31

124 4 1
                                    

Nang sumapit ang gabi ay hindi namin inaasahan si Tatay na dumating. May mga dala itong mga maleta na hula ko'y mga damit niya.

"Sossimo! Ano iyang mga dala mo? Wag mong sabihing iniwan mo ang Mama mo?" Si Nanay.

"Dahil kina-kailangan. Pamilya ko kayo na itinakwil niya. Kung ayaw niya kayong tumira sa bahay ay minabuti kong umalis nalang doon para makasama kayo. Madaming taon ang ipinagkait niya sa atin kaya hindi ako makakapayag na ganon ulit ang kanyang gawin. Matanda na ako na may sariling desisyon at gusto ko kayong panindigan." Yakap ni Tatay kay Nanay.

Napaluha ako sa sinabi niya.

So, mali nga ang aking akala na inabandona niya kami. Nabulag lang siya noon dahil sa maling paratang ni Lola kay Nanay.

"Jhola, anak. Sana ay hindi pa ako huli para makabawi. At sana'y mapatawad mo ako sa nagawa kong pagkakamali noon sainyo ng Nanay mo." Baling sa akin ni Tatay kaya mas lalong nagsi-laglagan ang mga luha ko.

"Matagal ko na kayong pinatawad Tay. At maraming salamat dahil kami ang inyong pinili." Yakap ko sakanya. Pati si Junior ay nakisali na rin sa aming yakapan.

"Paano ang iyong kompanya? Mawawala sigurado yon sayo dahil kami ang pinili mo."nag-aalalang tanong ni Nanay.

"Hindi pwedeng gawin ni Mama yon dahil akin ang kompanyang iyo. Ako ang nagsikap doon kaya wala siyang kinalaman doon. Sa ngayon ay plano kong magpatayo tayo ng mas maayos na bahay para sa atin." Ngiti ni Itay at niyakap naman siya ulit ni Nanay.


--------------------------------✂

Mabilis na lumipas ang panahon.

Ipinamigay namin sa kapitbahay naming nangangalaingan ng lupa at tirahan ang dati naming bahay. At lumipat naman kami sa ibang lugar para magpatayo ng mas malaking bahay. Pero bago kami lumipat ay nagpaalam muna kami ng maayos at pinasalamatan ng lubos dahil sa naging kabaitan at kabutihan sa amin ni Madam Unday.

Pinili ni Tatay ang medyo malayo sa lungsod at may malawak na bakuran para kay Nanay dahil gusto daw nitong magtanim ng maraming halaman dahil iyon daw pala ang totoong hilig nito. Naging full-time housewife siya. Habang si Junior naman ay kasalukuyan nasa 4th year highschool na at sa sunod na taon ay college na siya. At ako naman ay binigyan ni Tatay ng mataas na position sa kompanya at kapag kinakailangan niyang lumipad papuntang ibang bansa para sa iba pa naming kabuhayan doon ay ako ang katulong ni Tito Jeson sa pagpapatakbo ng kompanya. Habang tumatagal ay natututo ako.

Naging maayos na ang takbo ng amin buhay at hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita kay Jerome. Pero hindi siya kailanman nawaglit ng aking isipan dahil maya't-maya'y naiisip ko siya kahit na madaming umaaligid-aligid sa akin na gustong manligaw.

Sa ngayon ay wala sa focus ko ang pag-ibig dahil gusto kong magpursige para naman mapatunayan ko kay Itay na kaya ko at hindi nasasayang ang kanilang tinuturo.

"Jhola! Grabe, hindi ka ba napapagod? Bakit hind mo tularan si Gabriela? Nagte-take ng break kapag kailangan niya. Mag-bakasyon ka din kaya para naman makapag-relax ka kahit papano." Si Sapphire na kasalukuyang kumakain ng mansanas sa harapan ko. Kasalukuyan ko kasing pinapasadahan ang mga ibinigay nilang mga papeles sa akin kanina.

At sila Sapphire at Alyana ay mga secretary ko. Laking tuwa nila noon na sila ang pinili ko dahil sa wakas daw ay magkakasama na kami araw-araw sa iisang opisina katulad noong dati.

"Oo nga. Gusto mo samahan ka namin bhe?" Segunda ni Alyana.

"Paano akong makakapag-relax kung ang dami nating trabaho? Pero kung gusto niyo, papayagan ko naman kayo."ngiti ko sakanila at inirapan lang nila ako.

"Sa tingin ko hindi bakasyon ang kailangan mo eh! Sa tingin ko ulit, boyfriend ang kailangan mo! Kaloka ka bhe! Dapat yung boyfriend na strikto yung hindi ka papayagang lagi kang nagugurang dito sa opisina dahil sa mga papeles na binabasa mo!" Pang-aasar sakin ni Sapphire at tinawanan ko lang naman siya.

"Hahahahaha! Grabe ka talaga sa kaibigan natin Sapp!"tawa naman ng tawa si Alyana kaya inilingan ko nalang sila. Mga luka-luka kasi talaga kahit kailan. "Pero bhe, seryoso? Sa dinami-dami ng nanliligaw sayo ay wala ka pang napipili kahit isa sakanila?" Dagdag na tanong nito sa akin.

Umiling naman ako.

"Aysows! If I know bhe! Malapit ng bumingo si Denver sakanya. Bilib ako sa pagiging ma-effort non eh! Haha! Kahit yata hanggang hating-gabi siya maghintay kay Jhola dito kapag nag-o-over time tong gaga e maghihintay talaga siya! Hahahaha!" Si Sapphire na ang lakas makatawa at sobrang mapang-asar pa talaga ang tawa niya.

Ako din ay natawa. Parang ewan din kasi ang lalaking yon. Though, prinangka ko naman na siya na hindi niya kailangang gawin ang mga yon para sa akin dahil hindi pa talaga ako handang pumasok sa isang relasyon.

"Napaka-choosy kasi talaga din ng lola mo bhe! Hahaha! Sobrang taas ng standards niya eeeh!?"si Alyana.

"Ay nako! Like what I've said! Wala sa pag-ibig ang focus ko kundi nasa trabaho." Natatawang sagot ko sakanila.

"Aysus! Wag ka nga! Ang totoong dahilan ay dahil hinihintay mo pa siya! Hahaha!" Sabay pa talaga sila na mukhang pinag-planuhan ang kanilang sasabihin sa akin.

Nawala naman agad ang mga ngiti ko. Dahil kahit anong tanggi ang gawin ko ay tama pa rin sila.

JHOLA PERPEKTA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon