"Ate! Ate! Punta kana daw don kasi darating na si Kuya Jerome!" Tarantang sabi sakin ni Junior.
"Sinong Jerome?" Tanong ko.
"Yung anak na ni Ma'am yon Jhola. Sige na punta kana dun at kami ng bahala dito." Taboy naman sa akin ni Manang Mia kaya naman wala na akong nagawa kundi sumunod nalang sa kapatid ko.
Paglabas namin ng kusina ay hinatak agad ako ni Junior sa terrace kung nasaan si Madam.
Grabe. Sobrang importante talaga ng darating at kailangan pa talagang abangan siya dito.
"Oh Jhola! Saan kaba kasi nagsusuot? Halika at maupo tayo dito habang hinhintay si Jerome." Sabi niya at sumunod naman ako sa sinabi niya.
So, Jerome nga talaga ang pangalan niya.
Habang hinihintay nga namin siya ay panay ang kwneto ni Madam tungkol sa kabataan ni Jerome daw. Makulit daw ito at pala-biro. Pero kung wala daw sa mood ay seryoso pa sa seryoso. Nakikinig lang naman ako sa kwento niya hanggang sa marinig namin ang busina ng sasakyan at agad-agad kaming tumayo at tumungo sa garahe upang hintaying makababa ito.
At ng nakaparada na nga ang sasakyan sa harapan namin ay kasunod niyon ang lalaking naka-maong pants at V-neck na stripe white and black na shirt at naka-sunglass.
"Ihoooo! Welcome back home anak." Halata ang sobrang tuwa sa boses ni Madam.
Niyakap din siya ng mahigpit ng kanyang anak. Totoo nga palang sobrang tangkad nito. Dahil habang tinitignan ko silang mag-ina ay naka-tingala ako sakanya.
"Haha! Let's go inside first mommy. Na-miss ko din kayo pati na din ang mga pagkain dito. Gutom na nga ako e." Siya na parang bata na hinila ang kamay ni Madam.
Tumulong nalang din akong magbuhat ng mga bagahe niya.
Sa tantiya ko ay magiging matagal ang bakasyon niya dahil sa sobrang dami niyang bagahe.
Ng maipasok ko ang bitbit kong bagahe niya ay tumuloy na ako sa kusina upang tulungan silang mag-hain at mag-ayos sa mga gagamitin. Ganun din ang ginawa ni Junior dahil iyon ang utos ko sakanya.
"Ah! I forgot. Iho, this is Jhola. Yung lagi kong kinukwneto sayo." Hila sa akin ni Madam habang hawak-hawak ko pa ang mangkok na may lamang ulam.
"Kumusta ka? Lagi ka ngang naiku-kwento sa akin ni Mommy." Titig ang mata niya sa akin at tipid ang kanyang mga ngiti.
Nai-istupiduhan tuloy ako sa dating niya.
"Okay lang naman po." Sagot ko at ginantihan ko din ng tipid na ngiti ang mga ngiti niya sa akin kanina.
"Ikaw talagang bata ka! Sinabi ko na nga sayong hayaan mo na sila Mia dyan dahil bisita ko kayo ng kapatid mo ngayong araw. By the way anak, si Junior nga pala, kapatid ni Jhola." Bumati naman si Junior sakanya at naiinis ako dahil parang mas naaliw pa siya sa kapatid ko kesa sa akin kanina.
Hmmm...siguro ay bakla din siya. Haha! At dahil sa isipin kong iyon ay napapangiti nalang ako mag-isa habang umuupo. Katabi ko si Junior, si Madam sa kabisera at sa harapan ko si Jerome.
Napa-mulagat ako ng pagtingin ko sa gawi niya ay nakatitig siya sa akin na para bang nawe-weirduhan.
Kaya naman kesa makipagtitigan sa weirdo na to ay iniyuko ko nalang ang ulo ko.
"Jhola iha..wag kayong mahihiya ha? Kain lang kayo." Sabi ni Madam habang iniaabot sa akin ang mangkok ng ulam.
Mas lalong nahihiya tuloy ako kapag ganito dahil mas nagmumukhang patay-gutom at kawawa kami.
BINABASA MO ANG
JHOLA PERPEKTA
General FictionJhola Perpekta. Ng mabasa mo ang pangalang iyan, ano ang unang pumasok sa isip mo? Huhulaan ko, siguro, ineexpect mong prinsesa siya, nasakanya ang lahat at sobrang perpekto ng buhay niya. Pero mali ka, kung gaano ka-perpekta ng apilido niya ay ganu...