29

127 6 0
                                    

Sinamantala ko ang araw na ito para bisitahin si Madam Unday.

Iniwan ko si Tatay at Nanay na nag-uusap sa bahay.

Sinabi na rin ni Nanay ang tungkol kay Junior. Na inampon daw niya pala ito dahil iniwan din siya ng Nanay niya kay Nanay bago ito namatay sa sakit.

Kung iniisip ko ang lahat. Kahit na karahasan at pagsusungit ang ipinamulat sa amin noon ni Nanay ay mabuti pa rin ang kanyang kalooban. Una sa lahat ay binuhay niya kami kahit na hindi sa gusto naming paraan niya kami pinalaki. Ang pinakamahalaga doon naging tao kami dahil sakanya.

Ang isang ina ay mananatili pa rin talagang ina kahit na anong mangyari.

"Jhola! Iha! Buti nakadalaw ka?" Surpresang reaksyon sa akin ni Madam.

"Kukumustahin ko lang po sana kayo." Ngiting saad ko sakanya.

"Ayos lang naman ako. At kayo ng pamilya nyo? Nabalitaan ko ang lahat. Wala akong alam sa lahat ng nangyayari. Nalaman ko na lang lahat ng ito kay Jeson. Mabuti pala talaga at inirekomenda kita sakanya ano?"masayang sabi niya sabay hawak sa kamay ko.

Ang totoo niyan, isa sa rason ko sa pag-punta rito ay upang malaman sana kung nababanggit ba ako ni Jerome sa tuwing tumatawag siya sa Mama niya.

Ngunit halos patapos na kami sa aming kumustahan ay wala pa ring nababanggit sa akin si Madam.

Siguro nga ay wala na siyang pakialam sa akin. Siguro ay talagang sinamantala at pinaglaruan lamang niya ako.

Sa isiping iyon ay kinurot ng husto ang aking puso.

"Eh paano yan? Isasama na ba kayo ni Sossimo sa bahay nila?"

"Hindi ko pa po alam dahil kasalukuyan palang silang nag-uusap kanina sa bahay."

"Ah-...Ti-tita...tu-.."

"Ano yon iha?"

"Ku-kumusta raw po si Jerome?"buong tapang kong tanong. At pagkatapos kong matanong iyon ay naglabas ako ng malalim na buntung-hininga.

"Ayos lang naman siya. Regular siyang nanga-ngamusta sa akin. Ewan ko ba sa batang iyon. Nagbago na naman ang isip. Ang sabi niya'y tatapusin na ang kontrata niya at ipapakilala na niya ang babaeng nililigawan niya sa akin. Tapos biglang naging ganon."bahid ang lungkot sa mukha niya. At ako nama'y sobrang nasasaktan sa mga nalalaman ko. Ako ba dapat ang ipapakilala niya kay Madam? Ngunit, ano nga ba kasi talaga ang nangyari? Tumatawag pala siya kay Madam pero sa akin ay hindi. "Alam mo? Umasa talaga akong liligawan ka niya Jhola. Dahil noong hindi pa siya umuuwi dito ay lagi kitang naiku-kwento sakanya at nasabi ko rin sakanya na gusto kitang maging nobya niya sana. Pero naisip ko rin, hindi dapat ako pwedeng makialam sa buhay pag-ibig niya." Dagdag pa nito at hinawakan ang aking kamay sabay bahagyang pisil ito.

Ngumiti naman ako ng pilit sakanya.

-------------------

Pagka-uwi ko ng bahay ay nadatnan kong masaya ng nag-uusap sila Nanay at Tatay. At isa lang ang ibig sabihin nito. Sa tingin ko'y ayos na sila.

"Anak! Mabuti at nandito ka na. Ano? Kumusta na raw si Unday?"masayang bungad sa akin ni Nanay habang si Tatay ay nagkakape dahil malamig ngayon ang panahon.

"Mabuti naman siya Nay. Kayo ho? Tapos na po ba kayong mag-usap?" Walang ganang sagot ko. Alam kong napansin yon ni Nanay ngunit nag-aalangan lang itong magtanong.

"Yes. And we'll discuss it later pagdating ni Junior." Nakangiti namang sabad ni Tatay.

Paglabas ko ulit ng bahay para bumili ng mamemeryenda ay nandyan na naman ang mga mapang-husgang tingin ng mga kapit-bahay at kunwari nagbubulungan pero dinig na dinig ko naman.

Hindi ko lang sila pinansin hanggang sa makarating ako sa tindahan.

"Manang Delia, isang supot nga ho na presto at isang litrong RC."abot ko kay Aling Delia ang pera at literal na nagulat ako sa itsura niya dahil hindi gaya dati na laging matatalim ang mga mata niya at naka-simangot sa tuwing ako ang bibili sa tindahan niya.

"Oh eto Jhola. Balita ko'y mayaman ang Tatay mo ha? Ano na? Iuuwi na ba kayo sa mansyon niya? Naku Jhola! Wag mo akong kakalimutan ha?"tuwang-tuwa talaga siya sa sinasabi niya. Ako naman ay napataas ang gilid ng aking labi.

Ganyan naman ang mga tao diba? Kilala ka lang kapag alam nilang mayaman ka. Tsk!

Pagkadating nga ni Junior ay sinabi nila Nanay at Tatay ang kanilang napag-usapan na lilipat na nga kami ng bahay dahil sa bahay na kami ni Tatay titira. At sinabi rin niya sa amin na kasama naming titira doon ang Mama niya. Sa una ay talagang umayaw ako dahil sa ideyang makakasama namin sa isang bahay ang umalipusta noon kay Nanay. Kahit pa sabihin na nating Lola ko ngunit ang ginawa niya sa Nanay ko ay hindi nararapat. Pero pinakiusapan ako ni Nanay na pagbigyan si Tatay para man lang daw makabawi siya sa pag-iwan at paglayo niya sa akin noon kay Tatay.

At syempre si Junior ay kinausap na rin siya ni Tatay na pwede niya itong ituring na para ng totoong Tatay na rin niya dahil parte na rin daw siya ng pamilya.

"Ate! Hindi man tayo totoong magkapatid, sobrang nagpapasalamat ako dahil sainyo ako iniwan ni Nanay bago siya namatay. Maraming salamat ate." Parang naiiyak na saad niya.

"Siraulo! Bakla ka nga talaga. Ang dami mong drama! Halika nga dito!" Utos ko sakanya at saka siya niyakap.

Hindi man kami totoong magkapatid, pero sa isip at puso ko'y tunay ko na siyang kapatid.

"Ate kumusta na pala kayo ni Kuya Jerome? Kelan daw siya uuwi?" Pagdaka'y tanong niya sa akin na ikinatigil ko sa pagtawa.

Ang mukha kong puno ng saya kanina'y biglang lumungkot na hindi maipinta.

JHOLA PERPEKTA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon