16

136 10 4
                                    


A/n: hi sapphiregrace1224 Sapphire_45 na-insert ko na name mo. Check mo nalang. Sana magustuhan mo. ☺☺☺

Kahit malakas ang ulan ay hindi ako tinigilan sa pangungulit ni Jerome na mag-celebrate daw kami dahil tanggap na ako sa trabaho.

Ang nakakahiya lang ay ako ang natanggap ngunit siya ang manlilibre.

"Ano ba buy! Sobrang nakakahiya na sayo. Sinamahan mo na nga ako tapos ngayon ay ikaw pa ang manlilibre." Tanggi ko parin kahit na nandito na kami sa loob ng restaurant na napili niya.

"Ano ba! Celebration to buy! Kaya wag ka ngang magdrama dyan. Problema ba yon? E di ikaw ang manlibre kapag may sahod kana. Umorder na nga tayo." Pilit niya kaya wala na akong nagawa.

Siya lang din ang nag-order. Dahil okay na ako sa kung ano mang oorderin niya oara sa aming dalawa.

Habang kumakain na kami ay hindi ko parin maiwasang isipin yung kanina.

"Buy bakit kaya ganon ang gusto niyang itawag ko sakanya? May kinalaman kaya si Mommy mo?" Tanong ko kay Jerome.

"Sabi na nga ba't maguguluhan kana naman sa sinabi ni Tito kanina. Ganun yon kapag nagustuhan niya ang isang tao. Gusto ka niyang ituring na parang ka-pamilya. Ganon yon buy! Wag ka nga mag-isip ng kung anu-ano. Pati tuloy ako ay napapaisip sayo! Haha!" Sagot niya. Kaya napa-buntong hininga nalang ako.

Wala sa sarili akong kumakain.

Ganon nga ba talaga iyon?

Pagtingin ko sa labas ay malakas parin ang tila ng ulan.

Pagtingin ko din sa lumang relo ko ay alas dos na pala ng hapon.

Bigla kong naisip si Junior. Baka hindi kumakain iyon dahil nakalimutan ko nga palang mag-iwan ng pera at tiyak na hindi lumabas yon ng bahay dahil malakas ang ulan. Pagtingin ko sa kinakain ko ay bigla akong nakonsensya. Ang sarap ng pagkain ko pero hindi ko man lang siya naisip. Hay buhay!

"Oh buy, bakit bigla kana namang natulala dyan?." Sita sa akin ni Jerome.

"E busog na ako. Tiyaka itong tira natin, pwedeng pabalot nalang? Nakalimutan ko si Junior baka hindi pa iyon kumakain." Nahihiyang saad ko sakanya. At sumeryoso naman ang kanyang mukha.

Pinabalot niya ang mga ulam na halos di namin nagalaw at umorder din siya ng dagdag na ulam. Tumanggi ako ngunit wala lanh din akong nagawa.

Ng nasa byahe na kami pauwi ay wala sa amin ang umiimik.

Sinubukan ko siya kaninang kausapin siya pero eto na naman siya sa ugali niyang kapag ayaw niyang magsalita ay hindi talaga siya magsasalita.

"Uy buy, ano bang problema?" Pangungulit ko ulit sakanya.

"Anong problema Jhola? Ikaw e? Akala ko ba walang hiyaan o ano pa man. Pero abkit bumabalik kana naman sa pagiging ilang/ilap mo sa akin? Akala ko ba okay na tayo?" Sumbat niya sa akin at ako naman ay napayuko.

"Hindi ko kasi maiwasang wag mahiya sayo. Sobra sobra na kasi ang kabutihan mo." Tapat na sagot ko. Dahil iyon talaga ang totoo.

"Na hindi mo hinihingi dahil kusa ko iyong ibinibigay dahil gusto kitang tulungan. And please Jhola, wag mo naman kasing isipin na sa bawat kabutihan na ginagawa ng tao sayo ay laging may kapalit. Dahil tulad ko, masaya akong nakakapag-pasaya at nakakatulong ng tao ng walang hinihinging kapalit." Paliwanag niya at talo na naman ako.

Ilang beses ko ng narinig mula sakanya pero sadyang matigas ang aking bungo dahil matigas ang aking ulo.

"Oo. Pasensya na. Hindi na mauulit." Pagpapakumbaba ko.

"Hay Jhola!" Hinga naman niya ng malalim.

Napaka-bait talaga ng lalaking to sa akin.

Nasasanay na din akong lagi siyang nandiyan para sa akin tuwing kailangan ko siya.

Sana ay wag siyang magbago.

JHOLA PERPEKTA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon