28

120 7 1
                                    

"I swear! No more DNA testing. I'm sure that you're my daughter. Please come home with me." Saad ng parang ka-edad lang ni Nanay at nagpakilalang ama ko raw. Hindi ako marunong manapak pero parang gusto kong manapak ngayon.

"Ano naman kung anak mo nga ako? At bakit kailangan kong sumama sa iyo? Pinabayaan mo ako,kami ng Nanay ko tapos ngayon, kung bawiin mo ako, parang laruan lang na matagal na nawala sa iyo?"bahid ang pang-iinsulto sa tono ko dahil ito lang ang kaya kong gawin sakanya ngayon. Ang insultihin siya ng insultuhin.

"She left me. Siya ang nang-iwan at hindi ako." Puno ng galit ang kanyang mga mata ngunit hindi ako nagpasindak.

"Talaga? Kasi may kalaguyo kang iba at hindi mo alam ang dinanas niyang panghuhusga ng Nanay mo sakanya! Alam niyo po? Bago pa ako mawalan ng respeto sainyo ay kailangan ko ng umalis dito. "Tatayo na sana ako ng pigilan niya ako at napatingin naman ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko.

"I-I don't know what you're talking about. Anong husga? Anong Nanay ko?"naguguhang tanong niya.

At isinumbat ko lahat ang mga inamin sa akin ni Nanay. Sinabi ko sakanya kung gaano kasama ang ugali ng ina niya. Nanginginig ako habang lumuluha dahil pakiramdam ko'y, nararamdaman ko ang sakit at hinagpis noon na naramdaman ng Nanay ko. Porke't hamak lamang siyang mahirap ay hinusgahan na siya agad? Anong karapatan nilang husgahan ang isang mahirap?

Matapos niyang malaman lahat ay pilit niya akong niyayakap ngunit tinutulak ko siya dahil galit na galit ako sakanya. Ipinaglaban siya ni Nanay ngunit siya ay walang ginawa para ipagtanggol man lang si Nanay sa ina niya.

"Ngayon, paano mo masasabi na gugustuhin ko pang sumama sa iyo at makilala ang pamilya ninyo? Kung mga katulad niyo lang din ang magiging pamilya ko ay huwag na lang ho. Dahil mas mahirap kayo! Mahirap pa kayo sa mahirap dahil mapanghusga kayo!"patuloy ko pa rin sa panunumbat.

"Hindi ba't hinuhusgahan mo na rin ako ngayon? Pasensya...patawad dahil nagpabulag ako noon sa aking ina. Dahil pinaniwala niya akong si Nena ang unang nagtaksil sa akin kaya nagalit ako at nakapag-taksil din ako sakanya dahil sobrang mahal ko siya tapos lolokohin niya lang ako? Kahit na alam kong ayaw siya ni Mama ay ipinagpilitan ko pa rin siya na siya ang gusto kong mapangasawa ngunit ng sabihin sa akin ni Mama na may kinakasama siyang iba habang wala ako dito sa bansa ay sobrang galit ang aking nadama."ramdam ko ang paghihirap sa kalooban niya ay nabigla naman ako sa eksplanasyon niya. Totoo nga ba lahat ang mga sinasabi niya?

"Pero kahit na sobra ang galit ko sakanya ay hindi kailanman ako naging masaya sa piling ng ibang babae. Sinubukan kong magmahal ulit bago niya ako nilayasan habang dala-dala ka niya sa sinapupunan niya. Matagal na panahon bago ako nagsisi na hinayaan lang siyang iwan ako kaya sinubukan ko kayong hanapin ngunit nahirapan ako. Nakailang imbestigador ako ngunit kahit isa sakanila ay walang nakahanap sainyo kaya naman humingi ako ng tulong kay Jeson para hanapin kayo bago ako lumipad sa ibang bansa." Patuloy niya sa pagpapaliwanag at parang kaunti nalang ay gusto ko ng maniwala sakanya. Naaantig ang puso ko sa bawat salita na sinasabi niya dahil labis kong nararamdaman ang bawat hinanakit sa boses niya.

Sa sinabi niya, ibig sabihin kaya ay wala pa siyang pamilya? Ganon ba niya talaga kamahal ang aking ina na hindi na siya nag-asawa ulit?

"Parang hindi ako ang kailangan ninyong makausap. Gusto ko sanang mag-usap kayo ni Nanay para matapos na to lahat." Pinal na saad ko at nagpunas ng mga luha bago ko siya iniwan.

-----------------------------------------✂

"You don't need to do this Jhola. Your perfromance was good at hindi mo na kailangan pang mag-resign dito sa kompanya." Aburido na saad ni Tito Jeson.

"Karapatan ko ho bilang empleyada ang mag-resign. Hindi ba?" Malamig na tugon ko.

"But this company is yours too! And we're planning to train you so that when you're ready, you'll be the one to manage this company." Diretsahang saad niya sa akin na ikinagulat ko.

Paanong naging akin itong kompanya na ito?

"Paanong-..?"

"Itong company na to ay pag-aari ng kapatid ko na ama mo. Ako lang ang pansamantalang namamahala dahil palagi siya sa ibang bansa." Paliwanag niya. "Sino pa ba namang magmamana sa mga ito kung hindi ikaw? Dahil ikaw lang ang nag-iisang anak niya."

Wala akong masabi dahil biglang tumigil ang utak ko. Kaswertehan ba ito?

"Dad! Who is she?" Nabalik ako sa reyalidad dahil sa narinig kong boses. At pagtingin ko dito'y masama ang tingin sa akin at nakataas ang isang kilay.

"She's Jhola. By the way, why are you here?" Tanong naman ni Tito Jeson.

"I want some money. " saad niya na hindi inaalis ang tingin sa akin but this time, parang lumamlam na ang mga mata niya.

"She is Gabriela my eldest daughter."baling sa akin ni Tito Jeson. At tumango naman ako bilang pagbati sakanya.

"And who is she? What I mean, is she related to our family?" Mukhang sakanila ko yata namana ang pagiging prangka dahil simula kay Tito Jeson ay napansin ko na iyon.

"She's your uncle Sossimo's long lost daughter."pahayag naman ni Tito Jeson at hindi ko inaasahan ang sunod na reaksyon niya dahil sinugod niya ako ng yakap.

"Oh God!!!! For real?! You're my cousin?! Kaya pala iba na agad ang pakiramdam ko sa'yo e! Welcome to the family cous!" Halata ang pagka-sabik at tuwa sa boses niya.

Sa nakita kong reaksyon niya ay parang kumbinsido na nga akong hinanap ako ng ama ko noon. Sa tuwa niya ay nakaramdam din ako ng tuwa. Parang gustong magsilaglagan ng mga luha ko sa tuwa. Dahil ngayon lang ako nakaramdam ng ganito na may taong nasasabik sa akin.

"Sal-salamat Ga-Gab." Nanginginig ang boses ko pero may ngiti sa aking mga labi.

"Call me Gabby cous! " siya at niyakap ulit ako.

Tuwang-tuwa din si Tito Jeson sa aming dalawa at napag-alaman kong mas matanda pala ako ng dalawang taon sakanya. At kaya siya sabik sa akin ay dahil nga daw sa matagal na akong hinahanap.

JHOLA PERPEKTA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon