46

116 6 1
                                    

Sa isang restaurant kami pumunta. Madilim na sa labas.

Maya't-maya pa ay nakatanggap ako ng mensahe mula kay Chaze at sinasabi lang naman niyang mag-ingat daw ako at hihintayin lang daw niya ang txt or tawag ko if I need him.

Si Jerome ang nag-abalang nag-order dahil sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano magsalita sa ngayon.

Umurong bigla ang dila ko.

Bakit ba ganito ang nangyayari? Biglaan na naman gaya ng dati.

"Let's eat first."tipid na saad niya at nagbigay din siya ng tipid na ngiti.

Sumunod lang naman ako sa sinabi niya.

Tanging ang mga tunog lang ng kutsara at tinidor ang naririnig sa pagitan naming dalawa.

Hindi ko siya sinusulyapan kaya hindi ko alam kung ganon din ba siya.

Sa totoo lang ulit, sobrang awkward naming dalawa.

Nang sa wakas ay natapos kaming kumain at ganun pa rin parang nagkakahiyaan kaming magsalita.

"So, how are you?"pilit ang sigla sa boses niyang tanong sa akin.

"Mabuti naman. Ikaw ba?"

"The truth? I'm not emotionally and mentally okay since you left."sabi niya at para akong natusok ng kung ano sa lalamunan ko na hindi ko na naman yata kakayaning magsalita. "Pansin naman sayo na ayos ka lang. Maayos ba kayo ng nobyo mo?"sunod na tanong niya at napalunok ako ulit.

"Maayos naman kami. Kayo ni Charati?"lakas-loob na tanong ko. Pagkatapos ay lumunok ulit na tila ba may nakabara sa lalamunan ko.

"She's gone. Pagkatapos ng nangyari noon ay pinaalis ko na siya sa bahay."cold na saad niya.

Bakit ba niya ako pinaparusahan ng ganito? Sabihin lang niya na mahal pa niya ako ay handa kong sabihin sakanya ang totoo sa amin ni Chaze.

"And by the way, tutal ay may nobyo ka naman na, maybe it's also time for me to look forward. Nagulat ako but what can I do? Gago kasi ako sa ginawa ko sayo dati lalo na sa panghuhusga ko. And I want to say sorry sa lahat ng yon na ikinasama ng loob mo. This is just what I want. Para mapanatag ang kalooban ko. I want your forgiveness."mahabang saad niya pero sobrang lungkot ng boses niya. "I'm sorry Jhola. And as I promised, after this, giving your forgiveness ay titigilan na kita. Sorry sa lahat ng pananakit ko sayo."dugtong pa niya.

"Pareho tayong nagkasala. At ako ang unang nagkamali sa ating dalawa. Hindi naman ako mahirap magpatawad. Sana lang ay mahanap mo na rin ang babaeng makakapagpasaya sayo ng totoo. Pasensya din sa mga naging kasalanan ko sayo. Oo Jerome, pinapatawad na kita. Pwede mo na ba akong ihatid pabalik sa hotel? Hinihintay kasi ako doon ni Chaze."hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para sabihin iyon sakanya ng diretso. Gusto ko ng umiyak. Gusto ko ng ilabas itong bigat at sakit na nararamdaman ko ngayon. Akala ko ay kaya ko ng mawala siya ng tuluyan sa buhay ko pero ang sakit. Ito na yata ang huli naming pagkikita.

Takot na akong sabihin ang tunay na damdamin ko sakanya dahil ano? Dahil baka hindi lang ulit siya maniwala lalo na't ang alam niya ay kami talaga ni Chaze. Ayaw kong ako na naman ang maghabol sakanya this time.

At bakit ganon? Kahit pa sana sabihin na nating may iba na ako kung talagang mahal niya ako, hindi ba dapat ay ipaglaban niya ako? Pero bakit hindi ganon? Bakit ang dali sakanya ang ipamigay nalang ako basta sa iba? :'( hindi ba niya talaga ako ganon kamahal?

Habang pabalik sa hotel ay konting-konti nalang talaga at babagsak na ang mga luha ko. Mukhang hindi ko na kayang pigilan pa.

Pagkarating namin sa parking lot ay mas lalong hindi ko inaasahan ang aking makikita.

Chaze and Dara are passionetly kissing each other.


Just great!


May rason na ako para umiyak.

Kaya naman hindi ko na hinintay pa na mapansin nila ako. Nagmadali akong tumalikod sakanila.

And oh! I forgot. Kasama ko pala si Jerome at galit ang mukha niya.

"Let's go. I'll drive you home."hila niya sa akin habang ako ay umiiyak.

"Jhola!"pagtingin ko sa humawak sa kamay ko ay si Chaze pala.


Boooooogsh!

Sinuntok siya ni Jerome na dahilan ng pagkatumba niya.

Agad na dinaluhan ni Dara si Chaze habang ako ay parang wala na sa aking sarili dahil sa mga pangyayari.

"Back off! Gago ka! Wag na wag ka lalapit kay Jhola kahit kailan! Fvck you! Mapapatay kita!!"galit na sigaw ni Jerome sabay duro kay Chaze. After that ay hinila na ako ni Jerome papunta sa sasakyan niya at agad na pinaharurot palayo sakanila.

God! What's happening? Do I really deserve all this things? T____T.

JHOLA PERPEKTA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon