32

108 7 1
                                    

"But why? Bakit parang lahat kami ay tinatanggihan mo?"makulit na tanong ni Clinton. Isa sa mga manliligaw ko. Nagyaya siya kasi kanina ng lunch at pumayag na ako hindi dahil gusto ko siyang makasama, kundi gusto ko na siyang tapatin na wala siyang mapapala sa akin.

Lately, ito na ang gusto kong gawin. Ang prangkahin na silang lahat at patigilin na sila sakanilang mga panliligaw.

"Like what I told you before, nasa negosyo ang focus ko at wala akong panahong makipag-nobyo. Sana ay naiintindihan mo ang desisyon ko."nagpapaliwanag ang boses ko. At bahagya akong nagulat sa inasta niya dahil bigla nalang siyang tumayo iniwan ako.

Wow! As in wow! Busted lang, may karapatan ng mambastos?! Tch! At ako pa ngayon ang magbabayad dito sa orders namin? Psh!

Sa sobrang inis ko ay umorder pa ako ng shake para pampalamig lang ng ulo.

"So hot! Grabe! Wala pa ba si Jerome?"dinig ko sa familiar na boses. Pero mas ikina-gulat ko ang nabanggit na pangalan.

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko.

"And also my lil sis! Ang tagal niya. Paimportante na naman ang gaga!"asar naman na tugon ng isa.

Kaya naman pasimple ko silang tinignan at hindi ako nagkakamali dahil sila iyong mga babae noon sa comfort room sa isla.

Ganito ba talaga kaliit ang mundo at hanggang dito ay nagtagpo pa rin ang mga landas namin?

Saktong dumating ang order ko at sakto namang papasok si Gabriela na naka-simangot habang papalapit sa upuan ng dalawang babae na malapit lang dito sa upuan ko.

Kinuha ko ang shades ko sa bag at isinuot iyon upang hindi nila ako mahalatang naka-tingin sakanila dahil tinted ang suot kong salamin.

"What!? Bakit mo na naman ba ako pinapunta dito!? "Pagsu-sungit na bungad ni Gabriela sakanila na tinawanan lang ng dalawa.

"How's our long lost cousin? I've never met her. Is she beautiful like us baby sis?"may pang-uuyam sa boses niya na ako mismo ay hindi ko nagugustuhan.

"Well, how will you gonna meet her e busy ka sa paglulustay ng pera. And for your question, she's much beautiful than you SIS. If wala ka naman palang sasabihin, I'll go ahead. Busy ako so don't bother call me again." Mataray na saad nito at saka sila tinalikuran.

So, ako ang pinag-uusapan nila? At yon pala ang ate ni Gabriela. Kaya pala hindi ako excited na makilala siya dahil ugali palang niya ay ayaw ko na.

At dahil interesado ako sa nabanggit nilang pangalan ay nagtyaga akong maghintay pa sakanyang pagdating.

habang hindi pa ito dumarating ay sobrang dami ng pumapasok sa utak ko. Dahil last time na nakita ko ang dalawang babaeng to ay tinanong ko sakanila mismo kung Jerome Bretes ang pinag-uusapan nila at sinagot nila ako ng oo.

Pero sa kabilang banda ay umaasa pa rin akong hindi si Jerome na kakilala ko ang darating dahil baka ngayong araw na to ay mamamatay ang puso ko.

Sobrang dami ng nagbago at nangyari sa buhay ko ngunit hindi ako tumigil sa kaka-asang babalik siya dito at hahanapin ako upang ipaliwanag ang lahat ng nangyari sa pagitan naming dalawa.

"There he is girl! You're oh so ever handsome lover! Jerome!! Over here!" dinig kong saad ng pinsan ko kuno kaya naman napatingin ako sa pituan ng restaurant habang sobrang kabog ng dibdib ko.

Parang gusto kong ibuga ang buong baga ko dahil sa sobrang relief na naramdaman ko ng makita kong iba ang tinutukoy nilang Jerome.

Parang gusto kong pagtawanan ang sarili ko.

At dahil sa sobrang naiintriga pa rin ako sa Jerome na sinasabi nila ay kinapalan ko ang pagmumukha ko at tinapangan ko ang sarili kong lumapit sa table nila.

"Hrrrm! E-excuse me. Pero pwede bang magtanong?" hindi ko alam kung ramdam nila ang pag-nginig ng boses ko o hindi pero talagang nahihiya ako sa ginagawa ko ngayon.

Sobrang dama ko ang pagka-disgusto ng pinsan ko sa akin base sa nakikita kong reaksyon niya dahil matapos ako nitong pasadahan ng mula ulo hanggang paa ay inirapan niya ako. Pero wala akong pakialam dahil gusto ko lamang patahimikin ang isipan ko tungkol sa tinutukoy nilang Jerome.

"What is it Miss?" nakangiti namang tanong ng kasama nilang lalaki sa akin na tinawag ng pinsan kong Jerome kanina. At sakanya ako sobrang naiintriga.

"I-Ikaw ba si Jerome Bretes?" Agarang tanong ko at hindi ko na pinansin pa ang dalawa.


"No. I'm Jerome Colubretes. Why? Do you know me?" Tanong niya ulit at lalo akong nagihawaan sa impormasyong nakuha ko.

Laking pasalamat ko talaga at naliwanagan na lahat ng gumugulo sa isipan ko.

"Hey! I know na kung saan kita nakita! Ikaw na naman ang nagtanong noon tungkol sa boyfriend ko! Are you one of his fling!? Huh!? Bitch!" Bulyaw ng babaeng isa. At nakuha niya ang atensyon ng iba pang mga kostumer.

"Yanah! Stop it!"bulyaw ng lalaki sakanya.


"Pa-pasensya na kayo. Pero Miss, hindi ako fling ng nobyo mo. Akala ko kasi ay siya iyong kilala ko. Paumanhin ngunit ayaw ko ng gulo."paumanhin ko at talikod ko sa table nila.

Dinig ko pa ulit ang pagsigaw niya sa akin ng bitch at gaya ng dating ugali ko ay wala akong pakialam. Basta kilala ko ang sarili ko at na-satisfy ko ang sarili ko at naliwanagan na lahat sa akin tungkol sa taong akala ko'y kilala rin nila.

Nang makalabas ako ng restaurant ay tinawagan ko ang driver ko para sunduin ako. At ilang minuto pa'y dumating din ito at umalis agad kami sa lugar.



JHOLA PERPEKTA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon