41

103 6 0
                                    

"At dahil hindi alam ni brother ang tunay na gender ko ay....magpapanggap akong manliligaw mo! Nang sa ganon, ma-test natin siya kung gusto ka pa niya o hindi na."si Chedler na kanina pa salita ng salita habang magkatabi ang higaan naming dalawa at minamasahe.

"Titigilan ko na ang kapatid mo."malungkot na saad ko.

"Ay! Ganern nalang te? Jushko! Akala ko ba mahal mo? Tapos ano yang epek epek mong ganyan!? Talo ka na agad? Wala ka pang ginagawang moves diba!? Kaloka ka ha?"pagalit niya sa akin at ewan ko kung matutuwa o maiinis ako sakanya.

"Mas hindi ako makapaniwala sa transformation mo. Paano mo nagawang maging presko noong una kitang makita? Tapos ngayon? Mas babae ka pa sakin? Alam mo yon? Nakaka-bobo lang eh!"natatawang sabi ko sakanya.

"Ganern talaga teh! Pero alam mo? Pansin ko kanina sa mga beh mo ay ramdam nilang bekibels ako. Kaya nga next time na ma-meet ko sila ay sasabihin ko ang tunay na identity ko para was na ako mag-effort magpakalalaki sa harapan nila. Hayyyy Jhola. Alam mo bang bet na bet ka ni mudang para kay brother? Bakit ba kasi ang keme din ng brother ko na yan eh! Sabunutan ko kaya siya ng magising na siya forever! Jushko! Oy day, wag mo namang masyadong pisilin sa bandang yan. Ang tutulis ng mga kuko mo eh!"reklamo niya sa masahista at natawa nalang ako.

Hanggang sa pauwi na kami ay kinulit lang niya ako ng kinulit tungkol daw sa plano niya. Nakaka-ewan na siya. Ang sakit na nga din ng ulo ko dahil sa kaka-bunganga niya kanina pa eh!

Sa huli ay sumuko at pumayag din ako sa sinasabi niya. As if naman na may magagawa pa ako.

Ng makauwi siya ay napaisip din ako.

Paano kung ipagtabuyan niya ako ulit dahil mahal na niya si Chararat?

Paano kung ayaw na niya talaga sa akin?

Paano kung hindi pa rin siya naninalwa sa paliwanag ko sakanya?

Hay! Kaimbyerna na talaga!

Nagulat ako ng marinig kong nag-vibrate ang phone ko.

May message si Chedler.

Ipalaalam kita sa mga magulang mo na stay ka muna ditey for 1 week.

Napaluwa ang mata ko sa nabasa ko. Wala sa usapan itong sinasabi niya kaya naman tinawagan ko siya.

"Hoy! Anong pinagsasabi mo!? No way! Hindi ako mag-i-stay dyan! Ano ka? Ano siya? Hay! Tigilan mo ako Chedler ha!"inis na salita ko sakanya.

"Aw...too late my dear. Si Mommy mismo ang nagpaalam sa parents mo. And yeah, I already told her everything and guess what!? She's very duper happy! See you tomorrow. Papasundo kita sa driver namin. Babye!"ni hindi man lang niya ako hinintay magsalita.

Napasapo nalang ako sa noo ko.

Ano na naman ba itong pinasok ko? Tch!

"Oh iha, you're already here. Halika na at sabay sabay na tayong kumain."si Tatay at agad naman akong sumunod sa kusina matapos ilapag sa sala ang bag ko.

"Nga pala Jhola, tumawag kanina si Unday at kung maaari daw ay sakanila ka na muna maglagi dahil kailangan ng kasama ang anak niyang si Chedler sa pamamasyal. Pumayag naman ako agad at sinigurado ko sakanyang pupunta ka sa bahay nila bukas. Isang linggo lang naman daw at sabi naman ng Tatay mo na ayos lang na lumiban ka muna sa opisina. Siya nalang daw ang bahala kaya wala ka ng dapat problemahin pa."paliwanag ni Nanay at sa salita niya'y walang-wala na talaga akong magagawa.

Tsk!


Matindi din pala talaga ang baklitang yon eh!


Asar siya ha!


Tutal ay napasubo nalang din ako, itutuloy ko na ang panunuyo kay Jerome.

My goal was to win him back!

Nag-empake ng gamit ang ginawa ko buong gabi.

Gusto din sanang sumama ni Junior kaso hindi siya pinayagan ng 1 week kundi pwede lang siyang mag-stay doon ng isang gabi at uuwi rin kinabukasan dahil may pasok siya sa eskwelahan.

Hays! Humanda talaga ang baklitang Chedler na yon!


JHOLA PERPEKTA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon