because you're single and pretty also." Kwento niya na ikinagulat ko. Nakakahiya tuloy. >•<
"Ha-huh? Pa-pasensya kana. Mababait lang po talaga ako sa mga matatanda at mabait din naman ang Mommy mo sa akin kaya karapat-dapat po siyang tratuhin din ng mabuti. " nahihiya pa ring sagot ko sakanya.
"Everytime na kinukulit niya ako to go home just to meet you ay napapa-ngiti ako. Never nakialam si Mommy sa lovelife ko kahit na girls come and go in my life. She never gave me advise and never niya akong ni-reto. But then bigla-bigla niya akong kinukulit na pinapauwi dahil may gusto siyang babae para sa akin. And that's you." Naka-ngiting pagpapatuloy niya ng kwento niya. At ako naman ay sobrang nahihiya na at sobra sobra ng nao-awkwardan sa sitwasyon naming dalawa dito ba parehong nakaupo sa buhanginan. " inaamin kong naiinis ako sayo noong una kitang nakita. Dahil akala ko ay sinasadya mong pakitunguhan ng maayos si Mommy para maka-huthot sakanya ng pera dahil nalaman kong sa ibang kasambahay na special treatment ay binibigay sayo ni Mommy. But then, I realized that I'm wrong noong nakasama ko sila Tonyong ay mas nakilala ko ang pagkatao mo. Na ikaw lang ang tumataguyod para sa pamilya mo. I'm sorry." Napaluha ako. Not because I'm touched. But because I don't know how I feel and how to react. Magagalit ba ako dahil jinuged niya ako or matutuwa dahil naantig siya sa pagkatao ko?
"Why are you crying? " takhang tanong niya ng mapalingon sa akin.
"Wala Sir. Tara na po. Gusto ko ng ma-explore ang gubat." Ako at nauna ng tumayo at naglakad papasok sa gubat.
Ayaw ko siyang makasama. Ayaw ko siyang makita na muna. Dahil nagtatalo ang saya at hiya sa akin ngayon.
BINABASA MO ANG
JHOLA PERPEKTA
Ficción GeneralJhola Perpekta. Ng mabasa mo ang pangalang iyan, ano ang unang pumasok sa isip mo? Huhulaan ko, siguro, ineexpect mong prinsesa siya, nasakanya ang lahat at sobrang perpekto ng buhay niya. Pero mali ka, kung gaano ka-perpekta ng apilido niya ay ganu...