Gabi na at kasalukuyang nandito kami sa labas ng bahay.
Umiinom ako pero light lang dahil hindi ako sanay sa inuman na hindi kagaya nila Jhandy at Gabriela na brandy ang kanilang iniinom.
"What happened to you? Why so silent?" Sita sa akin ni Jhandy.
"Oo nga. Okay ka lang naman kanina sa mall ah?" Segunda ni Gab.
"Nakita ko siya kanina, nandito na pala siya pero hindi man lang siya nag-abalang hanapin ako para makapag-paliwanag siya." Walang ganang sagot ko sakanila.
"What!? When!? Where mo siya nakita!?"
"Sigurado ka bang siya talaga yon?"
"Oo naman. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya iyong nakita ko." Sagot ko.
"It's still him? Kaya naman pala kahit isa sa mga manliligaw mo ay wala ka pang sinagot." Si Jhandy.
"Malay mo? One of this days, magkikita kayo. " si Gab.
Alam na din kasi nila ang tungkol sa amin. Nasabi ko sakanila ng mapansin nilang hindi ako masyadong nag-eentertain ng mga gustong manligaw. Kaya naman sinabi ko sakanila ang nangyari sa amin noon ni Jerome at nasabi ko sakanilang minahal ko siya kahit na hindi naging kami at siya pa rin talaga ang hinihintay ko hanggang ngayon.
Siguro'y nagkamali ako sa pagputol sa aming communication lalo na't nagkamali ako sa inakala kong siya at ang tinutukoy nila non ay iisa. Kung iisipin ko talaga ay ako talaga ang may kasalanan ng lahat sa amin pero kung talaga sanang mahal niya ako, ngayong nandito na siya'y, sana'y pinuntahan pa rin niya ako upang hingan ng eksplanasyon at ganun din siya kung bakit hindi niya ako tinatawagan noon.
"Let's just enjoy this night. Can I taste that brandy?" Sabi ko sa dalawa at nag-unahan pa talaga silang nag-abot sa akin ng alak.
"Hahaha! You know what!? Mas masaya sana tayo kung pati si ate nandito e. Pero malabo ng makakasama natin yon dahil naadik na siya sa kaibigan niyang ipokritang Jastine!" Biglang sambitla ni Gab.
"Tch! You're drunk already " si Jhandy.
"Of course not!? Totoo naman diba? Nagbago lang naman siya dahil sa Jastine na yon e. Such a slut and a goldigger bitch!" Irita pa ring saad nito.
Kaya naman nagtanong ako tungkol sa sinasabi niya at Jastine pala ang pangalan ng kasama ni Aljean kanina na kapatid ni Gab.
"Gab was right. Nagbago talaga si Aljean simula ng makasama niya si Jastine." Si Jhandy.
Hindi raw pala mayaman si Jastine. Naging magkaibigan lang ang dalawa noong nagkita sila sa bar.
At madalas daw na pinagkaka-gastusan ni Aljean si Jastine dahil lagi daw itong kapos sa pera. Hindi rin daw nila alam kung bakit ganon nalang siya makisama sa Jastine na yon dahil kitang-kita naman daw ang kasamaan ng ugali nito.
Pero sa mga naririnig ko sakanila ay wala akong pakialam dahil si Jerome lang ang laman ng aking isipan.
Ano nga ba talagang nangyari?
Bakit parang may mali?
------------------------
Maagang umalis ang dalawa dahil may lakad pa daw sila.
Ako naman ay parang tinatamad pumasok sa opisina at hindi ko din maintindihan ang sarili ko ngayon dahil ako man ay naninibago din ako sa mga inaasta ko.
Naligo ako at isinuot ang piniling damit ni Gab sa akin kahapon. Isang maiksing short na kitang-kita ang hubog ng mga hita ko at hanging shirt na litaw ng kaunti ang aking tiyan.
Nagsuot din ako ng rubber shoes saka pinarisan ng sling bag.
Ng magpaalam ako kay Inay ay bahagya niya akong pinasadahan ng tingin pataas pababa at pati si Junior ay kinantyawan akong "taray! Lume-level ang ate!" Pero sa mga reaksyon nila'y natawa lang ako.
Hindi naman siguro masamang magbago hindi ba?
Tama si Gab kahapon, minsan talaga ay sa pisikal anyo nalang tayo nakaka-kuha ng respeto.
Hindi ko man talaga todong ipinahalata kahapon ang pagkapa-hiya ko dahil sa sinabi ng tindera pero sa loob ko ay halos ikinamatay ko ang sinabi niyang insulto sa akin. Na sa pagmumukha ko'y dukha pa rin ako at walang kakayahang bumili ng mga bagay na mamahalin.
Hindi na ako nagpahatid sa driver dahil marunong naman na akong magmaneho.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Pero habang nagbi-byahe ako ay biglang sumagi sa isipan ko si Jerome at napag-desisyunan kong dalawin si madam Unday para na rin makompirma talaga kung narito na nga si Jerome o wala pa. Desperada na kung desperada pero gusto ko lang maliwanagan ang lahat.
"Oh!? Naligaw ka yata? "Si Bibay ay nagbukas sa akin ng pintuan.
"Nandiyan ba si Tita Unday?"kalmadong tanong ko dahil hanggang sa kaya ko talaga ay ayaw ko siyang patulan.
At ewan ko talaga sa babaeng to dahil hanggang ngayon ay napaka-init pa rin ng dugo sa akin.
"Busy sila. At bakit ka ba nandito? Hoy Jhola! Hindi porket mayaman ka na ay baka isipin mong kailangang respetuhin na kita. Bumalik ka nalang sa isang linggo busy ang mga tao ngayon dito."walang modong taboy niya sa akin na ikina-init ng dalawang tainga ko.
"Alam mo, wala akong sinasabing respetuhin mo ako dahil wala akong pakialam sa iyo. Ang ipinunta ko rito ay bisitahin si Tita at hindi para makipag-away sa iyo." Sagad-butong timpi kong sabi sakanya.
"Bibay, sino yan?"boses ng lalaki at hindi ako pwedeng magkamali. Alam kong si Jerome iyon.
"Si-si..."tarantang saad ni Bibay pero huli na dahil naka-dungaw na sa pintuan si.....
Hindi ko kilala pero kamukhang-kamukha siya ni Jerome.
"Yes Miss? Sinong hinahanap mo at anong kailangan mo?"simpatikong ngiti niya sa akin.
Kaya naman pakiramdam ko ay namula ang mga pisngi ko.
Pagtingin ko naman kay Bibay ay panay ang irap sa akin.
"Iho...oh Jhola iha! Thank God and you're here! Long time no see anak. Halika dito sa loob! Bibay maghanda ka ng meryenda!"yakap at hila niya sa akin papunta sa loob ng bahay at hindi ko lang pinansin si Bibay pero hindi nakaiwas sa akin ang nakakalokong ngiti ng lalaki.
"Oh! Ito nga pala ang panganay ko iha si Chedler and Chedler, this is Jhola."pagpapakilala ni tita Unday sa amin sa isa't-isa.
"Nice to see you and meet you Miss Jhola."abot-tenga ang ngiti niya kaya naman ginantihan ko rin siya ng ngiti.
Mukhang siya nga ang nakita ko kahapon at hindi si Jerome. Hindi kataka-takang napagkamalan ko siya dahil talaga namang magka-hawig sila.
"Actually, kararating lang niya last week. At alam mo ba Jhola? Sobra talagang tuwa ko dahil umuwi ang anak kong ito dahil nga sa bagong desisyon na naman ni Jerome na manatili sa barko. Nawalan na nga na naman kami ng communication ng batang iyon e."masayang malungkot na saad niya.
At talaga namang nakinig akong mabuti sa sinabi niya. Sa barko pala siya, akala ko ay sa abroad lang at sa opisina siya mag-i-stay. Hindi kaya, noong hindi siya nakatawag sa akin ay nasa barko siya?
Dahil malabong kumustahin niya ako sa Mommy niya dahil walang alam si Tita Unday sa aming dalawa. Tanging kaming dalawa at mga kaibigan at pinsan ko palang ang nakakaalam. Pati sa miyembro ng pamilya ko ay walang alam sa amin.
Maaari kayang ganon?
Nasa ganon akong pag-iisip ng bigla akong mapatingin sa kapatid ni Jerome upang malaman lamang na mataman niya pala akong tinititigan.
Halos pareho lang sila ni Jerome. Na parang nakakatakot sakanilang makipag-titigan.
BINABASA MO ANG
JHOLA PERPEKTA
Ficción GeneralJhola Perpekta. Ng mabasa mo ang pangalang iyan, ano ang unang pumasok sa isip mo? Huhulaan ko, siguro, ineexpect mong prinsesa siya, nasakanya ang lahat at sobrang perpekto ng buhay niya. Pero mali ka, kung gaano ka-perpekta ng apilido niya ay ganu...